A/N: Annyeong guys, so siguro po nagtataka kayo bakit nag-iba yung title, pinalitan ko po siya kasi may ibang story na pong 'Hide' yung title. Ayun po~ Thank you. Enjoy reading hahaha^^----
Kabanata 02: Bloody
·
Meize Pov:
Nang makarating kami sa pinto ng dorm ko ay agad akong pumasok, nanginginig pa rin ako hanggang ngayon masyado akong nanghina sa mga narinig at nalaman ko.
Halos mapa upo ako sa gulat ng biglang may magsalita sa likuran ko matapos kong isara ang pinto.
"Hey!Are you alright?"
Napa irap na lang ako ng marealize ko na may makaka sama nga pala ako dito sa kwarto.
Tumango na lang ako bilang pagsagot sa kanya. Nakasuot ito ng malaking salamin at maraming dalang libro. Nerd.
(A/N: libro ba talaga o pumpkin basket? Sorry po wala akong makitang may dala siyang book hahaha)
"Sorry kung nagulat kita" masigla nitong sabi.
Iginala ko ang aking mata sa kabuuan ng kwarto, malaki ito at maayos hindi maipagkakaila na sobrang ganda nito, kung hindi lang sana masama ang mga nalaman ko sa paaralan na ito baka kanina pa ako nag selfie dito.
Hindi ko na siya pinansin pa, at naglakad na ako papunta sa isang kama na para sakin. Nanghihina talaga ako at gusto kong magpa hinga muna.
Napatigil ako sa paghiga ng muli itong magsalita. Naging magugulatin na ako sa sobrang kaba.
"Ah nga pala, I'm Shane and you are?" Nang tingnan ko ito ay seryoso lamang itong nagbabasa ng libro, a typical nerd.
"Meize." Tipid kong saad, nagulat na lamang ako ng bigla itong umupo sa kama ko, hindi ko napansin ang paglapit niya dahil sa naka talikod ako rito.
"Masaya ako na may makakasama na ulit ako dito sa kwarto" napaharap ako dito sa kanyang sinabi, masaya nitong sabi ngunit bakas ang lungkot nito sa kanyang mata.
Ulit? Ibig sabihin may kasama siya dito noon.
"Ulit? Bakit nasaan na yung dati mong kasama dito?" Curious kong tanong dito.
Hindi na ito naka sagot pa dahil sa malakas na pagtunog ng alarm na siyang narinig namin.
Lalo akong kinabahan sa narinig ko, ano na naman ba ito? Napatingin ako kay Shane ng bigla itong tumayo at bakas dito ang takot.
Bakit?
"Gulo na naman. Tara" yaya niya sakin, nagpa hila na lamang ako sa kanya ng hilahin niya ako. Wala akong ideya kung anong meron at nangyayari.
BINABASA MO ANG
Demonic Academy (Hiatus)
Mystery / ThrillerRun fast! Hide well! Never trust anyone! Be strong! Fight. Be clever! Think. "Remember this Meize, you are all mine even your life. Walang pwedeng manakit sayo ako lang, kahit si kamatayan hindi.. Ako lang ang may karapatang pumatay sayo. You're m...