Oo mahal, nagbago ka na
Hindi ka na katulad ng aking nakilala
Sa limang taon nating pinagsamahan
Para bang hindi ka man lang nanghihinayang
Mahal, naaalala mo pa ba noong ako'y iyong kinaibigan?
Hindi ko alam kung ano ba dapat ang mararamdaman
Kasi nga hindi kita gustong maging kaibigan, gusto kitang maging ka-ibigan
Mahal, sabi ko sa sarili ko sa pagkakaibigan din naman lahat nagsisimula
Naging magkaibigan nga tayo mahal, gaya ng inaasahan
Pero hindi ko rin mapigilan itong nararamdaman
Sa tuwing magkasakit ako, inaalala mo ako
Sa tuwing iinom ako, pinapagalitan mo ako
Oo mahal, kinikilig ako ng sobra
Sobrang sobra gaya ng sakit na aking nararamdaman
Ngayong may iba ka na
Mahal anong nangyari sa ating dalawa?