AN: May sudden changes sa plot pero ganoon pa rin naman.
Long time no see guys!.
--------
Confident na Confident akong naglakad papasok ng school.
Why?
Wala lang, trip ko lang.
Joke!
Hahaha! Hindi!, Ano kasi.. Hmm.. Enebe!.
Okay, okay, FINOLLOWNAKASIAKONIIDOLSATWEETER!
Yie! Nakakatuwa ano?!.
Buong buo ang araw ko! Buong bu----
"Ouch!"
Tinignan ko yung nambunggo sa akin.
OMG! SI BESS!.
Hahawakan ko na sana siya nang bigla niya akong irapan at naglakad paalis.
WOW! Ikaw na! Ikaw na talaga ang Irap queen bess. Grabe ha! Imiikot talaga ang mata mo pag umirap!
At alam mo yung feeling na ang ganda na eh! Ang saya na eh! May sumira pa.
Inayos ko ang konting gusot sa aking damit.
Okay! Tutal muka akong Maarte kanina, papatuloy ko na yun. Marunong naman akong tumapos sa mga bagay na nasimulan ko na. Hindi katulad noong lalaki na yun na noong nalaman ko lang tumigil. Sarap sapukin ng muka no!.
Naglakad ako habang ang mga kamay ay nasa bewang at pakendeng kendeng.
"Ganda ng araw mo ngayon ah!" Sabi noong lalaki na kaklase ko I think.
Nginitian ko lang siya at naglakad na paalis. Nang makapasok na ako sa room ay umupo na ako.
Ay! Diba sabi ko sa inyo no emotion ako. Tinatamad na ako diyan eh! Tsaka sabi ng iba hindi daw sa akin bagay na walang reaction, muka daw akong tuod! Aww! Sakit noon! Pero secret lang natin yun ah!.
So habang nagreready nga ako sa world war 3 ay naisip isip ko rin na hindi ko talaga kaya na maging no emotion.
May sari-sariling buhay ang kaklase ko. Okay lang, sanay naman ako eh. Sa isang gilid may mga kpoper na nagtitilian sa kilig. Sa isang gilid naman may naglalabanan sa pagdrawing ng anime. Sa harapan may nagsecellphone at sa likod may nagistep in.
Habang ako. Wala lang. Loner inshort. Ganito ako palagi pagwala si bess o kaya pag may FQ kami. (FQ means Friends Quarrel)
Dudukdok na sana ako ng may biglang tumabi sa akin.
"Hey Angela!"
Tinignan ko siya.
Si lezter.
Umusod akong konti para hindi siya makatabi.
"Ay! Bad mood, meron ka ngayon?"
Tinignan ko siya sabay sapok sa muka.
"Alam niyo kayong mga lalaki, ni hindi man lang nahihiya na tanungin yang bagay na yan!" Inis kong sabi.
"Eh! Hindi ko naman alam na meron ka talaga ngayon eh!" Sabi niya habang nakapout.
Tss! Akala niya siguro cute siya!, muka ngang inodoro muka niya eh!.
"Alam mo manahimik ka na lang kung wala kang magawa! Atsaka wala ako ngayon noh!". Sigaw ko sa kanya.
Tumayo na ako sa upuan, wala yata kaming teacher ngayon eh.
Akmang lalabas na ako ng room ng biglang may yumakap sa akin.
"Ano ba lezter?! Tsansing ka!"
"Anong tsansing? May tagos ka!"
"Waah! Meron? Gosh! diyan ka lang"
Bigla akong nataranta.
Hindi ko naman alam na magkakaroon ako ngayon.
"Pfft. Hahahahahahaha!" Tawa niya sabay bitaw ng yakap.
"Waah! Wag kang aalis!" Sabi ko sabay hila sa kanya.
Pero nanatili lang siya sa pagkakatayo at tawa ng tawa.
"Haha! Diba sabi mo wala ka ngayon? Naniwala ka naman na may tagos ka!" Sigaw niya kaya naman tinginan sa akin ang mga kaklase ko.
Wah! Niloko lang pala ako ng lalaki ito! Humanda siya sa akin!.
Patakbo akong lumapit sa kanya at piningot ang tenga. Hinila ko siya papalabas ng room.
"Aray Angela!"
"Dapat lang sa iyo yan!"
"Hindi ko naman alam na maniniwala ka doon eh"
"Hindi alam?! Sabihin mo Nananyansing ka lang"
Sasapukin ko na naman dapat siya ng may bumangga ulit sa akin.
Tinignan ko ito at..
Sabi na nga ba at si bess ito eh!
Nakita ko si Bess at may kasamang mga Chaka Doll sa likod.
"Tingnan mo nga naman, late lang akong nagpunta sa room, may nangyayari na palang pang-aagaw" sabi niya.
"May pinapatamaan ka ba?" Tanong ko.
"Bakit? Nasasaktan ka?" Bara niya.
"Hindi naman, saka bakit naman ako masasaktan? Wala naman akong inaagaw" saad habang nakataas ang kilay.
"Woah! Tingnan mo nga naman, isang araw lang kaming hindi nagkasama, hindi na ako kilala!" Sabi niya
"Wow! Siya pa talaga ang nagsabi noon, pinapatamaan mo ba ang sarili mo?" Tanong ko.
"Ano---" Magsasalita pa sa na si Leidel nang magsalita na si Lezter.
"Ano ba yung pinag-aawayan niyong magkaibigan?" Tanong ni Lezter.
"Ikaw!" Sagot ko.
"Anong ako? Hoy! Bakit mo ko sinasama sa away niyo?" Tanong ulit.
"Ehem! Maka-alis na nga parang may sariling mundo yung dalawa diyan eh!" Sabi ni bess sabay walkout.
Gosh naman! Sabi ko makikipagbati na ako kay bess eh! Humanda talaga sa akin yung Lezter na iyan!.
Pero WAIT! Wala yata ng bruhong collin ngayon ah! Absent? Wow! For the first time!.
--------
Kung may nakakahalata man medyo nagbago ang pagsulat ko. You know maturity!.Thank you for all the supports.
BINABASA MO ANG
Revenge? Kaya ko kaya?
Novela JuvenilHoy ikaw na nagbabasa nito..Alam kong may pinagdadaanan ka ehh. Pero alam ko rin naman na lahat tayo ay may pinagdadaanan, lahat TAYO, kasama ako roon. Hahahaha sabi nga sakin nung iba over acting na ako masyado, sobra sobra raw ang pagiging dramati...