Mahal, hindi ko malimutan yung mga panahong lagi mo akong nilalambingYung pag sinabi kong nagugutom na ako, meron agad na pagkain
Pag sinabi kong meron ako, bibili ka agad ng napkin
Pag malungkot ako, automatic magiging clown ka na mapatawa lang ako
Oo mahal, ang bilis mong makahanap ng solusyon
Pero di ko alam, ganon ka din pala kabilis mag move on
Inaamin ko mahal, hindi naman ako kagandahan para iyong maipagyabang
Pero mahal bakit? Bakit? Nandito naman ako upang ika'y gabayan
Mahal, saan ba ako nagkulang? At basta basta mo nalang iniwan?