J o o n h y u n g ' s
Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala na nakabalik na si
Shi-Yeon. Bigla ko tuloy naalala yung mga panahong kami pa. Yung mga panahong masaya pa kami.Pero wala na yun... Parte nalang yun nang nakaraan. At ang dapat ko nalang gawin ay ang mag focus sa future. At isa pa, matagal narin naman akong naka-move on sakanya.
"Psst! Ang tahimik mo yata Joonhyung? May problema kaba?" Biglang tanong ni Tae-kwon na nakapagpabalik sakin sa wisyo.
"Gago. Tahimik naman talaga ako" pabirong sabi ko sabay siko sakanya. Yung gago nagkibit balikat lang.
"Di yun yung ibig kong sabihin, ang ibig kong sabihin ay sobrang tahimik mo na ata? Tas mukhang malalim pa ata iniisip mo?" Tanong nya ng naka kunot nuo. Ngayon ko lang naman nakita yung ganyang reaction nya kaya natawa naman ako sakanya. Masyadong seryoso di ako sanay pwe.
"Magkaiba kasi yun. Tsk." Sabi ko sabay iling sakanya.
"Parehas lang yun" dagdag nya kaya natawa nalang ako. Hays kaibigan ko ba talaga to?
"K." Sabi ko nalang dahil ayaw ko na syang kausapin pa. Pero maya-maya lang nagtanong na nananaman sya.
"Huy! Seryoso, ano nga?" Pangugulit nyang tanong ulit.
"Wala. Iniisip ko lang si Shi-yeon."
"Yung ex mo?" Nakangising tanong nya.
"Oo." Deretchong sagot ko sakanya. Mamaya lokohin na nananaman ako nito pag nag-alangan pakong sabihin sakanya yung totoo.
"Bakit? Mahal mo pa ba?" Nakakalokong tanong nya. Tsk. Sabi na eh, kaya ayaw kong sabihin sa lalaking to eh. Alam ko namang iba ang iisipin nito tsk napakamalisyoso.
"Gago hindi. Iniisip ko lang bakit sya bumalik dito? Diba sa Sports Central na sya nag-aaral/nagtatraining?" Tanong ko na nakapagpatahimik sakanya.
"Oo nga no, bakit kaya sya bumalik? Eh diba mas maganda don? Chaka sa pagkaka-alam ko pangarap nya din na don mag-aral."
Kung nagtataka kayo, ang Sports Central University ay isang prestihiyosong Unibersidad na iilan lang ang mga estudyanteng nakakapag-aral don. Taon taon kumukuha sila ng estudyante sa ibat-ibang unibersidad katulad ng samin at ita-train nila ang mga ito. Para mas maging bihasa sila sa larangang sports. Last year, si Shi-yeon ang napili nilang i-train para sa gymnastic.
"Hays. Ang gulo ng ex mo." Sabi nya at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Palabas na sana kami ng University ng may pamilyar na boses ang tumawag sakin.
"Joonhyung!" Pagtawag nya at bigla naman akong napahinto sa paglalakad ko.
"Bakit?" Tanong ko sakanya.
"May lakad kaba ngayon?" Tanong nya sabay ngiti ng malapad.
Napakaganda nya talaga... Nasabi ko nalang sa sarili ko. Agad agad ko na namang tinanggal yun sa isip ko at nagfocus na sa sasabihin nya.
"Meron eh. Saka nagmamadali kami ni Tae-kwon kasi magpapractice kami. Diba Tae?" Pinandilatan ko kaagad sya ng mata para ma gets nya ang ibig kong sabihin.
"A—ah oo." Pautal na sagot nya kay Shi-yeon. Kaya dali-dali ko syang siniko at bumulong na ayusin nya ang pagdadahilan kung sakaling magtanong ulit sya.
"Ahh ganun ba, sige next time nalang. Good luck sa Practice nyo!" Sabi nya ng may bahid na lungkot. Umiwas naman agad ako ng tingin sakanya.
"Sige." Sabi ko nalang at nagpatuloy na sa pag-lalakad.
Sorry Shi-yeon. I need to do this for the sake of both of us. I know you can do better than this.
YOU ARE READING
Weightlifting Fairy
Teen FictionA story of love and dreams between three young potential athletes: weightlifter Kim Book Joo, swimmer Jung Joon Hyung, rhythmic-gymnast Song Shi Ho, and the nutritionist Jung Jae Yi, Joon Hyung's older brother.