Purpose #1

292 9 3
                                    

"Uy bes!! Nakita ko si crush kanina shaks!"
"Omg talaga?!"

"Uy pare! Laro tayo mamaya."
"Ge anong oras?"

"Babe date naman tayo oh?"
"May klase pa ako mamayang 6 pm babe eh."

"GAGO M.I. ANO?! WUN VI WUN ANO?!"
"NILAMON KA NA NG M.I. PRE LECHE!"

Sari-saring ingay ang pwedeng marinig sa baba. Makikita rin kung gaano sila kabusy at nabubuhay sa kanya-kanyang mundo. Bakit lahat sila mukhang masaya? Kingina wala ba silang dinadalang problema kahit isa?

Kasi ako sawang-sawa na sa bangayan ng mga magulang ko at anytime nararamdaman kong maghihiwalay na sila. Idagdag mo pa yung kapatid ko na nakadisgrasya kaya lalong nakakastress sa bahay. Kahihiwalay lang din namin nung gf ko last month dahil sa ibang lalaki.  Hay life.

Nakatayo ako sa dulo ng rooftop ng building namin. Ang sarap tumalon. Sa dami ba naman ng problema ko aba ang sarap sumigaw ng "TAKE ME, LORD! TAKE ME!".

"U-UYYYY!!!!!!!!!" KINGINA NAGULAT AKO. MAY BIGLA LANG NAMAN HUMABLOT SAKIN MULA SA LIKOD.

"KUYA PLS WAG KANG TUMALON. MAHAL KA PA NI LORD. KUNG ANO MAN YANG DINADA----"

"AISH!! ANG INGAY MO MISS. Sino ka ba ha? Saka di ako tatalon! Mahal ko pa rin buhay ko no."

"Whoo. Akala ko tatalon ka na eh. Hi! I'm Lalisa pero Lisa na lang itawag mo sa akin. Ikaw?" Sabi nitong babaeng kamukha ni barbie na nasa harap ko.

Ang lakas ng loob nito makialam sa pagmumuni muni ko. Ang ingay-ingay pa jusme! Nakalunok ata to ng megaphone eh.

"Omo. Hala napipi ka na? Kung ganon Ilong na lang itatawag ko sayo ha. Ang laki kasi ng ilong mo eh, wow." Sa sobrang amzed niya eh pinisil pa niya ilong ko kaya tinapik ko agad yung kamay niya.

"ANO BA?! Singhutin kita diyan eh! Fc mo ah. Don't touch me."

"Ay taray. Engliiiisssshhh!!!" Lalong sumingkit yung mga mata ko sa kakulitan ng babaeng to.  Maiwan na nga tong takas mental na ngngangalang Lira? Lita? Lisa? Lisa ata. Aish ewan.

"HUY KUYA!!! ABA IIWAN MO NA LANG AKO BIGLA. WHAT IS YOUR NAME?"

Tumigil ako sa paglalakad. "Jeon Jungkook."

***

"JUNGKOOOOOOOOOOOOOK!!!"

Aish! Halos isang buwan na rin ang nakalipas simula nung rooftop scene at sa araw-araw na ginawa ng Diyos lagi na lang ganito. Pero kahit na napakaingay ng babaeng to eh aaminin ko naman na masaya siyang kasama.

"Ang ingay mo Barbie." Agad siyang sumimangot sa sinabi ko. Hindi dahil sa sinabihan ko siyang maingay kundi dahil sa tinawag ko siyang barbie.

"LISA ANG PANGALAN KO AT HINDI BARBIE. Pwede ba ha Jungkook stop calling me barbie."

"Eh kamukha mo kaya siya. Saka buhay barbie ka rin naman for sure tss."

Biglang nag-iba yung timpla ng mukha niya.

"Whatever. Tara na nga, dun na tayo sa sakayan ng jeep."

Sa paghila niya ng kamay ko may naramdaman akong kakaiba. Tangina Jungkook nababaliw ka na naman.

As usual, nauna akong sumakay. Lagi siyang nagpapaiwan, ni hindi ko alam kung saan yan nauwi. Nag-aaway lang kami pag pinipilit ko siyang magkwento tungkol sa kanya. Samantalang siya alam na ata buong talambuhay ko. Pag malungkot ako, lagi niya akong pinapasaya. Tinutulungan niya ako sa mga problema ko at pinapagaan ang loob ko.

Purpose (Short Story) j.jkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon