Chapter 1

22 3 0
                                    

Jae Eun's POV

*Alarm clock rings*
"Ahhh!", ano ba 'yan! Sarap pa naman ng tulog ko tapos bigla nalang tutunog yung alarm ko, bwiset! Anong oras na ba? Aba, 5:00 palang, sino ba nag-set ng alarm ko? Tss, makapag-ayos na nga. Paglabas ko palang ng kwarto ko ay nakita ko si Mommy. "Good Morning, mom.", sabay kiss kay mommy. "Oh, ang aga palang ah, bakit gising ka na?", tanong ni mommy. "Nag-alarm na po kasi yung orasan eh.", sagot ko. Pagtapos ng usapan namin ni mommy ay nagtungo na ako sa kitchen para maghanap ng makakain. Nakahanap ako ng apple at cereals kaya yung nalang ang kinain ko. Habang nakain ako, ay nagce-cellphone ako. Iphone 6 parin ang phone ko pero ok na 'yon, basta may phone ako. Tinext ko si Minsun.

Jae Eun: Hello! Nasaan ka? Nasa school ka na ba?
Minsun: Hello bes! Wala pa ako sa school noh, pero tapos na ako maligo. Ikaw ba?
Jae Eun: Ahh ok, sige maya nalang tayo mag-usap sa school. Annyeong!
Minsun: Arraseo, annyeong!

Ok, magmamadali na nga ako kahit maaga pa para makapag-usap pa kami. Tsaka may quiz pa kami.

Fastforward »

Nasa school gate na ako, pagtapos ko i-swipe ang I.D ko, diretso room na ako kasi wala naman akong magagawa sa labas.
Pagpasok ko sa room, as usual magulo, kaya 'di ko nalang pinansin. Dumiretso na ako kala Minsun.
"Bes! Aga mo ngayon ah.", sabi ni Rose. "Alam ko na 'to, gusto mo lang makita si Taehyung eh.", sambit ni Lisa.
"Weh? Hahahaha!", sabay sabi nila Minsun at Jennie.
"'Di kaya! Gusto ko kasi makipag-usap sa inyo. Tsaka may quiz tayo 'di ba? Kaya magre-review ako para mapanatili ko ang 1st place sa Top.",lintana ko. "Ok, sabi mo 'yan eh. Sige punta muna kaming Cafeteria, Annyeong!", sagot ni Minsun, sabay hila kala Jennie, Rose, at Lisa. Kung tinatanong niyo kung nasaan si Ate Jisoo, nasa kabilang section siya kaya medyo malungkot kami. Pero sabi niya okay lang daw sa kanya 'yon. Kaya hindi na kami nag-alala pa.

Fastforward »

Nandito na sila ulit pero wala parin ang teacher naming si Tr. Juliet. Mabait siya, kaya siya ang favorite kong teacher. Siya din ang adviser namin kaya masaya ako, pero malungkot din ako nang unti dahil wala si Crush. Oo, aminin ko man o hindi, si Taehyung ang crush ko. Kasi ang lahat ng gusto ko ay nasa kanya. Pero may gusto siya kay Lisa. Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa na makuha ang puso niya. Ok lang din naman na si Lisa ang crush. May parte sa akin na masaya pero may parte rin na naiinis at nalulungkot. Masaya ako dahil kaibigan ko ang gusto niya. Pero malungkot at naiinis ako dahil hindi ako ang gusto niya. By the way, isa nga pala ako sa mga Campus Royalties. Lahat kaming magbe-bestfriends ay ang mga Campus Royalties. Bakit? Hindi ko rin alam. Kesyo maganda daw kami, matatalino at talented. Kaya lahat ng madadaanan namin ay babati sa amin. Pero hindi lang kaming anim ang Campus Royalties. May mga iba pa, malala ito dahil kaaway namin sila. May pangalan pa nga yung grupo nila eh. Ano nga ulit 'yon? Twice? Oo nga, Twice ang pangalan. Tss, tuwing naririnig ko 'yon, naiinis lang ako lalo. Tama na nga 'yang Twice na 'yan. Pero may boy groups din, sila naman ang mga Prince ng Campus namin. Two groups sila. Ang Got7 at BTS, magkakaibigan sila, so no problem para sa kanila. Pero kami may problem, kasi yung Twice, malalandi. Feeling nila nagfa-fashion show sila araw-araw dahil sa mga suot nila. Ang school kasi namin ay isang University pero mas sanay ako na tawagin itong school. Friends dn namin ang mga iba pang Campus Royalties except sa TWICE. 'Di ko namalayan na nandiyan na pala si Tr. Juliet kaya let's stop. Wala akong maintindihan sa diniscuss ni Tr. Juliet.

Fastforward »

After class, nagtanong ako sa classmate kong si Theo kung ano ba yung mga diniscuss ni Tr.
"Hey Theo, about saan ba yung diniscuss ni Tr.?", tanong ko kay Theo.
"Hindi ka na naman nakinig, pero since mabait ako, sasabihin ko na. Sabi ni Teacher we will be performing a dance presentation, a ball to be exact. So we need partners. Tuwang-tuwa nga silang lahat eh, kasi daw lalaki ang mga pipili ng makaka-sayaw nila. So they have a chance to dance with their crush, kahit galing sa iba section, you can still ask them out.",
mahabang lintana ni Theo. At dahil sa sinabi ni Theo, ginanahan ako dahil baka ako ang piliin ni Taehyung. Pero wag masyado assuming na ikaw ang pipiliin baka masaktan ka lang. Hahaha, galing ko mag-drama pero naiinis naman ako. Lakas ng tama ko, dalhin na sa mental, de jowk. Pero sure naman ako na ang pipiliin ni Taehyung ay si Lisa kaya no chance.

Nag-aalala naman ako dahil baka walang gusto makipag-partner sa akin kahit na madaming nagkaka- crush sa akin.
"Uyy Jae Eun! Lalim ng iniisip mo ah? Halika na, punta na tayo sa cafeteria. Baka mahaba na ang pila doon eh.", sambit ni Minsun."Huh?, bahala na nga, lika na nga.", sagot ko.

At the cafeteria

Buti naman at hindi pa mahaba ang pila, kundi baka patay na kami dahil sa gutom. Habang nakain kami, naudlot ito dahil sa biglaang tilian ng mga babae. Hmm, bakit kaya? Since may dugong chismosa ang mga friends ko, dumiretso sila doon habang ako, tinuloy lang ang naudlot kong pagkakain. Pero bago pa ako makasubo ng isa, tinawag nila Minsun ang pangalan ko kaya naman napatigil ako pero 'di ko nalang 'yon pinansin. Pero tinawag na naman nila ako kaya naman, pumunta na ako sa kanila. Nabigla ako doon sa nakita ko. Nakita ko ang BTS na nakahawak sa isang malaking kartolina na puti na nakalagay ang pangalan namin nila Minsun, Jennie, Rose, Lisa at Jisoo. Nabigla ako lalo dahil lumapit sa akin si Suga, ang lalaking may nakakasilaw na gilagid at ang lalaking lumamon ng gluta, de jowk. Wag niyo ako sumbong sa kanya ha?
"Hello Jae Eun! Gusto kitang maging partner sa sayaw, payag ka ba?", napatingin naman ako sa paligid, nakakahiya naman kung iri-reject ko siya. Napatingin ako kay Taehyung na kaharap si Lisa. Napatingin si Lisa sa akin, para bang tinatanong kung ok lang sa akin. Tumango naman ako sa kanya, pati narin kaya Suga.
Nakita ko naman na ngumiti si Suga kaya naman napangiti din ako. Kaya naman nagsigawan ang mga nasa cafeteria.

"Yes! May chance pa ako kay Jungkook!" -girl 1

"No way! Akin si Jungkook!" -girl 2

"Ano ba 'yan! Naagaw na agad sa akin si Jae Eun! Ayoko naman sa Twice eh!" -boy 1

"Yess! Mabuti naman at hindi nila kinuha si Tzuyu!" -boy 2

Puro ganyan ang mga naririnig ko, kesyo naagaw na nang BTS ang mga gusto nila. Pero natuwa ako dahil doon sa isang lalaki na sinabi na ayaw niya sa Twice, bakit kaya? Siguro na-feel niya na sobra sa kaartehan ang Twice.

Fastforward »

At the mansion

Pagpasok ko sa mansion naman ay binati agad ako nila manang. Yes, tama kayo ng basa, mansion ang tinitirahan namin, pero apat lang kaming nakatira dito.
I forgot to tell you na may kuya pala ako. Pero let's not talk about him muna, maybe some other time nalang, sorry. I'm kinda sleepy from what happened today.
"Manang, si Mom po nasa work pa po ba? Or how about dad?", tanong ko kay manang. "Nasa trabaho pa sila pareho, kakain ka ba? Pagluluto kita.", sagot ni manang Rita. "Ayy, wag na po, matutulog po muna ako. Pero thanks for the offer po. Sige po, akyat na po ako sa kwarto ko.", tumango naman si manang kaya umakyat na ako.

Fastforward »

*knock knock*

I heard a knock on the door, so I stood up to go there. Pagkabukas ko nang pinto ay nakita ko ang aking childhood friend na si.......

To be continued.....

>>>>>>>>>>>>>>> A/N <<<<<<<<<<<<<<<
Sorry for leaving you guys hanging pero sino kaya yung childhood friend ni  Jae Eun? Please vote and comment.  
Please share niyo 'to sa mga friends niyo then you'll get a dedication from me. Kahit wag niyo na po gawin 'yon basta po vote lang kayo. Sorry po kung masyado yung favor na hinihingi ko. Pero please support 'til the end. And sorry po sa mga wrong spelling and grammars ko. Lots of love from me ❤️.

Thank You || fanfic » j.jk (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon