Bato-bato sa Langit
Tamaa'y huwag magagalit
Biro-biro kong pangit
Kalahating totoo ang kapalit
Pabiro kong aaminin
Upang patotoo mong damdamin
Palaisipa'y mahusay mong isipin
At sa tamang panaho'y malalaman mo rin
Salitang mahirap bigkasin
Lalo na kung sayo sasabihin
Sayo'y hindi ko magawang aminin
Kaya ika'y akin munang pahuhulain
Kung pumintig-pintig ang puso
Tila bumabagsak na troso
Pilit aabutin iyong pwesto
Ito lamang ay aking maikwento
Tila talang kumikinang iyong mga mata
Na sa puso ko'y nagpapalukso at nagpapaligaya
Kung saakin ika'y mawawala pa
Itaga mo sa puso mong hindi ko makakaya
Sa angking galing,talino at bait
Para kang anghel na hulog ng langit
Ipinanganak man akong ubod ng pangit
Mamahalin parin kita,Nang walang hinihintay kapalit