03

394 17 0
                                    

B o k j o o ' s

Hindi ko magawang kumibo sa mga sinabi nya. Magkahalong pagkalito at pagka-gulat ang nararamdaman ko.

Pagkalitong tulad ng bakit hindi ko sya nakilala agad?

Pagkagulat na bakit ang gwapo nya— opps erase erase.

"Oh, tapos mo nabang titigan yung mukha ko?" Biglang tanong nya at nagpintig naman ang mga tenga ko. Bigla bigla ko namang nabitawan ang pagkaka-hawak ko sakanya. Nasa mababaw na parte na naman nadin kami.

"Hoy F.Y.I. hindi kita tinititigan no?!" Sigaw ko at dinuro ang mukha nya.

"Sus, talaga ba?" Sabi nya sa tonong nang-aasar sabay ngisi ng nakakaloko.

"Hindi talaga!" Sabi ko sabay irap sakanya at nagsimula nang umahon sa tubig.

Napaka-feelingero naman nitong lalaking to. Kala mo naman kung sinong gwapo pero gwapo talaga sya— erase erase. Ano bang mga pinagsasabi ko? Gash.

"Thank you ah" sarkastikong sabi nya.

"Edi thankyou. Tss." Sabi ko at ipinaramdam ko talaga sakanya na napipilitan lang ako na sabihin iyon.

"You're Welcome C.H.U.B.S"

Nagpintig naman ang mga tenga ko at nanlalaki ang mga mata na napatingin sakanya.

"Anong sabi mo?!" Tanong ko sakanya habang pinanglalakihan ko sya ng mga mata.

"You're Welcome C.H.U.B.S" pag-uulit nya sabay ngisi.

"Ah!" Pasinghal kong sabi at napatingin sakanya. Grabe hindi ko talaga makayanan tong lalaking to— at anong sabi nya? Chubs? Naalala nyapa yon?

"Alam mo ikaw tumahimik ka dyan ah" pagbabanta ko sakanya. "At wag na wag mo akong tatawagin na chubs!" Sigaw ko at tumawa lang sya. G r r .

"Sige C.H.U.B.S. " sabi nya ng may diin ulit sa 'Chubs' a r r g h. Inaasar talaga ako ng lalaking to.

"Peste!" Sigaw ko at naglakad na palabas.

Nakakainis talaga yung lalaking yun kahit kailan! A r r g h

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nakakainis talaga yung lalaking yun kahit kailan! A r r g h .

——

Pagkarating na pagkarating ko sa dorm namin ay humiga na ako sa kama ko, pesteng lalaking yun! Aish. Pero, hindi talaga ako makapaniwala na sya yun. Grabe ang laki ng pinagbago nya. Mas lalo nagmatured yung itchura nya...

Ilang oras din akong nag-isip at di ko namalayan na hapunan na pala. Balak ko pa naman sanang lumabas ng dorm pero naalala ko si Payatot na baka asarin lang ako kaya wag na pala.

Kumain lang ako ng noodles at pagkatapos ay naligo na.  Wala naman akong gagawin dito kaya napagpasyahan ko na puntahan yung dalawa.

——

Nang makarating ako sa kwarto nila Nan-hee at Seon-ok ay agad ko silang niyaya na magpunta sa Bok Chicken na pag-aari namin.

Nasabi ko naba sainyo na may sarili kaming maliit na Chicken Restaurant? Haha. Masarap kasi magluto ng manok ang papa ko espesyalti nya yun at proud na proud ako dun.

Syempre pagka-dating na pagkadating namin sa Bok chicken ay hindi magkamayaw ang dalawa. Kain sila ng kain dahil libre nananaman. At isa pa, hindi na sila iba samin ni papa kaya ayos lang samin na ganyan sila ka patay gutom. Pero syempre biro lang yun haha.

Habang ako naman ay panay ang sulyap kay papa, dapat kasi sa ganitong oras  nagpapahinga nalang sya. Kaya di ko na natiis at nagpa-alam ako sa mga kaibigan ko at pinuntahan ko sa kusina si papa.

"Pa, diba dapat nagpapahinga na kayo nyan? Baka mapano kayo." Sermon ko sakanya.

"Ano kaba Bok-joo, kaya ko pa at isa pa, wala na naman masyadong kostumer." Pangangatwiran nya kaya ngumiwi nalang ako.

"Basta magpahinga na kayo okay? Hayaan nyo nalang si tito dyan. Chaka wag na kayo masyadong magpapapagod." Habilin ko at bumalik na sa mga kaibigan ko. Saglit pa kaming nagkwentuhan at pagkatapos ay nagkayayaan nang magsi-uwian dahil gabi na rin naman.

Habang papauwi, hindi parin mawala sa isip ko si Payatot. Kung pano nyako nakilala agad? Hays ewan ko. Pero isa lang alam ko. Lalo syang gumawapo— erase erase. Ano bang pinagsasabi ko? Hays pagod lang siguro ako.

Pagkadating sa dorm ay nagshower ulit ako at saglit na nag-ayos bago mahiga sa kama at di ko parin talaga makalimutan yung nangyari kahapon. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na si Joon Hyung yun. Si Joon Hyung na mahiyain na payatot noong mga bata pa kami ngayon mayabang na. Abang-iba na talaga yung panahon ngayon. Hays. Makatulog nalang nga ulit ako. ZzZzzzZZzzz

——

Weightlifting FairyWhere stories live. Discover now