This took so long. I'm a failure.
So... another oneshot, this time it's Chen's turn. I don't know how to describe him, or what I liked in him, but for me, he's one of the best singers in KPOP nowadays (with that high and perfect pitch and what not). Also, he and Suho look good together...'Notice Me, Senpai'-moments were the best.
When I'm reading EXO fanfics, isa sa mga hinahanap ko ang SuChen pairing. "Pretty Boy Polariods" by thisismylastlie in LiveJournal was my favorite. Suho and Chen were adorable, perfect combination of grumpy and playful.
So, let's get this on? SuChen moments will be on your way [*fangirling* SuChen Forever!<3] because as I've said, they're adorable. And I'm a fan...oh well.
-------------------------------------
"Bakit ba kontra ka ng kontra sa crush ko? Sya ang type ko kaya wala kang magagawa! "--Jessica
"Mga lalaking nagmi-make up pala ang type mo? Yung nagpapalda, gusto mo din?"--Chen
-------------------------------------
JESSICA'S POV
I saw Key and his friends leaving the library. I immediately closed the book about wolf mating I used as cover up, as quiet as possible, mataray at istrikto kasi yung librarian dito. Masyadong malakas ang pandinig, malas mo pag nahuli ka, mahaba pa sa nobela ni Jose Rizal ang sermon na aabutin mo sa kanya.
"Tara na Chen, lumabas na sila Key," pabulong na sabi ko sa kasama ko, sabay hila sa kanya patayo para makaalis na kami at makasunod agad kami sa kanila.
Nang makalabas kami ng library ng walang nagawang kahit anong ingay, nakahinga ako ng maluwag, at agad kong hinanap si Key sa hallway. Ayun, malapit na sila sa stairs.
"Chen, bilis." Hila ko ulit sya para sumunod kina Key. "Baka sa cafeteria sila pupunta, tamang-tama,lunch na, gutom na din ako."
"Do you really have to drag me into this?" Chen whined, which I ignored, lagi naman syang nagrereklamo eh.
"Of course, I have to! Sinong gusto mong isama ko? Si D.O? Alam mo naman ang reaksyon nun pag si Key na ang usapan." Ang totoo, wala ka talagang makukuhang reaksyon dun sa kapatid kong yun, pero alam kong may kung anong hindi magandang tumatakbo sa isip nya. "Lalong hindi pwede si Kuya Suho, alam mo namang sobra ang pagmamahal nun sa Student Council." Si Kuya Suho kasi president ng SC ng school namin.
BINABASA MO ANG
Bestfriends in Love (EXO Oneshot Series)
Teen FictionInlove ka ba sa Bestfriend mo?