Love has no boundary.
No maximum value.
Love changes a person naively.
Pag nagmahal ka daw, lahat ng akala mong hindi mo kayang gawin out of the blue magagawa mo.
Biglang paggising mo, eureka! Iba ka na pala.
Minsan gugustuhin mo na lang bumalik sa dati.
Yung wala ka pang paki sa salitang binubuo ng apat na letra.
Ang kaso…
Hindi na ikaw yung dating batang walang ibang alam gawin kung hindi ang umiyak kapag nadapa ka.
Ngumawa kapag dinampot ka na ng magulang mo.
Maglumpasay pag ginagamot na ang sugat mo.
Paggising ko…
Gusto ko na lang hilingin na sana bata na lang ako ulit.
Andyan lagi sila Mommy at Daddy na magtatayo sa akin pag nadapa ako.
Na kahit anong hapdi ng sugat ko alam kong gagaling ako dahil may gamot.
Sana hindi na lang tumatanda ang tao no?
Kaya lang imposible…
Pero naisip ko…
Kung lahat tayo natatakot na tumanda…
Masaktan…
Magtake ng risk…
Malamang wala ang salitang love.
Lahat ng tao nag-iiwasan dahil ayaw magkasakitan.
Ayaw masaktan.
Malaki talaga ang impact pag may love eh.
Pero mas matindi ang hagupit pag wala yon.
Cause life devoid of love is a life not lived well.
Nasisiguro kong lahat ng tao, nauwi mang matandang walang asawa,they all managed to feel love, they just chose to carry on living without it.
----------
Mahirap sabihin na I totally moved on.
Nasanay na kasi akong sa mundo ko siya ang prinsipe ko.
Sa kaharian ko, walang ibang naroon kung hindi ako at siya.
Pero sa gitna ng laban, iniwan niya ako.
Akala ko hindi ko na kakayanin eh.
Until he came, a knight who’ll hold my hand…defend me…and made me realize that there’s a better life waiting for me outside the world I created.
And I chose to let him hold my hand.
Protect my heart once again.
I chose to love again…
“Cher andito si Maye Rion”
Sheet! Ang aga pa ah!
“Teka di pa ako nakakaligo!”
“That’s fine… I won’t smell you!”
“Tse!”,sigaw ko.
Nasa taas kasi ako.
Nagtataka siguro kayo kung bakit inglesero ang knight ko no?
Well, baluktot kasi ang dila niyan.
Pag nagtagalog yan daig niya pa si Balagtas kaya deadmahin na lang ang nose bleed.
Ligo.bihis.Ayos…Diosa na ulit!

BINABASA MO ANG
ABCD OF LOVE
SaggisticaDati sabi ko, hindi na ako maiinlove! tama na ang sakit na pinaramdam sa akin ng lalaking tinuring ko na mundo ko. pero baka tama nga sila "Love when it hits you,wala kang takas" pero sa mundong ito na tila isang mahabang pagsusulit... ANONG LETRA A...