CHAPTER 2

600 9 1
                                    

(Xy's Pov)

"Pano? Bakit? Sino Gumawa?" sabi ko sa kanya. "ewan ko iimbestigahan pa raw bukas ang nangyari kanina." sabi ni Fal.... OH GOD!

--Kinabukasan...--

(Geme's Pov)

Nandito ako ngayon sa front gate nang eskwelahan namin at nakakapag taka kasi di kinuha ng mga SSG officers ang aking ID kahit late ako. Kaya dumiretso na lang ako papasok ng eskwelahan, pag pasok ko...

May nag titipon-tipon na mga estyudante, 'di ko alam kung bakit kaya nung pumunta ako kung ano yung pinalilibutan nila ay... bigla akong nanginig. Parang gusto ko sumigaw sa sakit na nararamdaman ko. Kasi ang nakita ko ay si...

Si Marc na walang malay, basag ang bungo at nakakadiring tignan na parang gusto kong sumuka, na parang mababaliw ako sa nakikita ko at 'di ko alam ano ang gagawin ko, 'di ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Hindi ako maka galaw sa aking pwesto ngayon, 'di ko na alam... di ko na talaga alam ang nangyayari...

(Jam's Pov)

Nakita ko si Geme kanina papunta sa mga nag kukumpulan na mga estudyante kaya pumunta na rin ako. Alam ko na kung anong nangyari kay Marc kasi nakita ko rin sa facebook at yes, sobrang kalat na din ito sa socmed kaya alam ko na.

Pag-punta ko rin dun ay nakita ko si Geme bigla na lang syang natumba at pinag tutulungan ng mga ibang estudyante na makatayo. Siguro ay nawalan sya ng malay kaya pumunta agad ako sa kanya para tulungan sya.

Si Geme at si Marc ay matalik na magkaibigan since bata pa daw sila ay magkaibigan na daw sila hanggang sa paglaki nila same age, same school,   parang lahat na nga ata eh same, at nag tuturingan na sila parang mag-kapatid sa isat-isa.

(Guel's Pov)

Kasama ko ngayon si Ivan at yes, pupunta kami ngayon ng clinic. Dahil ang sabi ni Jam na nandito daw si Geme sa clinic dahil nahimatay daw sya pag-kakita ni Marc na basag ang bungo.

Ang kaibahan pala namin ni Ivan ay maputi ako at sya ay kayumanggi. Naging kayumanggi ang kanyang kulay dahil mahilig sya mag laro katulad nang Volley Ball, Soccer, at Tennis. Ako naman nag lalaro pero di gaano dahil hikain ako sya hindi.

Kaya ngayon chinecheck na nung nurse kung anong lagay ni Geme at ang sabi lang daw nang nurse na kinakailangan lang daw nya ng pahinga.

(Geme's Pov)

Nang minulat ko ang aking mata nagtataka ako kung bakit ako nasa clinic kaya nilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang aking mga kaibigan. "Bakit ako nandito? Anong nangyari sa akin?" Tanong ko sa kanila. "Na himatay ka, kaya ka dinala dito sa clinic!" Sabi ni Jam sa akin kaya parang may naa-alala ako.

"Si Marc... Oo si Marc nasaan na ang bangkay nya??!!"

"Kinuha na nila para sa isang autopsy report. Tinawagan na din nila ang pamilya ni Marc." Kaya agad akong bumangon. "San ka pupunta?" Tanong ni Ivan sa akin. "Sa tita ko... I mean sa mama ni Marc." Sagot ko. "Pre! sandali lang 'di ka pa pwede... Kinakailangan mo pang mag pahinga sabi ng nurse!" Sabi ni Guel. "Di na kailangan pre, magaling nako kinakailangan ko ring puntahan ang pamilya ni Marc."  "Oh sya tara na! Let's Go!" Sabi ni Jam.

"Ahahahahaha parang excited pa ata si Jam ah" Sabi ni Ivan na laging nagbibiro kahit may namatay na. Sya kasi ang laging nagpapatawa samin kapag kaming magbabarkada ay malungkot dahil paminsan natatalo kami sa mga contest. "G*go!! bat tawa nang tawa kapa jan may namatay na nga Oh!" Sabi ni Guel. "Ayy sorry pre." Sagot naman nito. "Pre mo mukha mo. Kuya mo 'ko baka nakakalimutan mo." Sabi naman ni Guel. "Parang 5 minutes lang eh." Bulong ni Ivan pero rinig parin naming lahat kaya nabatukan.

--At School--

(Russ Pov)

Nandito kami ngayon ni Mel sa classroom kasama ang mga iba naming classmate na nag uusap-usap tungkol sa nangyari kay Marc. "Mel, sino kaya ang gumawa kay Marc nun?!" Sabi ko sa kaibigan ko. "Ewan ko... 'Di nga alam ng mga pulis kung anong nangyari kay Marc eh." Sagot nito. Maya-maya lang biglang natahimik ang buong classroom dahil biglang nagsalita ang aming adviser na si Ms. Sarah H. Priti.

"Ok class attention! Di ko alam kung anong nangyari kay Marc at sad to say na hindi na natin ulit makikita si Marc. Kaya ang masasabi ko lang sa inyo ay mag ingat kayo parati at maging
matatag." Yun lang ang sinabi ni Ms. Sarah sa amin at umalis na sya, sooo wala palang klase dahil sa nangyari sa section namin.

(Killer's Pov)

*Evil laugh* HAHAHAHA!!! One Down GOOD LUCK SECTION 3-A.





To Be Continued....

🔪SECTION 3-A tagalog horror story🔪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon