Kookie says hi :>
*******
"Bili mo na akong ice cream please, Jungkook." Tinignan ko naman siya. Aba nagawa pang mag aegyo ni Lisa sa harap ko.
"Oo na oo na! Diyan ka lang." Pumalakpak naman na parang bata tong si Lisa.
"Manong dalawa nga po. Salamat." Pagkaabot sakin ni manong ng ice cream eh naglakad na ako pabalik kay Lisa. May binabasa atang text sa phone niya.
"Psst. Babae." Inabot ko na yung ice cream sa kanya bago pa matunaw.
"Gomawo."
Dahil sa wala kaming klase ngayon eh nagyaya sa park tong babaeng to. Kung may rason daw na umalis sa bahay niya eh, go lang. Napansin ko naman na tumahimik si Lisa.
"Kung sino ka mang sumapi sa kaibigan ko, utang na loob lumayas ka na please."
"Huh?"
"UMALIS KA SA KATAWAN NIYA. ASAN NA YUNG MAINGAY KONG KAIBIGAN?! IBALIK NIYO ANG LISA KO!!!!!" sigaw ko with matching pag-alog sa kanya. Buti na lang naubos ko na agad yung kinakain kong ice cream.
Binatukan na lang ako ni Lisa dahil sa pinagsasabi ko."Sa ating dalawa ikaw ata tong nababaliw eh! Parang timang to oh."
"Ayt. Ang bilis mo namang bumalik tsk."
"Gulo mo teh ha! Wala namang nasapi sakin eh anoba. Saka anong 'Lisa ko'? Excuse me, pero di ako sayo."
Sinabi niya yun habang hawak niya ang baba ko T^T
"Di mo ba alam? Na akin ka." Hinawakan ko ang kamay niya at tumingin sa kanya ng deretso.
*PAK*
"ARAY! PARA SAAN NAMAN YUN?" SINAMPAL LANG NAMAN AKO NI LISA.
"H-ha? A-no, I was shookt."
"SHOOKT KA LANG? JUSME. LISA NAMAN, JOKE LANG YUN EH. JUSKO PO." Sabi ko with matching drama skillz and pag-upo sa lapag.
Nilabas niya ang phone niya. ABA BALAK PA ATANG PICTURAN AKO.
"Sus picture ko lang naman ang gusto mo. Oh akin na." Kinuha ko yung phone niya at nakitang nasa messages pala ito.
From: Jennie Unnie
Asan ka ba Lisa? Bakit di mo nilinis kwarto ko? Saka yung mga damit ko bakit di mo pa nilalabhan? Umuwi ka nga munang babaeng ka leche.
"Inaalila ka na naman ng kapatid mo?!"
"Wala lang yan. Jungkook akin na nga yan."
"Pag ako di nakapagpigil sasaktan ko yang kapatid mo nako!"
"Jungkook! Kapatid ko pa rin si Unnie. Saka di ka naman inaano nun eh."
"Oo nga! Hindi ako pero ikaw naman inaano nun. Nakakaano eh kala mo ang ano eh."
"Ano ba yan! Puro ka ano. Wala na akong naintindihan." Sabi niya at lalong sumimangot.
Tinitigan ko siya. Ang ganda pala ng mata niya. Sayang nga lang at lagi siyang umiiyak dahil sa pamilya niya. Yung ilong niya, shaks ang perfect. Di malaki katulad ng ilong ko na kayang singhutin buong Korea. And her lips...
"J-jungkook....h-hoy!"
"AYAAAAAAAN!!!! MAS BAGAY SAYO OH DIBA?" Pinisil ko lang naman yung cheeks niya tapos ni-stretch para magform ng smile yung bibig niya.
Anong akala niyo? Hahalikan ko siya? Assumera niyo talaga tsk.
"Smile!" Pinicturan ko siya gamit yung cellphone niya at tumawa ng tumawa.
Pinagpapalo naman niya yung isa kong kamay kaya napabitaw na rin ako. Hinablot niya yung cellphone niya sakin at tinignan yung picture niya.
"HAHAHAHAHAHAHA MYGAD. AKO BA TALAGA TO?! BWISET KA KOOKIE HAHAHAHAHAHAHA!!"
Humagalpak na kaming dalawa sa kakatawa. Siguro pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid sa ingay namin. Napagod na ako sa kakatawa pero si Lisa hindi pa.
May pagtakip pa siya sa bibig niya habang natawa. Lalong gumanda yung mga mata niya pag masaya siya. Di ko na lang namalayan na nakangiti na pala akong nakatitig sa kanya.
"Ang dapat sayo Lisa, laging nakangiti at masaya."
Tumingin siya sakin at binigyan ako ng matamis na ngiti. Hinila niya ako palapit sa kanya.
"Hawakan mo phone ko Kookie tapos picture tayo." Napailing na lang ako sa sinabi niya. Sige na, pagbigyan na natin.
"hana dul set!"
I found another purpose in life...and that is to make her happy.
BINABASA MO ANG
Purpose (Short Story) j.jk
Historia CortaWhat's your purpose in life? -Jungkook (All pictures cto)