Taong dalawampu't labing dalawa
Nagtapat ka sa akin ng iyong nadarama
Sobra ko namang saya
Kasi nga gusto na kita dati pa
Hindi ko na naisipang magpakipot pa
Kasi baka mawala pa kita
Oo mahal, para akong tanga, sobra sobra ang saya sa tuwing ika'y kasama
Hanggang ngayon, mukha pa rin akong tanga
Hindi dahil masaya ako mahal, ang tanga dahil buntot ako ng buntot sa mga pinupuntuhan niyong dalawa
Oo mahal sa kabila ng lahat lahat, ikaw pa rin ang aking mahal.