B o k J o o 's
"Bokjoo-Ah!!" Mula sa loob ng dorm ko ay rinig na rinig ko na ang sigaw ng mga kaibigan ko na sina Sean-ok at Nan-Hee.
"Ano ba ang iingay nyo!" Saway ko sakanila at umayos ng upo habang nasa kama.
"May practice tayo ngayon sabi ni Coach!!" Sigaw uli nila at mutik nakong mabingi sa lakas ng pagkakasigaw nila.
"Tss oh bakit kayo sumisigaw dyan?!" Inis na sigaw ko din sakanila.
"Eh kasi late na tayoooooooo!" Mahabang sigaw nila at nagmamadaling tinignan ko naman yung alarm clock ko.
"Bat di nyoko agad ginising!!" sigaw ko pareho sa kanila habang nagmamadaling pumunta sa banyo. Lintek naman ang tawa ng dalawa tss.
——
Pagdating naman namin sa gym lahat nakahanda na maliban saming tatlo.
"Sean-ok, Nan-hee, Bok-joo bakit ngayon lang kayong tatlo?" Ma-otoridad na tawag saming tatlo ni Prof Yoon."Sorry Sir" sabay sabay na paumanhin naming tatlo at nag bow.
"Okay 10 push-ups" sabi nya at sabay-sabay kaming tatlong napalingon sa kanya. "Pero Prof?!" Reklamo namin at bigla naman naging seryoso ang mukha nya.
"Wala nang pero-pero kaya simulan nyo na!" At dali dali naman namin syang sinunod. Kesa sa dagdagan nya nya hays.——
"Hays kasalanan mo to Bokjoo eh." Sabi ni Nan-hee sabay nguso.
"Sorry naman guys. Ganito nalang ililibri ko nalang kayo sa Bok's Chicken Restaurant, Ano game?!" Nakangiting yaya ko sakanila. Alam ko namang di nila ako matitiis at lalo na ang pag-kain.
"Yes! Kol!" Sabi nila at napangiti naman ako.
"Tara" yaya ko sakanila at sabay sabay kaming naglakad papunta sa kakainan namin.
Habang naglalakad ay walang sawang nagkwe-kwentuhan ang dalawa habang ako ay tahimik lang na naglalakad. Puro lang naman sila kwento ng kung ano-anong bagay eh wala naman akong hilig sa mga ganun.
Maya-maya lang ay may makasalubong kaming isang lalaki na nakasakay sa bike na ang bilis ng takbo at nagmamadali. At sa di inaasahang pangyayari nahagip nya ako at nasagi kaya natumba sya papunta sakin.
"Awwwww" daing ko habang nakahiga sa sahig.
"Sorry Miss di kita napansin" hinging paumanhin nito habang unti-unti nyang tinatayo yung bisikleta nya na natumba din. Sinamaan ko naman sya ng tingin dahil sa sinabi nya.
"Anong hindi napansin?! Eh ang laki-laki ko ngang tao tas di moko mapapansin?" Inis na sabi ko sakanya at tumayo narin galing sa pagkakatumba.
YOU ARE READING
Weightlifting Fairy
Teen FictionA story of love and dreams between three young potential athletes: weightlifter Kim Book Joo, swimmer Jung Joon Hyung, rhythmic-gymnast Song Shi Ho, and the nutritionist Jung Jae Yi, Joon Hyung's older brother.