Simula

520 114 106
                                    


Simula.

·

"Starting tomorrow you are not allowed to enter in this School."

Matapos kong marinig ang linyang iyon mula sa Principal ay agad na akong tumayo.

Lumakad ako na para bang walang nangyari.

Na kick-out na naman ako, what a really nice day.

Magda dalawang linggo pa lang ako sa walang kwentang paaralan na ito pero kick out na ulit ako, great job Meize.

Sanay na ako sa ganoong mga line, pare-pareho lang naman ang nangyayari.

Late papasok.
Mase sermonan.
Detention room.
Haharangin nga mga epal na hipon.
Makikipag away.
Principal's office.
Kick out.
Lilipat ng paaralan.

Bago ako umuwi, na isipan ko munang pumunta sa isang convenience store para bumili ng paboritong pagkain ni Uncle at pang suhol na rin kay Uncle dahil sa na kick-out na naman ako, at para hindi na ako mapagalitan pa.

Kahit naman basagulera ako ay isa pa rin akong tao. Natatakot. Umiiyak. Nasasaktan. Nagagalit. O kahit ano pa yan na ginagawa o nararamdaman ng isang tao.

Nang mabili ko na ang dapat bilhin ay naglakad na ako pa uwi.

"Saan kayo ako susunod na papasok?" Natatawa kong saad.

"Iha" Halos mai hambalos ko sa matandang lalaki ang dala dala ko sa gulat.

"Heto" Aniya, at inabot niya sakin ang isang papel na kulay pula.

Pula talaga?

"Ah, ano ho ito?" Tanong ko.

Hindi ito sumagot bagkus ngumiti lamang ito.

Binasa ko ang papel na ibinigay nito, Demonic Academy? Cool. Tamang tama ito.

Halos lumuwa ang mata ko ng makitang libre lahat dito.

Pasasalamatan ko sana ang matandang iyon at itatanong kung totoo ba ito, kaso ng humarap ako sa pwesto niya ay wala na siya. Weird.

Tamang tama ito sa akin. Dahil alam ko naman na sa pagiging basagulera ko hindi talaga ako magtatagal sa isang eskwelahan, kaya alam kong maganda itong opurtunidad na dapat kunin lalo na at makaka bawas ako sa gastusin ni Uncle sa pagbabayad ng tuition ko sa iba't ibang eskwelahan gayong di naman ako nagtatagal.

"Salamat ho!" Isinigaw ko na lamang ito at nagba baka sakaling marinig niya iyon. Good mood ako ngayon kaya nagawa ko itong pasalamatan at sa tuwa na rin.

Nang ma-realize ko ang biglaang pagkawala nung matanda ay kinilabatun ako.

Hindi naman siguro multo iyon?.

Kumaripas ako ng takbo pauwi sa bahay, halong takot at saya ang namutawi sa akin.

"Uncleeee" Masaya kong bati kay Uncle Max pagpasok ko sa bahay.

"What have you done this time?" Seryoso nitong saad.

"Alam niyo na po yun Uncle" naka ngiti kong saad "Ah, Uncle may pasalubong ako" Pag iiba ko ng topic.

Nakita ko ang pag-iling nito. Napangiti na lamang ako, sobrang bait talaga ni Uncle.

"So, Uncle saan na ako papasok?" Tanong ko rito.

"Aba't, may balak ka pa palang pumasok?" Aniya kasabay ng pagtawa nito.

Tumango ako bilang sagot "Naman, tsaka magtatagal naman po ako sa isang paaralan kung walang mga mang gugulo sakin" paliwanag ko rito.

Demonic Academy (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon