Kabanata 03: The King
•
Meize pov:
KINABUKASAN.
"Meize! Gumising ka na nga!" Napatakip na lang ako ng unan sa tenga ko dahil sa pagsigaw at panga alog ulit sa akin ng babaeng ito.
Nanggigigil na talaga ako kanina pa niya ako ginigising at kinukulit, paulit ulit hindi na ako nakatulog ng ayos.
"Ano ba? Tigilan mo na nga ako" Napairap na lang ako sa inis, inaantok pa talaga ako.
Hindi naman kasi agad akong nakatulog, kakaisip sa mga nangyari.
"Bumangon ka na nga kasi!" Sa gigil ko idiniin ko pa lalo ang unan sa tenga ko, ang ingay nakaka inis. Hindi ako sanay ng ganito.
"Mei--"
Bago pa niya matapos ang sasabihin niya ibinato ko na sa kanya ang unan ko ng ubod lakas sanhi ng pagka upo nito.
"Aba! Ako na nga tong nagmamagandang loob" Nakita ko ang pag irap nito ng maiwasan ko ang unan na ibinato niya sakin.
"First day na first day eh, kumilos ka na at baka malate pa tayo" sigaw na naman nito.
"Edi mauna ka na" balik kong sigaw dito.
Wala akong pakialam kung first day ng klase ngayon, wala pa rin akong balak pumasok ng maaga. Hindi wala pala talaga akong balak pumasok dahil sa mga nalaman at nakita ko.
"Ewan sayo Meize, Dalian mo na!" Inis akong bumangon at padabog kong kinuha ang gamit ko at padabog ko ding isinara ang pinto ng banyo. Arghh napaka ingay!
Napa upo na lang ako sa sahig ng banyo sa inis, inaantok pa talaga ako. Hindi ako sanay na may gumigising sa akin ng maaga at lalong hindi ako sanay gumising ng maaga, Tss mabuti na lang talaga at napigilan ko ang sarili ko na sapukin ang babaeng iyon. Ipipikit ko na sana ang mata ko ng muli na naman itong magsalita.
"Hoy Meize! Ano natulog ka na diyan?" Napasabunot na lang ako sa buhok ko ng sumigaw na naman ito, hindi ko na dapat ito papansinin kung hindi lang ito kumatok ng sunod sunod.
"Oo na!" Sigaw ko rito sabay hampas sa pinto sa inis.
----
"Akala ko sa banyo ka na titira" bungad nitong sigaw sa akin pagkalabas ko ng cr, inirapan ko na lamang ito.
"Tss, ayaw pa kasi mauna" bulong kong saad.
"Tara na dali, malapit na tayong malate!" Tarantang sigaw nito at madaling pinagda dampot ang mga gamit nito.
Problema ba nito? Tss takot na takot malate.
"Tigilan mo na nga ako Shane, kanina ka pa kamo" Inis kong sigaw dito. Kanina pa siya salita ng salita ang ingay niya talaga kainis. Habang inaayos ko ang mga gamit ko kinuha nito ang schedule ko na nakapatong sa kama ko, nakita ko ang pagtango tango nito tss.
Nakasunod lamang ako dito dahil sa hindi ko naman alam ang mga rooms dito maging ang room ko. At sa awa ng Diyos tumahimik na din ang bruha. Dire-diretso lamang kami hanggang sa magsalita ito muli.
"By the way, anong section mo?" Biglang tanong nito sa akin, Nangunot naman ako sa tanong niya. Huwag mong sabihin na---.
"Hindi mo alam?" kunot noong tanong ko rito, napatingin naman ito sa akin na naka kunot din ang noo.
"Hindi" napairap na lang ako sa sagot niya "bakit?" Sinamaan ko na ito ng tingin, kanina pa ako sunod ng sunod sa kanya akala ko naman ihahatid niya ako ano pa yung patingin tingin niya kanina sa schedule ko.
BINABASA MO ANG
Demonic Academy (Hiatus)
Mystery / ThrillerRun fast! Hide well! Never trust anyone! Be strong! Fight. Be clever! Think. "Remember this Meize, you are all mine even your life. Walang pwedeng manakit sayo ako lang, kahit si kamatayan hindi.. Ako lang ang may karapatang pumatay sayo. You're m...