Chapter twenty one

35.6K 955 474
                                    

TWO WEEKS na sila dito sa Isla ni Ace,pero hindi parin sya binabalik ng gago.

Miss na miss na nya ang mga anak nya at napansin rin nya na sa loob ng dalawang linggo na kasama nya si Ace,ay talagang malaki ang pinag bago nito

Naiinis na naman tuloy sya.

dahil sa dalawang linggo kasama nya ang hudas,may kung anong nararamdaman na naman sya,at Hindi nya gusto ang nararamdaman na yun

tandaan mo Katanna,sinaktan ka nya at kung ayaw mong mauliit muli ang katangahan mo.layuan mo yang gagong yan. ani ng isang tinig sa isip nya.

tama!! Hindi dapat sya maapektuhan sa presensya ng hudas nyang asawa.este EX HUSBAND!!

marahas nyang nahilamos ang palad sa mukha.Fuckshit!! alam nya ring pag umuwi sya ay uulanan sya ng mga tanong ng magulang nya. miss na miss nya na ang mga anak.

"goodmorning babe" ngiting-ngiti ang gago,sarap tuloy ihampas sa pader para di na nya makita ang ngiti nito.

"walang good sa morning kung ikaw agad ang bubungad sakin!'' mataray at pairap nyang sabi.

"aray naman babe" humawak pa talaga ito sa bandang dibdib na kala mo nasasaktan,as if naman na masaktan tong hudas na to.tsss "hormones ba yan babe? nabasa ko kasi sa internet na pag masungit na si misis it means na may baby na sila ng mister nya"

muli na naman syang napairap "hindi porket masungit ako ay buntis na ako?" matapos ng nangyari sa kanila,sa dalampasigan nasundan pa yun na ilang ulit na pag angkin ng gago sa kanya

at dahil sa espirito ng alak

espirito raw.pero nagustuhan mo naman.ilang beses mo pa ngang sinigaw ang pangalan nya at ilang beses ka rin naman nag pa ubaya.

yan na naman yung traydor nyang isip. "porket masunget ako,buntis na ako?! nakaka imbyerna lang yung ugali mo!" sabi nya bago tuluyang tumayo "at kailan mo ba ako ibabalik? miss ko na ang ANAK KO!!"

rinig nya ang pag buntong hininga nito, "ibabalik lang Kita pag mahal mo na ako" naikuyom nya ang kamao

hindi ba nito maintindihan? na ayaw na rito,tas pipilitin pa ng gago na mahalin nya ito???

umigkas ang palad nya at malakas na sinampal si Ace sa mukha,kitang kita nya ang pag ka gulat sa mukha nito.

"DAMN IT ACE!! PWEDE BANG PA UWIIN MO AKO!! AND STOP,TALKING NONSENSE!!!!BAKIT BA NGAYON MO PA SINABI YANG MGA YAN,SA TINGIN MO BA PAG SINABI MONG MAHAL MO AKO O SINABIHAN MO KO NG I LOVE YOU AY BABALIK NA AKO SAYO??? FUCK! HINDI GANUN KADALI YUN ACE,AT TANG INA

LANG PA UWIIN MO NA AKO.MAY PAMILYA KA NA?HINDI BA PWEDENG MAS INTINDIHIN MO SILA,HINDI YUNG ANDITO KA TAS MAY ANAK KA SA IBA!!!GANYAN BA ANG DAPAT NA MAKITA NG ANAK KO??" napupuyos na talaga sya sa galit.sari't-saring emosyon ang nararamdaman nya

galit,panghihinayang,awa,puot,hinanakit " KUNG TOTOONG TATAY KA,IINTINDIHIN MO ANG ANAK NYO NG ATE KO!!! AT KAHIT IKULONG MO KO SA ISLA NA TO NG ILANG DEKADA KAHIT NA DITO NA AKO MAMATAY,DI NA KITA MAMAHALIN,I HATE YOU!!!! KAYA PLEASEEEE...BUMALIK KA NA RIN SA SARILI MONG BUHAY,PWEDENG LAYUAN MO NA AKO??!!! KAMI NG ANAK KO!!!"

pinahid nya ang luhang lumandas sa pisngi. akala nya iiwan na sya nito at natauhan na ngunit nahigit nya ang sariling hininga ng yakapin sya ni Ace.

"I'm sorry baby" hinalikan pa nito ang balikat nya "sorry sa mga nagawa ko dati, masyado lang talaga akong nabulag sa kasinungalingan.mahal na mahal kita.at gagawin ko ang lahat ng paraan para mapatawad ako.pleaseee I beg you!" hinalik halikan nito ang likod ng kamay nya

"hayaan mo kung ipakita kung gaano kita ka mahal." nababasa nya ang emosyon sa Mata  ni Ace.nagmamakawa ito.pero natatakot sya.natatakot sya sa posibleng mangyari kapag hinayaan nya ang lalaking makapasok ulet sa buhay. magiging magulo na Naman ang lahat at ayaw nyang mangyari yun.

kaya kahit na ayaw ay tiningnan nya sa Mata si Ace "kung mahal mo ako,pakiusap Ace iuwi mo na ako" gumuhit ang sakit sa Mata nito

"ayoko!" marahas na naman syang napasabunot sa buhok.

"Darn it!!!! Ace ano ba??! di ba talaga makaintindi ng salita ayoko na! FOR FUCKING SAKE ACE,HINDI NA KITA MAHAL,AYOKO NA SAYO AT LAYUAN MO NA AKO!"

napayuko si Ace "ayaw mo na ba talaga sakin?" malungkot na ani rito at bakas din ang sakit

"OO!!ARE YOU INSANE??SA TINGGIN MO MAMAHALIN PA KITA,NAKAKADIRI"

"okey,be my lovely wife in 2 weeks.kahit pretend lang lahat,basta gusto Kong maramdaman na parang mag asawa parin tayo,pagkatapos nun ibabalik na kita sa inyo,at Hindi na ako mag papakita sayo kahit kailan"

ANG sakit! naninikip ang dibdib ni Ace sa narinig sa babaeng mahal.

ganito ba ang galit nito sa kanya kaya kita at ramdam nya ang disgusto nito sa kanya.

-

Ilang beses nasabunutan ni Katanna ang sarili,hinampas nya ang parteng dibdib kong nasan banda ang puso nya.

Bakit sya nasasaktan?Bagay lang naman talaga kay Ace ang sinabi nya hindi ba? Ngunit kabaliktaran naman ang sinasabi ng puso nya.

"Arghh. Fuck!" Marahas nyang hinilamos ang palad sa mukha at pabagsak na humiga sa kama

"The dinner is ready baby" Ani ng isang malambing na boses,Binalingan nya ito ng tingin ang nakita ang lalaking dahilan kung bakit naninikip ang dibdib nya.

Umismid lang sya at pinikit ang mata "Wag kag mag pagutom baby please? Parang awa mo na" nahihimigan nya ang pag aalala sa boses nito.

mapakla syang tumawa, at huminga ng malalim kailangan nya ng makita ang anak nya at alam nyang isa lang ang paraan para ibalik ulet sya ni Ace.

tiningnan nya ito ng daretso sa mata "Ace?"

"hmm???" malamyos na ani nito. "Pag ba tinupad ko yung deal natin ibabalik mo na ako??" desperada na kung desperada pero kailangan nya na talagang maka-alis dito at lumayo  kay Ace,dahil alam nyang delikado sya.baka di nya mapigilan ang bugso ng damdamin ay may masabi syang di inaasahan sa binata.

Ngumiti naman ito ng pilit "Of course,deal is deal baby-kahit masakit na pakawalan ko ang babaeng mahal na mahal ko kailangan ko.kung san sya masaya kailangan ko syang palayain 'ayokong masaktan sya ng tuluyan ng dahil sakin

Kahit ako na lang ang masaktan ayos lang" mahabang litanya nito bago umalis.

mapait na naman syang napangiti.damn it!! purong kasinungalingan ang nalabas sa bibig ng binata,pero bat ganun?? iba ang epekto nito sa kanya??? bakit sobrang bilis ng tibok ng puso nya sa tuwing sasambitin ng binata na mahal na mahal sya nito.

Fuck!! not again!! di nya na pwedeng maramdaman ulit ito dahil tapos na syang masaktan at isa na syang matapang na Katanna,wala na ang isang mahina at iyaking babae ang nagpakatanga.

humingi sya ng malalim,kung laro lang ito para kay Ace ba't hindi nya sabayan ang larong gusto nito??

___________________

A/n: waaaaaa.may nag babasa pa ba nito?? sana naman meron pa! by the way thanks sa votes and comment guys i really appreciate it.

masyado akong naging busy sa Rpw pfft sa mga di alam kung ano yun sexret na lang po.at dahil alam nyo na na miss ko kayo tuloy na natin si update ko grabe na miss ko talaga kayo.

malapit ko na yatang matapos to.hahaha kaya aja!!! kakayanin para sa inyo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon