Ayun naman pala, dahil sa sobrang in love sa kanya, natutunan ko ng mang-stalk. Kaya ginawa ko talaga ang lahat para malaman ko ang tungkol sa kanya. Nag-online ako, tinignan ko kung naka-on din sya. Sa tuwing online sya, gustong-gusto ko syang kausapin.. Pero ang nangyayari, sinasabihin ko yung iba kong mga kaibigan na kausapin sya, magtanong kung galit ba sya sakin... Kasi I am embarrassed to ask him those questioms myself. Mababait naman yung mga kaibigan ko, that is why they are helping me. Lalo na yung kabarkada nyang mga lalaki na kaibigan ko din, supportive! Basta lahat sila mabait sakin, tinutulungan nila ako na magkaayos kami ni Jade.. Sa tuwing mag basketball practice sila Jade, andun ako nagpapaiwan after class.. Tapos sinasamahan ako ni Allyza. Sya kasi ang no.1 supporter ko, HAHAHA.
Pinapanood lang naman namin sya pagnagprapractice, medyo mainit pero tinitiis namin.. Kasi pag nakikita ko sya, buong buo na ang araw ko. Oo, inaamin ko na baliw na baliw ako sa kanya. Wala naman akong magagawa eh... Cute kasi nya eh! Kaso hindi yun ang nakikita ng iba, ako lang ata... HAHAHA! Basta ang cute kasi ng eyes nya.. Akala ko nga sya na eh, yun pala kahit anong papansin ko sa kanya, di nya nakikita... Ayaw nya sakin, pero antagal ko din sya nagustuhan bago ko sya bitawan. Kaysa naman sa masaktan ako sa buong buhay ko dahil lang sa kanya. Hello!? Dami pang iba dyan... Pero makulit talaga tong puso ko, patuloy na bumabalik... Yung parang kami na for each other pero hanggang panaginip na lang siguro yun... Fan nya nga ako eh, kasi ang galing galing nya magbasketball. Siguro isa na din yun sa mga nagustuhan ko sa kanya. Nung kumalat ang balita na gusto ko sya, pati mga teachers namin alam na.. Lalo na adviser ko. Eh yung adviser namin mahilig manloko tapos very supportive sa mga love team. Kaya pag nagaarrange ng sits every month, pinagtatabi nya kami, nilalagay nya yung water bottle ni Jade sa bag ko. Tapos magagalit ako (KUNO) HAHAHA.. Para di halata na gusto ko pa din sya, para kausapin nya na ulit ako.
At sya din ang napapanaginipan ko pag natutulog ako sa araw-araw.. Nagpapatulong ako sa mga kaibigan ko na kunan sya ng pictures para lang masave sa phone ko. Para nga may remembrance, oh diba?! Pero binura ko din... Kasi baka may makakita. Tapos minsan binabantayan ko yung mga kilos nya, at hindi ko din alam kung bakit. Siguro yun ang nagpapasaya sakin. Pero minsan, pag nakikita ko na may kasama syang iba na babae or kausap nya yung mga classmates kong babae, nagseselos ako for no reason. Kasi para maagaw na sya sakin. Kahit walang kami, nagseselos talaga ako. Sabi ko nga sa sarili ko na kahit may magkagusto sakin na iba, sa kanya lang ako kahit walang kami, ayaw nya sakin.. Kaya ko naman magtiis. Ayaw man nya akong paasahin pero dahil napakakulit ko.. Parang akala ng iba na paasa sya. Tapos pag nakikita ko ulit sya kasama ng ibang babae, nagagalit ako, kaya blinock ko sya sa FB kahit wala naman syang kasalanan. Siguro nga dahil sa sobrang obssessed ko sa kanya parang hindi na ako yung dating Charlene na nakilala nila.. Nalulungkot ako dahil nagagawa ko yun sa kanya. Di ko sya pagmamay-ari but I am trying hard to control him.

YOU ARE READING
Let Him Go...
RomanceLove is like a balloon, sometimes you have to let go of it when you don't really need that thing. Kaya sa mga babae, kung nababasa nyo ito... Wag po tayong magpapakatanga sa isang lalaki na gwapo, dahil madami namang dadating dyan na itinakda para s...