Chapter Eighteen

19.5K 283 10
                                    

Tahimik lang silang kumakain ni Ace,walang nag salita sa kanila tila hinihintay kung sino ang unang magsasalita.

Sumama sya sa binata,para matapos na ang kahibangan nito at ng matahimik na ang buhay nya.

"So..how are you?" Basag katahimikan na ani ni Ace

Umirap lang sya bago uminom ng champagne "okey lang kung hindi ka sana dumating"

Napakagat labi tuloy sya.lumabas na naman ang kamalditahan nya.

Tumango tango lamang ang binata "I see."

Tinaasan nya ito ng kilay "pagkatapos nito wag ka ng magpakita sakin.bumalik ka na sa Maynila!" Tinitigan nya ang mata nito.

Kitang kita nya ang lungkot sa mata nito.

Tama!kaya lang malungkot ang binata dahil wala na itong mapaglalaruan.

"Yeah. ubusin na muna natin tong wine,at gaya ng sinabi mo lalayuan na kita."

Kitang kita nya ang paglandas ng pilyong ngiti sa labi nito,ngunit pinagsawalang bahala nya na lang at inisang lagok ang inumin.

Kailangan ng lumayo ng binata sa mga anak nya.dahil masasaktan lamang ang mga ito sa huli.

Alam naman nyang masasaktan ang anak nya,dahil wala silang ama ngunit mas masasaktan ang anak nya kung malalaman ng mga ito na pamilyado na ang ama nila,at mas higit pa.pag nalaman ng anak nya na ang asawa ng papa nila ay tita rin pala nila.

Ayaw nyang maging komplikado ang lahat.ayaw nya ng mangyari ang nangyari sa kanya.

"Mauna na ko.naghihintay pa ang anak KO" pinagdiinan nya talaga ang salitang KO.

Dahil punyeta lang.walang karapatan si Ace para angkinin ang anak nya.wala ito sa panahong kailangan nya ng magiging katuwang sa pagpapalaki ng mga bata at wala ito sa panahon na naghihirap sya.

Dahil mas inuna nito ang sarili nya!!napaka makasarili talaga.

Kinuha nya ang shoulder bag at tumayo ngunit napahawak sya sa hamba ng upuan ng makaramdam ng hilo.

Shit!wine lang naman ang ininom nila pero bat nahilo sya?

Agad na lumapit sa kanya si Ace at hinawakan ang bewang nya para alalayan.

"Are you okey baby?" Malambing na tanong nito.

Marahas nyang tinanggal ang kamay nito.

"Ayos lang ako.pwede ba?! Wag mo akong hawakan!!" Mabilis syang naglakad papalabas ng restaurant

Pero nyemas lang.parang mas lumala pa ang hilong nararamdaman nya.

Siguro sobrang napagod lang talaga sya.hindi pa sya nakakalabas ng restaurant ng bigla na lamang mandilim ang paningin nya at ang huli nyang narinig bago lamunin ng dilim ay ang boses ng lalaking kinamumuhian nya

"I'm sorry baby.mahal kita"

_

Isang maliwang at nakakasinag na bagay ang ng gising kay Katanna mula sa mahimbing na tulog.

Napabalikwas sya dahil hindi pamilyar ang amoy at ang lugar kong asan sya.

Nilibot nya ang tinggin sa silid.napakaayos at detalyado ang lahat ng bagay na naroon.

Bumaba sya sa kama at tinungo ang pinto.at ng masilayan nya ang buong paligid sunod sunod na mura ang pinakawalan nya.

Fuckingshit!!asan na ba sya?

"Gising ka na pala baby?" Halos mapatalon sya sa gulat ng sumulpot ang demonyong lalaking sa harap nya.

Sino pa ba?! Ang gagong si Ace lang naman.

Love me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon