Chapter 12: Confession gone wrong.

1.5K 46 3
                                    

Dahyun's PoV

Ilang araw na rin yung lumipas pero hindi pa rin nawawala yung pagka-weird ni Jungkook at Tzuyu. Tinawag pa nga ni Tzuyu na Kookie si Jungkook e. How weird right?

"Psst. May napapansin ka kila Jungkook?" tanong ko sa katabi ko. Which is si Mina pala.

Nagkibit-balikat siya tapos nagpatuloy na sa kinakain niya. Sabi na e, wala akong makukuhang matino dito kay Mina. Lumingon ako sa katabi kong isa, si Chae.

Umusog ako palapit sakanya ng konti. "Anong nahahalata mo kila Jungkook at Tzuyu?" pinagsingkitan niya ako ng mata.

"Hmm, tinatawag ni Tzuyu si Jungkook na Kookie which is ang BTS members at si Sana lang ang tumatawag sakanya ng ganun." nagtaas siya ng kilay habang binabalatan yung fish "Nahahalata mo rin ba, Dahyun?"

Tumango ako "Tsk. Sinasabi na nga ba, may kung ano dito kanila Tzuyu pati kay Jungkook."

Nilalaro ko yung ilong ko nang biglang may sumanggi sa kamay ko inirapan ko nang malaman na si Taehyung yun.

Hindi ko nalang siya pinansin.

"Ayaw mo?" inabot niya sakin yung... crabs? Waaaaah!

Kahapon lang sinabi ko sakanya na ayoko na kumain ng isda ah? Wow.

Kinuha ko iyon at binuksan. Takam na takam na talaga ako sa crab na 'to. Matagal na rin nung nakakain ako ng crab e.

"What the fudge?!" Galit kong sigaw.

Tumawa si Taehyung sa sarili niyang kalokohan. Grr, buhangin pala yung laman ng shell nung crab. Bwisit, natakam tuloy ako. Feeling ko ang tanga ko para maniwala kay Taehyung the bwisit.

7 days na kami dito at tatlong araw na lang, balik Gangster Academy na naman kami.

Hindi parin dumadating dito si Sana. Wala naman kaming phone dito kasi kinonfiscate yung mga gadgets namin na dala.

"I really hate you, Kim Taehyung! Argh!" ibinato ko sakanya yung shell na binigay niya sakin.

Naka-ilag siya "Hindi ko naman sinabing kainin mo 'yan ah? Inabot ko lang sayo para ipatapon. Tss." sabay irap niya sa hangin.  Ako ba ginigigil netong si Taehyung? Kung oo, effective ha.

Inirapan ko siya pabalik. Ugh, kahit kailan talaga. Never kaming magkaka-sundo netong lalaki na 'to.

"Tara, swimming!" sigaw ni Jhope sabay akbay kay Momo. Inirapan naman siya ni Momo sabay tanggal sa kamay ni Jhope na naka-akbay sakanya.

Sumangayon naman ang lahat at nag-bihis na kami ng panligo. Buti, dala ko yung rash guard ko ngayon.

Ayan, we're now set. Nagsilanguyan na kami medyo naka-inom sila kanina, ako hindi ko kaya e. Yeep, nag inuman sila kanina.

Yung iba naming kasama, nasa malayo na ng parte ng dagat. Nakikita ko pa naman sila pero... nasan si Jungkook at Tzuyu?

Tzuyu's PoV

Medyo lumayo kami sakanila kasi.. ewan ko. Bakit nga ba? Siguro gusto lang namin ni Kookie mag solo.

"Ugh, Yoda." tawag niya sakin habang naka half smile at half asleep na siya.

Napa-yuko ako "O-oh?" shucks, bakit ako nauutal? Hindi 'to pwede gosh. Hindi pa ako lasing, tipsy lang pero siya.. lasing na lasing na siya. Hindi pa naman ako masyadong magaling lumangoy. Si Jihyo, marunong siya.

Marahan akong lumapit kay Jungkook para sana hilain siya paahon pero ako ang nahila niya kaya napasubsob ako sa... labi niya. Omy napasubsob ako sa labi niya!

Gangster AcademyWhere stories live. Discover now