#1

29 2 0
                                    

Mahal, naaalala mo pa ba nung una tayong magkita?




Ako'y iyong nilapitan at sabi mo mukha ko ay parang manika

Kinilig naman ako kahit hindi naman kita kilala at para bang natutunaw yung puso ko sa iyong mga mata

Pero may sinabi ka pa, "Maganda ka sana pero may beer kang dala"

Natigilan naman ako at napatawa, ang galing mo kasing magpahiya

"Crush sana kita, pero ayoko sa babaeng lasinggera", ngumiti ka at tumalikod na

Napanganga na lang ako dahil hindi ko naman hinihingi yung opinyon mo

Pero mahal, alam mo ba? Ang lakas ng tibok ng puso ko.

Para Kay MahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon