B o k j o o ' s
Nakaka-inip naman dito sa kwarto ko. Yung dalawa naman diko alam kung nasaan. Hays di man lang ako pinuntahan dito nakakainis.
"Puntahan ko kaya sila?" Tama tama! Yun nalang gagawin ko. Tutal wala naman akong gagawin dito.
Pagkalabas ko ng kwarto bigla ko namang nakasalubong si Mrs. Lee yung head ng girls dormitory kaya nagbow ako agad sakanya. Akmang aalis na sana ako nang bigla syang magsalita.
"Bookjoo pwede ba kitang makausap saglit?"
Nagulat naman ako sa tanong nya. Ang alam ko, hindi naman pala kausap si Mrs Lee ng student kaya kinakabahan ako kung ano yung sasabihin nya. Hala baka may nagawa akong di nya gusto? Hays lagot ako nito.
"A-ah s-sige po." Magalang na sagot ko sakanya.
"Tara dun tayo sa office ko."
Pagkasabi nya nun lalo akong kinabaha. Hala baka nga may nagawa akong mali? Or may nilabag ako sa rules? Pero sa pagkakatanda ko wala naman. Huhu
"Don't worry, wala tong kinalaman sa rules or such. May importanteng sasabihin lang ako sayo." Sabi nya sabay ngiti. Wow, ngayon ko lang nakitang ngumiti ng ganyan si Mrs Lee. Napakaganda nya pala talaga kahit medyo may edad na sya.
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa office nya. Sa totoo lang, kinakabahan parin ako. Pangalawang beses ko na kasi tong makakapasok dito.
Pagkapasok namin, kaagad akong pina-upo ni Mrs. Lee sa Visitors Chair sa harap ng table nya. Kinakabahan na nananaman ako, kahit sinabi nya kanina na hindi to tungkol sa Rules hindi ko parin maiwasang kabahan. Ano ba kasing sasabihin sakin ni Mrs Lee? Hays.
"Okay so sisimulan ko na." Sabi nya sabay ngiti sakin.
"Ganito kasi yon bok-joo, ahm may lilipat na isang student dito sa university natin. And sa gymnastic ang team nya. So since wala ng available na kwarto, napag-isip isip ko na sa kwarto mo nalang sya magi-istay since ikaw lang naman mag-isa dun diba? Okay lang ba sayo?"
"Ahm, okay lang naman po. Malaki naman po yung kwarto ko eh chaka para narin magka-roommate nako." Nakangiting sabi ko sakanya. Hays. Yung lang pala kala ko yung ano na. Hshshs
"Okay good. That's all thank you." Nakangiting sabi ni Mrs Lee sakin kaya tumayo na agad ako at nagbow tapos nagpaalam narin sakanya.
Pagkalabas ko nang office nya. Huminga ako ng malalim. Hays feeling ko na suffocate ako dun. Pero bigla kong naalala yung mga pinag-usapan namin ni Mrs. Lee sino kaya yung magiging roommate ko? Sana mabait sya para magkasundo kami. Hehe.
Naglakad lakad lang ako sa gilid ng campus hanggang sa may pamilyar na boses yung tumawag sakin.
"Bokjoo-ahhh!" Tawag sakin ni Nan-hee. Kasama nya naman sina Sean-ok, Tae-kwon at Joon-hyung. Kaagad ko naman silang pinuntahan.
"Bok-joo saan kaba nanggaling? Kanina ka pa namin hinahanap" tanong ni Sean-ok kaya sinabi ko naman sakanila yung pinagusapan namin ni Mrs. Lee kanina.
"Kyaaahhh may bagong student? Tas magkaroommate kayo? Kyaahh" Tili ni Nan-hee kaya naman tinakpan ko yung bibig nya. Ang ingay tsk.
"Oo kaya wag kang OA dyan. Ang ingay mo." Saway naman sakanya ni Sean-ok. Napailing-iling nalang ako sakanila.
"Tara guys kain na tayo. Gutom nako eh kanina pa tayo palakad-lakad" nakangusong sabi ni Tae-kwon kaya tinawanan lang namin sya.
"Sige dun tayo sa Bok's Chicken" sabi ko kaya todo hiyaw yung dalawa.
——
Guys sorry sa late update. Anyways enjoy!
YOU ARE READING
Weightlifting Fairy
Teen FictionA story of love and dreams between three young potential athletes: weightlifter Kim Book Joo, swimmer Jung Joon Hyung, rhythmic-gymnast Song Shi Ho, and the nutritionist Jung Jae Yi, Joon Hyung's older brother.