Half Alive 02

0 0 0
                                    

-xXx-

02//CloseAsStrangers

At dahil trip ko magpaka lasing ngayon, pumunta ako sa isang bar na malapit sa condo ko.

Bistro Roberto. Bar kung saan madalas naming puntahan noon ng mga kuya ko, ni Jew at Miko.

"Hey Dave!" tawag ko sa bar tender na matagal ko nang kakilala "Margarita nga", sabay smile.


Halos lahat ay long table kaya naman madalas ako maupo sa harap ng bar tender.

Ang inuupuan ko ngayon ay naka reserve palagi saakin kapag nandito ako.

At dahil Monday ngayon, band ng USB ang tutugtog. Sila yung bandang pinaka paborito ko na tumutugtog dito sa bar tuwing Mondays,Wednesdays, and Fridays. Grabe kasi ang emosyon na ipinaparamdam nila sa mga costumer dito. At madalas rin nilang kantahin ang mga kanta ng Air Supply.

Naala ko pa yung unang beses ko rito.

Hindi ako naka kain ng dinner noon dahil niyaya nalang ako bigla nila Kuya. Kaya pagdating ko ay pumunta agad ako sa bar tender na noon ay tinawag ko pang 'waiter' at ang embarrassing part is nung umorder ako ng kanin at sisig.

Inasar lang ako noon ni Miko hanggang sa makauwi.

Kahit ako natatawa parin sa sarili ko kapag naaalala ko yung time na 'yon.

Paksyet lang kasi di naman nila ako ininform na walang ganon sa isang bar. Eh first time ko yun eh.


Nakailang inom na rin ako kaya ang init na ng pakiramdam ko at hilong-hilo na ko nang biglang may tumabi saakin na lalaki.

"Hi! I'm Niccolo."

Napansin ko ang pag ngiti nito saakin kahit medyo malabo na ang paningin ko.

Ano raw? Piccolo?

Malabo na nga paningin ko hindi ko pa marinig dahil sa lakas ng music.

"Ow hay Pic-colo. Ya know yo look familiar huh." pati mga sinasabi ko di ko na rin ma control.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Why are you alone?Wala ka bang kasama?"

"Leche ka! Nakita mo bang meron?"

"So ba't ka naglalasing ng 'mag-isa'?", talagang in-emphasize niya ang 'mag-isa' ha.

"Pake mo ba?"

Narinig ko uli ang pagtawa niya. Ang tawang napaka pamilyar sa tenga,isang tawang masarap pakinggan.

Tinatawanan ba ko nito o sadyang nang iinsulto.

Sandali kaming natahimik nang magsalita ako.

"You know what..", bigla syang napalingon saakin, "..Life is unfair no? Mahal na mahal mo yung tao tapos mawawala rin lang sa'yo."

Tiningnan niya lang ako at hindi nagsalita kaya nagpatuloy ako sa pagku kwento.

"May mga taong darating sa buhay natin,mamahalin tayo at mamahalin din natin sila,pero kapag dumating yung time na di mo na kayang kumawala saka naman sila mawawala. Ba't pa kasi nagkaka kilala ang mga tao kung sa huli iiwan lang naman,masasaktan. At sa huli,hindi naman talaga kayo ang para sa isa't isa."

"We meet people because they give us lesson. It's just that they're the one who will come to your life it's either to make you happy or hurt you.Or maybe both.", sabi niya saakin habang naka ngiti.

Nakilang inom pa ng ako Cuervo shot. At hilong hilo na talaga ako.

"Lasing kana."

"Muk-ha ba kong la-sheng?Ikaw ata lasheng eh!"

"Nako pare lasing na yan si Aly", narinig kong sabi ni Dave

Pakatapos no'n ay tumayo ako at niyakap ang lalaki pero dahil sa sobrang pagka lasing ay bigla nalang akong nahilo ng sobra at tuluyan ng pumikit ang aking mata.



Gumising akong sobrang sakit ng ulo ko at parang pinupukpok ng martilyo.

Nakita kong nasa kwarto na ako ngayon ng condo ko ngunit iba na ang saplot.

" Oh gising kana pala", nakangiting sabi saakin Jew.

"Anong nangyari kagabi?", tanong ko sakanya habang hawak ko parin ang ulo ko.

"Wala ka ba talagang matandaan?"

Umiling iling ako.

"Tinawagan ako ni Dave, lasing na lasing kana raw,kaya ayun pinasundo ka sakin."

Minsahe ko ang ulo ko dahil nahihilo parin ako ng biglang magsalita uli si Jew.

"Gwapo yung boy na umalalay sayo kagabi ah." sabay kindat saakin

"Huh? Sino naman?", nagtataka kong tanong.

"Ay ewan ko sayo basta gwapo!"

Nang mawala na ang sakit ng ulo ko ay nag flashback sakin ang ilang nangyare kagabi.

"Tangina! Did I just call him Miko?!", biglang sabi ko habang napatayo sa inuupuan.


Naalala ko pa na tinawag kong Miko yung lalaki. Pero hindi ko manlang maalala ang mukha ng lalaki na nakausap ko kagabi maliban kay Dave.

"What are you saying? Naglasing ka lang kagabi nabaliw kana? Tapos sinisigawan ang sarili ng mag-isa?"

Napabuntong hininga muna ako bago nagsalita uli. "I met a guy at the bar okay? And his name is Piccolo,tinawag ko siyang Miko and then I even hugged him."

"Eh gaga ka kasi nagpakalasing ka!"

Natahimik ako sandali at inalala ang mukha ng lalaki kagabi.


"Bakit ko nga kaya siya tinawag na Miko? Dahil ba lasing lang ako?Kamukha kaya niya si Miko.o siya talaga so Miko?" tanong ko sa isip ko.

Pero hindi eh,imposible. Patay na si Miko. Patay na yung taong mahal ko.

 Half AliveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon