Chapter 10: Missing...

1.6K 55 2
                                    

Mina's PoV

"Nasaan na siya?" tanong ni Jimin.

Inirapan ko siya "Obviously, hindi ko alam. Magkakasama tayo di ba?" sarcastic kong sabi sakanya. Alam naman kasi niya, nagtatanong pa.

"Tss, sungit." inirapan din niya ako tapos lumapit sakin. "Paano na? Wala na si Tzuyu, ano ng gagawin natin?"

"Mina? Teka, Mina, Jimin?" may boses na tumatawag samin kaso hindi yun si Tzuyu. Si Dahyun!

Nilapitan ko siya "Dahyun? Pano niyo kami nahanap? Alam niyo pa ba pabalik? Naliligaw na kami." sabi ko.

Tumango siya "Nandun kami kanina. Dun oh!" tinuro niya yung bandang may ilog. Medyo malayo pero tanaw naman.

Lumingon-lingon pa siya na parang may hinahanap "Si Tzuyu?" tanong niya at inikutan ako.

"Nawawala.."

"ANO?!?!?"

"Alam niyo, kaysa nagsisigawan kayo dyan, hanapin nalang natin si Tzuyu." sabi ni Jimin tapos naglakad na.

Sumunod na si Dahyun sakanya samantalang ako.. lumakad na papalayo. I don't know, I just want to stay away from Jimin. Wala naman siyang ginagawang masama.

Ako yata ang masama? Argh!

Tzuyu's PoV

"May dalawang klase ng tao sa mundo, ang matalino at tanga." sabi niya habang naglalakad sa harapan ko.

Gustung-gusto ko siya sagutin pero hindi ako makapag-salita dahil tinakpan niya yung bibig ko. Hinawakan niya ng marahas yung mukha ko. Tinanggal niya yung takip ko sa bibig.

"SINO KA BA TALAGA HA?! KAILAN MO AKO LALAYUAN?! ALAM MO, DATI KA PA E." gulung-gulo na ako. Sino ba 'tong taong 'to? May atraso ba ako sakanya? "Pakawalan mo ako."

Natawa siya at lumuhod kaya magkapantay nalang kami "Ano namang kapalit nun?" maloko niyang tanong. "Ah! Alam ko na.." lumapit siya sakin at may ibinulong.

"ANO?! HA! NASISIRAAN KA NA NGA." sinampal niya ako kaya napasinghap ako.

A-ayoko ng nasasampal. Na-trauma na ako. "S-sige, gagawin ko na yung gusto mo.." mahina kong sambit.

Nginitian niya ako "Mabilis ka naman pala kausap e. So deal na yun ha? At.. wag mong sabihin na may pinag-usapan tayong ganito." bulong niya habang tinatanggal yung tali ng kamay ko.

Hindi ko na kaya, nanginginig na talaga ako. Ayokong masampal. Bumabalik lahat.. lahat lahat.

Kung pano ko makitang nagaaway si Mom at Dad. Kung pano ako nasampal ni Dad ng ilang beses sa harap ni Mom para lang ibigay ni Mom yung hinihingi ni Dad.

"Makakaalis ka na.."

Then everything went black.

"Tzuyu? Tzuyu, okay ka na ba?"

Nandito na ako ngayon sa tent. Bakit ba kailangan pa?

Umiling ako.. kailangan kong gawin iyon. Alam kong nakamasid lang siya.

Dahyun's PoV

"Tsh. Ikaw nga ang kumausap doon kay Tzuyu. Mukhang walang balak maka-usap ng matino ah?" kalmado lang si Jeongyeon pero alam kong inis na siya. Murderin ba naman ang pagkain e.

"Oh. Sige." tumayo na ako pero pinigilan ako ni Taehyung "Ano ba?!" sigaw ko sakanya pero hindi siya nagpatinag. Hinila niya ako paupo.

Umirap ako "Whatever. Feeling nanay ka, pauso." bulong ko sakanya.

Nang matapos na ako kumain, pinuntahan ko kaagad si Tzuyu. Nakita ko siyang naka-upo sa buhanginan. Nagpapalamig, ni hindi pa nga niya ginagalaw yung pagkain na binigay namin sakanya.

"Tzuyu? Ang lalim ng iniisip mo ah, di na ako makaahon oh!" pagbibiro ko pero tinignan lang niya ako sabay iwas ng tingin.

Bakit ganito 'tong si Tzuyu? Kung normal siya, babarahin niya ang joke ko. Or sarcastic niyang tatawanan. Hindi kaya naabno na 'to?

Niyakap ko siya, baka kailangan lang niya ng yakap mula sa bff niya!

"Bitawan mo ako." malamig niyang sabi pero hindi ko pa rin siya binitawan "Bitawan mo na sabi ako e!!" first time niyang nagtaas ng boses sakin na tipong galit na talaga siya.

Binitawan ko na siya "Ano bang nangyayari sayo ha, Tzuyu?" tanong ko.

Tinitigan niya ako "I don't wanna be friends with you. You're way too childish and slow." diretsa niyang sabi. Hindi man lang siya huminto para pakiramdaman kung nasasaktan ba ako "And you know what? I never treated you as a friend." tumayo siya.

So that's it? End of conversation, end of our friendship? Anong problema niya? Hindi ako nasaktan dun sa pakikipag-friendship over niya e. Nasaktan ako sa sinabi niya na 'she never treated me as a friend.' saklap di ba?

Kinaumagahan nagising ako dahil sa bangayan nila "What?! E pano na ang Twice? Ganun-ganun nalang iyon? Magqu-quit ka na?" bulyaw ni Jihyo kay Tzuyu. Sinabi na nga ba, magqu-quit siya sa grupo? Okay fine.

Lumabas ako mula sa tent "Let her go. Kung ayaw niya, edi wag. Tutal, she never treated me as a friend naman e, us." inirapan ko si Tzuyu. "Oh ano? Akala ko ba quit ka na? Umalis ka na rito!" hindi ko na mapigilan yung luha ko kaya napahagulgol na lang ako.

"Sorry! N-nadala lang ako kagabi, Dahyun. Believe me, I'm sorry. Sorry talaga. Nagpadalosdalos ako ng desisyon." niyakap ako ni Tzuyu.

"Yey! Group hug!!!"

--

Someone's PoV

Matigas talaga ang ulo mong Tzuyu ka! Sinabi nang wag makisama sa mga iyan e

Alam niyo kung bakit ginagawa ko iyon? Simple lang naman, gusto kong maging miserable ang buhay niya bago ang nalalapit niyang kamatayan. Hehehe.

Kawawa naman ang bruhang 'to. Walang kaalam-alam sa mga taong galit na galit sakanya.

Paano ko kaya siya palalayuin sa mga iyan? Ah, alam ko na! Pano kaya kung itorture ko siya para madala siya at wag ng lumapit sa mga yan? Tama, ang galing ko talaga.

At lilipat rin ako sa school nila para mabantayan ang kilos niya. Hindi naman niya ako makikilala dahil nakamaskara ako nung dukutin ko siya e.

Isa pang bravo para sakin!

Sige Tzuyu, pakasaya ka muna sa NGAYON kasi kung gaano ka kasaya ngayon? Ganun din ang magiging kalungkutan mo. HAHAHA!

Bakit ko nagagawa 'to sakanya? Simple lang naman, dahil isa siya sa dahilan kung bakit...

Opps! Masyado na akong madaldal, hihi. Malalaman niyo rin iyan. Pero sa ngayon, enjoy enjoy muna sa maliligayang araw, Tzuyu. HAHAHAHHAHA.

Naka-masid lang ako sakanya hanggang ngayong maggagabi na. Ganun ko kagustong makabisado ang galaw niya. Oh diba, para pag time na ng pagpapahirap, alam na alam ko na ang kahinaan niya. Ang great ko naman!

Pitong araw na lang... welcome to hell. Chou Tzuyu!!!

Aba ang higad... wagas kung tarayan si Jungkook. Akala naman niya ikinaganda niya. If I know, nagpapabebe lang yan kay Jungkook.

What if patayin ko silang lahat?

Pero nakakaawa naman... ngayong si Tzuyu lang ang may atraso sa akin.

Hmm, depende yan sa ikikilos nila kapag lumipat na ako sa Gangster Academy.

"Gangster Academy, here I goooo!!!" hiyaw ko habang naglalakad papalayo sakanila.

Ayoko ng ingay, gusto ko katahimikan lang. Kaya nga patatahimikin ko si Tzuyu e! Mehehehhe.

--
Author ganda's note:

So yeah, naisipan kong gawan ng killer sila Tzuyu. Para intense! Whooo.

Gangster AcademyWhere stories live. Discover now