Half Alive 01

0 0 0
                                    

-xXx-

01//The Fiancé

Nandito ako ngayon sa puntod ng yumao kong boyfriend.

Every weekend ko sya dinadalaw pero hindi pa rin ako nagsasawa na puntahan sya rito, dinadalhan ng flowers. Like he used to do when he's still alive.

Nasa kalagitnaan ako ng pag iyak nang mag ring ang phone ko.


Ang bestfriend ko palang si Jewel ang tumatawag.

"Hello Allister! Nasaan kana ba? Magsisimula na yung mass!"

"Oo pupunta na ko dyan."

"Okay girl ingat ka ah. See you." malungkot nitong sabi, mukhang nahalata na umiiyak ako.

"I miss you Miko." pabulong kong sabi habang nakaharap sa puntod niya.

Pinahid ko na ang natitirang luha sa aking pisngi at tuluyan ng umalis.

Nang dumating ako ng simbahan ay saktong magsisimula pa lamang.

Naupo ako sa unahan beside Tita Cara, Miko's mom.

Nasa left side sina mama at papa. Ang mga kapatid ni Miko ay nasa likod namin. At ang mga kuya ko naman ay nasa right side.

Nagsi-datingan rin ang mga kaibigan namin at katrabaho.

Tahimik lang ang lahat. Katulad ko, siguro'y inaalala rin nila ang mga oras at panahon na nabubuhay pa siya at kasama pa namin.

He's been a good son, a good friend, and a loving fiancé.

He used to be everyone's clown, not literally. It's just that he makes everyone laugh with his jokes.

And yes I am his fiancé. We've known each other since I was in grade 8 and that time he's the bestfriend of my Kuya Ash  and classmate in grade 9.

Madalas rin siya sa bahay noon para tumambay kaya halos lahat rin kami ay naging close sakanya.

Noong una masasabi kong napaka feeling close nya. Pero bawat araw na nakikilala ko sya ay gumagaan ang loob ko.

Naalala ko pa yung mga oras na nanliligaw na sya. At ang unang nakaalam noon ay si Kuya Ash, at ako walang ideya na nanliligaw na pala sya. Noong una hindi ko pa mawari ang ginagawa nya. Una, lagi nyang pinapakain ang aso naming si Sky. Pangalawa si mama na dinadalhan nya ng bulaklak at sabay minamasahe pa. Oo close na sila ni mama ng mga panahon na 'yon. Akala ko nga eh nililigawan nya ang mama ko, lagot talaga siya kay papa kung nagkataon. Nang matapos nyang ligawan ang aso namin,si mama at papa,at mga kuya ko, ako naman ang sinimulan niyang ligawan.

Isang taon rin ang naganap na ligawan at nang dumating ang kaarawan nya ay doon ko na sya sinagot.

Botong boto naman saakin si Tita Cara dahil todo puri na yan saakin bago paman ako magustuhan ni Miko.


Tulala lang pala ako hanggang matapos ang misa.

Nang matapos ay umuwi muna kami sa bahay at nagkaroon ng kaunting salo-salo.

Sa gitna ng kainan ay nagki kwentuhan ang lahat samantalang ako naman ay tahimik lang na nakikinig sa usapan.

"Naalala niyo ba yung una nating pasko na magkakasama?", malungkot na tanong ni mama.

Natigilan ang lahat sa pagkain.

"Ahh oo naman ma! Yung akala pa nga ni Aly nabilaukan talaga si Miko tapos dali daling pumunta ng kusina para..----aray naman ma!", tinawananan nalang nila ang kakulitan ni Kiya Benjie pero nahalata siguro ni mama na hindi alo okay kaya pinatigil nito si Kuya.

Yung dali dali akong pumunta ng kusina kasi akala ko nabilaukan talaga si Miko at pagbalik ko ay nakatayo lang silang lahat sa harap ko kasama si Miko, at ang isang white cartolina na may nakasulat na "Loves,will you be my lifetime partner?" Syempre um-oo agad ako.

Pinipigilan ko na ang nagbabadyang luha sa aking mata.

"Ahm excuse me po." sabi ko sakanila.

Hindi sa nag walk out ako. Ayaw ko lang maging mahina sa harap ng mga taong mahal ko.

Ang hirap talaga mag move forward sa mga bagay bagay. I know it always takes time for things to be fully recovered pero ako kaya, kailan kaya uli ako magiging masaya?

-xXx-

Author's NOTE :

Kung nacoconfuse pa kayo sa pronunciations ng pangan nila eto na po.

Jewel (Ju-well)

Allister "Aly" (Ali)

Happy Reading! ;) ;)

©

 Half AliveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon