CHAPTER 7

192 6 0
                                    

(Veda's Pov)

At humarap yun sa letrang...
"K! YES or NO?" tanong nya. "Yes?" sabi ko na di sigurado sa sagot. "Di ka ata sigurado sa sagot mo ahh. Dali SAGOT!" sabi nya. "Aah... Yes, yes. YES ang sagot ko." sabi ko. "Nice choice dahil ang napili mong gagamitin ko sa pag patay sayo ang K. K for KNIFE!! HAHAHA!".

Kaya mas natakot ako nung sinabi nyang gagamitin nya yun sa pagpatay sa akin. "GAME IS OVER. LET'S GET STARTED!" sabi nya na ikinatakot ko. Ano kaya ang gagawin nya sa akin. "Simple lang naman ang gagawin ko sayo. I will make you more GENIUS!" sabi nya na parang nababasa nya ang iniisip ko. At bigla na lang nya isinaksak sa ulo k---

(Killer's Pov)

"Hahahaha!!! 3 down, GOOD LUCK SECTION 3-A"

--At room ng section 3-A--

(Arch's Pov)

Nasaan kaya si Veda kanina ko pa sya hinahanap 'di ko parin sya makita eh. Matanong nga kay Alz tutal mag besfriend naman sila. "Alz, nakita mo ba si Veda? kanina ko pa sya hinahanap. Hindi ba kayo magkasama kanina?" tanong ko sakanya.

"Nako Arch 'di ko nga makita si Veda ehh. Kanina ko rin sya hinahanap. Ang sabi sa akin ni Mel kanina nag-iba daw sya ng landas nung papunta na tayo lahat sa room.." sagot naman nya sa akin. San naman kaya yun pumunta?

"Alz, san ka pupunta?" tanong ko sa kanya na naghahanda na sya ng mga gamit nya para umalis. "Syempre hahanapin si Veda." sagot naman nya. "Alz, pwede bah ako sumama? gustong-gusto ko na sya makita eh." tanong ko sakanya. "Hmmm, okay" sagot naman nya.

(Liz's Pov)

Nandito kami lahat sa room, nag titipon-tipon kami mga girls. Nag-form kami nang circle para makita ang bawat isa. "Guys, kinakailangan natin maging handa sa anumang bagay, kailangan natin maging vigilant para ating mga sarili." panimula ni Fal. "Bakit sa ating sarili lang?" tanong ni Drea.

"Kasi Drea 'di natin alam kung sino ang ating kinakasama baka 'di natin alam na isa sa atin ang killer kaya mag ingat tayo sa ating mga sarili. Kung may nararamdaman kayong kakaiba sa kinakasama nyo ngayon. Sabihin nyo agad sa iba para maging aware naman sila at pagnahuli kayo nang killer basta ang gawin nyo sumigaw kayo para marinig namin kayo." pag papaliwanag ni Ann.

"Oo nga, tama si Ann. Mag ingat na lang tayo at maging aware. Wag tayong makahiwa-hiwalay para makita natin ang isat-isa." sabi naman ni Cci. "Guys natatakot na ako, I love my family my dreams my goals. 'Di pa ako handa mamatay huhuhu!" sabi ni Xy sabay hagulgol.

"Ako rin Xy natatakot rin ako pero kinakailangan natin maging matapang at handa sa anumang pagsubok." sabi ko kay Xy.


(Alz's Pov)

Nag lakad-lakad kami ngayon ni Arch baka makita namin si Veda. "Arch! punta muna ako sa CR hah! naiihi na kasi ako." sabi ko kay Arch. "Ahh sige, antayin nalang kita dito sa labas." sabi nito.

Pagkatapos ko mag cr. Paglabas ko may naamoy ako na di maganda, parang patay na daga yung amoy. "Grabe kanaman Alz ang baho! hahahah!" pabirong sabi nito. "HOY! FYI, hindi ako yun no! Heh!" pagtataray ko. "Hahaha sorry na po. 'di mo naman agad sinabi." sabi nito sabay tawa nang malakas. "Che! Makaalis na nga!" sabi ko sabay irap sa kanya. "Sorry na nga, please sorry na, 'di na ko na uulitin *sabay pout* *then puppy eyes*" pabebe talaga kadiri kala mo ikina-cute nya.

"Sige na nga pinapatawad na kita naiirita ako sa pagmumukha mo eh. Pero ang seryoso, talagang ang baho parang patay na daga o tao." sabi ko. "Tara hanapin natin kung san nanggaling yun." sabi naman nya.

Nung naglalakad na kami papunta doon sa mabaho, parang masusuka na ako sa baho, grabe 'di ko kinaya. Nang papalapit na kami kung saan nangggaling ang baho parang sa isang silid iyon, kaya binuksan ni Arch ang silid.

Pinapasok ko na si Arch kasi ayoko pumasok. "Ano nakita mo Arch daga bah?" sabi ko sa kanya na 'di parin pumapasok. "Oo eh daga. Grabe naman to bat dito pa sa loob ng silid malapit sa banyo. Haaaayyy." sabi naman nito.

Pabalik na kami sa room kasi di parin namin makita si Veda.

Sumilip ako sa back door nang room at ni isa wala man lang balak na lumabas. Nang biglang nagsalita si Arch.

"Alz, ano tong RED BOX na parang gift yata eh." sabi ni Arch na ikinapagtaka ko. "Hindi ko alam. Sabihin natin sa kanila." sagot ko. Nang pumasok na kami sa room, inilagay agad ni Arch ang Red Box sa teachers table sa front.






To Be Continued....

🔪SECTION 3-A tagalog horror story🔪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon