First Friday Mass na. Ito ang pinakauna naming mass sa batch 2016-2017. So nagkataon na nakatabi ko si Reyniel sa mass pati yung isa nyang barkada na boy best friend ko din. Ito ang nangyare bago magstart ang mass.. May white hair po kasi ako, pero matagal na nilang alam. Tapos, pinaglaruan nila Reyniel, edi hawak nya tas pinapakita sa iba kong kaklase, edi nahiya naman ako kaya, I tried to stopped him.. But it turns out that I accidentally hold his hands. But I was just trying to get the hair he took from me. Pero wait lang! Hindi ko pa sya crush nun, at walang develop develop! Grabe, best day ever yun para sakin. Kasi masaya kaming barkada.
"Neil oh! Puting buhok ni Charlene!"
"Huy Reyniel! Akin na yan.."
"Abutin mo nga!"
"Akin na nga sabi eh!"
"Kunin mooo"
"Reyniel!"
"HAHAHA, yan na nga.."
Cutie ng scene na ito sa mass, bet ko dis! So after ng mass, nagkwekwentuhan kami ng random, basta ganun. Mabait si Reyniel lalo na pag nakasama mo sya at nakakwentuhan, maaliw ka talaga. After ng mass, meron pang subjects na natitira.. Siguro mga 2 subjects na lang.
--- 2 hours later ---
Uwian na! Uwian na! Deretcho uwi sa house para di mapagalitan. So pag dating sa bahay, hawak agad sa cellphone, bubuksan ang wifi, bubuksan ang t.v, bubuksan ang electric fan. Pero binuksan ko nga ang t.v pero pang background lang, Ako lang ba gumagawa nun? Feeling ko, HINDI! HAHAHA!!
Pag nabuksan ko na ang wifi, syempre deretcho messenger agad! Makausap ko lang sila agad! Tapos biglang nagmessage sakin si Kate yung sinasabi ko sa inyong ka-close ko lang sa chat pero ngayon pati sa personal close na din. So ayun nga nagmessage sya sakin at tinanong kung may crush ako sa classroom namin."Charlene, may crush ka ba sa classroom natin??"
"Wala po"
"Wehh di nga? Maniwala.."
Dahil ayaw nya akong tigilan, kasi ayaw nyang maniwala na wala talaga akong crush. Si Reyniel ang sinabi kong crush ko. But it turns out that she did believe that crush ko nga si Reyniel, kaya ayun... Kumalat ang balita. Hanggang sa nalaman ni Reyniel na crush ko nga sya kahit gawa-gawa lang yung story na yun. Sa tuwing papasok ako sa classroom, pag nauunahan ako ng mga girls, nag-aayiee sila without any reason. And this is the worse part! Sa tuwing papasok si Reyniel sa room, sumisigaw yung mga classmates ko ng "CJ" (CJ = CHARLENE AND JADE) Kaya simula nun, nahihiya na ako sa kanya, I can't even talk to him anymore kasi nga feeling ko I will be ignored dahil nalaman nya na gusto ko sya. Kaya sad ako nun, dahil di ko na sya nakakausap. Kasi it feels like he can make me happy whenever I am down. Pero dahil sa simpleng message, nasira ang pagiging kaibigan namin. Gusto ko man, maging open book sa kanya, pero di ko talagang magawang kausapin sya, kahit message man lang sa Messenger... Pero, dahil sa sinabi ko kay Kate, about Reyniel (a.k.a Jade) feeling ko, nagstart ng mag develop ang totoo kong feelings sa kanya. Kahit na alam ko never nya akong magugustuhan, pero tanga lang talaga ako... Love is blind nga talaga!
YOU ARE READING
Let Him Go...
RomanceLove is like a balloon, sometimes you have to let go of it when you don't really need that thing. Kaya sa mga babae, kung nababasa nyo ito... Wag po tayong magpapakatanga sa isang lalaki na gwapo, dahil madami namang dadating dyan na itinakda para s...