Chapter Sixteen

20K 320 51
                                    


"Ano!!!are you crazy!!!" Sigaw ng pinsan nya.

Sinabi kasi nya ang plano nya.na ilalayo na nya ang mga bata rito.

"Hindi!!pero ayokong masaktan ang mga anak ko,hindi ako papayag na pati sila ay masaktan"

Sumimsim muna ng kape ang pinsan nya bago magsalita "pero tatay din sila ng anak mo!!!at anong masasaktan?ayaw mo ba talaga silang masaktan o ikaw?ayaw mong masaktan?"

Tumagos naman ang sinabi sa kanya ng pinsan nya.pero bakit naman sya masasaktan kung wala na syang nararamdaman sa binata.

"Of course not!!wala na kong feelings sa kanya.ang sakin lang anong karapatan nyang maging tatay sa anak ko?!hindi ba!!sya ang nagtaboy sa amin??!"

Hindi nya na naman tuloy napigilang sumabog.walang karapatan si Ace sa anak nya.

Bakit?!dahil kung may paki talaga ito sa kanya at sa mga anak nya,edi sana hinanap sila nito kaagad.

Pero wala!!!kasi makasarili si Ace.

"Oh my Demon!!!mag isip ka nga!!!ayan ka naman sa padalos  dalos mo!!think Katanna!!!para sa mga pamangkin ko rin ito!!"

Tumaas lamang ang kilay nya "yung totoo?sabihin mo nga sa akin!kanino ka ba kakampi.kala ko ba galit ka sa gagong yun?!!"

Napapansin nya kasing iba ang tinatakbo ng utak ng pinsan nya.

"Oo nga!!pero kawawa naman yung pamangkin ko!"

Hindi nya na lang pinansin ang sinabi ng pinsan nya.

Oo!kawawa ang anak nya pero ayaw nya namang masaktan ang mga ito.

"Una na ako!andami ko pang aasikasuhin"

Sunod sunod naman kasi ang schedule nya.sa restaurant at sa mga bata.

"Oo na!!basta yung sinabi mo!hindi yun aprove sakin."

Inirapan nya na lang ito.

Hangga't maaari,ilalayo nya ang anak nya sa mga taong sasaktan sila.

Kinuha na nya ang bag at humanap ng masasakyan patungo sa restaurant na pag mamay-ari nya.

Naguguluhan talaga sya sa pinsan nya.isang taon itong hindi nag pakita sa kanya

Tapos babalik itong iba na ang tinatakbo ng isip?

Nang makarating sa restaurant ay dali dali syang pumasok sa loob.

"Good morning mam" magalang na bati ng guard.

"Good morning rin po" balik nyang bati rito

Sinalubong sya ng kanang kamay nyang si Chrishell.

"Jusko mam!bakit ngayon lang po kayo?kanina pa po may nag hahanap sa inyo" nagmamadaling sabi nito.

Kumunot ang noo nya sa sinabi nito.sino naman kaya ang maghahanap sa kanya? "Sino?at bakit nya ako hinahanap?"

Labis talaga ang pagtataka nya,sino ang hahanap sa kanya at bakit parang stress yata ang sekretarya nya.

"Wala pong sinabi mam!pero gwapo po e.baka manliligaw nyo?"

Manliligaw?at kung manliligaw nya,bakit hindi man lang nya kilala?

"Sigurado kaba?baka nagkakamali lang sya?" Wala naman kasing nanliligaw sa kanya,dahil ni-reject nya ang mga ito.

"Hindi po mam!kayo talaga,Katanna Summer Torres Cervantes ang sabing pangalan.pero diba mam,Torres lang po ang surname nyo.bakit nadagdagan?"

Nanlaki ang mata nya.nanlalambot ang tuhod nya,ang apelidong matagal na nyang kinalimutan.

Ano bang kailangan ng lalaking yun sa kanya?bakit ngayon pa!kung kailan masaya na sila ng mga anak nya!!

Love me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon