Half Alive 04

2 0 0
                                    

-xXx-

04//Powerful Thing


Today is Monday.

The day kung saan pupunta na kami ni Jew sa Baguio. And we're staying there for almost a week.

It's been a week since I met a boy who's face and name is so similar with my dead boyfriend but I still can't believe that it is possible na magkakaroon sya ng super kahawig.


Eww! ang conyo. Nahawaan na talaga siguro ako ni Jew.


Nasa condo ako ngayon kasama si Jew at nagre-ready ng mga bagahe na ilalabas na namin maya maya lang.


Di naman kalakihan ang condo ko at hindi rin ganon kaliit.
May mga paintings sa wall na si Jew ang nagpinta. Isa siyang artist eh.

And that's what makes me proud of her.

"Aly!" tawag ni Jew


Lumingon naman ako sakanya.


"Oh para sayo yan!", sabi niya habang may inabot na paper bag.

"Ano to? Birthday ko ba?"

" Gaga! Buksan mo nalang kasi ", mukhang excited ata siya na makita ko ang laman ng binigay niya.

Binuksan ko iyon at nakita ang isang scarf na kulay green.


Green kasi alam niya na favorite color ko 'yon.


"Ang sweet mo talagang bruha ka! Lagi ka nalang may gift sakin. Konti nalang iisipin ko na talagang natitibo ka eh." pabiro kong sabi.


"Mag thank you ka nalang pwede?"


"Oo na haha Thankyou!" sabay hug sakanya ng sobrang higpit.

"Tara labas na nga tayo at baka gabihin pa tayo sa daan", alok ko sakanya.


At dahil may sarili kaming sasakyan, hindi na namin kailangan mag commute.

Pinahiram muna sakin ni papa ang sasakyan niyang Adventure.


At dahil hindi pa ako marunong mag maneho ng sasakyan, ang driver muna naming si Manong Regor ang magda drive.


Nagsimula ang byahe namin ng 8 am at dahil ayaw na ayaw ko ng traffic, sa Express way nalang kami dumaan.


2:30 pm na nang makarating kami sa may Lion Head which indicates that we are now in Baguio. Bago kami dumiretso sa Baguio proper ay kumuha muna kami ng ilang pictures ni Jew.


" Alam mo kung kasama natin si Miko ngayon,I'm sure siya pa mauunang umakyat sa katabi ng Lion head at magpo pose ng nakakatawang itsura", sabi ko habang naka ngiti.


"Grabe girl patay na yung tao siya parin naiisip mo?"


Kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Minsan talaga matalim dila ng bruhang to eh.


"Hindi siya kung sinong tao lang okay?! Siya yung taong mahal na mahal ko!", oo pasigaw kong sinabi yun sakanya para intense


Nag walk out ako at pumasok na sa sasakyan. Hindi ko na hinintay ang susunod niya pang sasabihin.


OA na kung OA. Eh hindi naman kasi ganon kadaling kalimutan ang isang taong minahal mo at nagmahal sayo ng lubusan.


Ang pagmamahal hindi naman parang pagkain,na kapag isang subo mo lang eh mabubusog ka agad. Kagaya ng pag move on,hindi pang isang araw lang. It takes time ika nga.


Naglagay ako ng earphones sa tainga ko at natulog.


30 minutes ang arrival papunta sa Baguio proper at sa hotel na tutuluyan namin.

Hindi ko parin punapansin si Jew hanggang sa makapasok kami ng elevator.

" Girl sorry." rinig kong sabi niya kahit naka earphones parin ako.

Nagulat ako ng bigla nalang niya akong niyakap.

Niyakap ko siya pabalik. "Sorry din bruha nasigawan kita kanina", malungot kong sabi sakanya.

Bumukas na ang elevator kaya kumalas na kami sa pagkakayakap.

" Peace na ha", nakangiting sabi ni Jew.

Ngumiti lang ako sakanya saka patuloy na naglakad.

Nang makarating kami sa room namin ni Jew ay itinabi muna namin ang mga gamit at nag bihis agad kami ng jogging pants na makapal ang tela at ng jacket.


Sa iisang kwarto lang kami ni Jew at si Mang Regor naman ay sa kabilang room.


Nasa 10° ang lamig ngayon sa Baguio at maaring umabot pa ito ng 0° lalo na't December ngayon.


Tahimik lang kaming nakahiga ni Jew habang nag ce-cellphone nang bigla siyang magsalita.

"Aly."

"Yes?"

"Babalik na siya."

"Sino? Si Sadaku o si Chuckie?", pabiro kong sabi sakanya

"Gaga!"

"Eh sino ba kasi?"

"Si Wade."

Ramdam ko ang lungkot ng boses niya nang sabihin ang pangalang Wade.

"Gusto niya makipagkita."

Si Wade ang unang boyfriend ni Jew and at the same time first love. Classmates kaming tatlo no'ng highschool kaya alam ko love story nila. 4 years ding naging sila,kaya lang kinailangan ni Wade mag aral sa Canada dahil nando'n ang trabaho ng mama at papa niya. May trauma si Jew sa long distance relationship dahil sa mama at papa niya kaya labag man sa kalooban niya,nakipag break nalang ito.

Napaka daldal ng bruhang 'to pero pagdating kay Wade natatameme nalang bigla.

Love is so powerful talaga. I think they're still in love with each other even after all these freaking years.

 Half AliveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon