Kabanata 01

397 106 80
                                    

Kabanata 01: School of Evils

·

Meize POV:

Ito ang Demonic Academy.

Sa lahat ata ng paaralan na napasukan ko eto ang pinaka kinamanghaan ko ng sobra. Dahil sa sobrang laki, ganda at, may pinaka nakakatakot na aura sa lahat ng pinasukan ko.

Ilang beses na akong na-kick out, minsan magi-isang linggo pa lang ako sa isang paaralan naki-kick out na ako, well hindi naman talaga ako basagulera yun nga lang 'pag ako na ang naaagrabyado dun na ako pumapatol. Well, they say that I am a living mirror, totoo iyon dahil kung ano ang ginawa mo sakin yun din ang gagawin ko sayo ng mas malala.

Habang sinusundan ko ang babaeng sumundo sa akin sa may entrance, Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa mga estudyante na naka upo sa mga bench sa tabi ng mga puno dahil sa mga tingin na bini bigay nila sa'kin.

"What the hell?" Bulong kong saad.

Nakasunod lamang ako sa isang babae na sumundo sa akin sa may gate ng ako'y pagbuksan ng isang lalaki na sa tingin ko ay ang tagabantay sa may gate.

"By the way, I'm Alexa Mendoza, and I am the secretary of the student council." Naka ngiti nitong pahayag tanging tango na lang ang aking isinagot.

Secretary pala siya ng student council, kaya naman pala maganda ang kanyang postura may katungkulan pala.

"We're here" aniya, muntik na akong bumangga sa likod niya sa bigla niyang pag tigil.

Hindi ko napansin na nasa harap na pala kami ng Principal's office sa kakatingin sa napaka gandang arkitekto ng paaralan.

Kumatok muna ito ng tatlong ulit bago nito binuksan ang pinto.

"Sige na pumasok ka na, Hanggang dito na lamang ako." Aniya pagkatapos iginiya niya ako papasok.

Takot ang namutawi sa akin ng maka pasok ako sa loob ng silid, Puro pula.

Masakit sa mata ang ilaw na gamit sa loob ng silid dahil sa isa itong matingkad na kulay pulang ilaw.

"You're here" masayang wika ng lalaki na sa palagay ko ay nasa late 40's na at tumayo sa kanyang inuupuan "I knew it" saad nito at malakas na tumawa ng makalapit ito sakin.

Halos maduling ako ng titigan ko siya ng husto, pamilyar siya pati ang kanyang boses ay pamilyar.
Nakita ko na siya pero di ko matandaan kung saan, sigurado ako na nakita ko na siya.

"Baka malusaw na ako niyan? " natatawa nitong saad.

Ngumiti muna ako ng pilit bago nagsalita "A-ah sorry" Nakaka hiya, bakit ba kasi sobra ako makati titig?

"It's alright" wika nito habang naglalakad pabalik sa kanyang mesa "Please sit down" dagdag pa nito ng makarating na ito sa kanyang upuan.

Agad akong umupo sa upuan na nasa harap ng kanyang mesa.

"Introduce yourself" muling saad nito.

"I'm Meize Salvador" simple kong pahayag, nakita ko ang pag-angat ng isang sulok ng labi nito ng mapagtanto nitong wala na akong balak pang dugtungan ito.

"Salvador" pag ulit nito sa aking apelyido at tumawa ito ng mahina.

Kinuha ko sa bag ko ang mga papeles na alam kong kinakailangan kapag lilipat ka ng paaralan. Pero imbis na kunin ito ay umiling lamang ito na parang sinasabing hindi na kailangan pa.

Demonic Academy (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon