Chapter 9: Leaving Someone You Love

22 0 0
                                    

Chapter 9: Leaving Someone You Love

Hannah's POV

Nagising ako sa isang lugar. Madamo at sobrang linis. Saan ba tong lugar na ito?

" Mommy! " - Napatingin ako sa sumigaw. Nacurious lang ako. Sino tong bata na toh? Aliligaw ba sya? Sabagay, malagi ang lugar na ito. Hindi malayong mawala sya dito.

" Mommy! " - Sigaw nya. Nagulat ako nang biglang may yumakap sa binti ko.

" Mommy, miss na miss na kita. " - Sabi nya. Ako? Wala naman akong anak ha? Sino tong batang toh?

" Sino ka? " - Tanong ko sa kanya sabay hiwalay sa pagkakayakap nya.

" Hindi mo ako kilala mommy? " - Sabi nya. Umiling lang ako.

" Sorry pero hindi kita kilala. " - Sabi ko sa kanya. Yumakap ulit sya sa akin.

" Pero mommy... " - Sabi nya. May ilang mga butil ng luha na pumatak sa mga mata nya. Sino ba tong batang ito?

" Sorry, pero hindi talaga kita kilala. " -Sabi ko sa kanya. Umiyak lang sya.

" Kung gusto mo tutulungan na lang kitang hanapin ang mama mo. " - Sabi ko sa kanya.

" Pero ikaw ang mommy ko! " - Sabi nya. Umiling lang ako. Niyakap ko sya ng mahigpit. Tumahan naman sya. Sandaling katahimikan ang dumaan sa pagitan namin.

" Clear! " - Napatingin ako sa paligid ko. Nawala na ako sa madamong lugar na iyon! Nasan na ako?

" 1... 2... 3... clear! Ok pa ba yung oxygen nya? " - Sabi ng doctor. Natulala ako sa babaeng nakahiga sa kama at maraming nakakabit na bagay sa kanya.

" Sir, we're running out of oxygen! " - Sabi ng nurse na umaalalay sa doctor. Naaawa ako sa babae. Sino ba ito? Bakit ang daming nakakabit sa kanya?

" Palitan nyo na! Dagdagan nyo rin ang dextrose nya! " - Sabi ng doctor. Mabilis namang kumilos ang mga nurse. Nagulat ako nang bigla akong kalabitin ng batang katabi ko.

" Mommy, ikaw yan. " - What? Ako? Paanong naging ako?

" Pero paano? " - Sabi ko sa kanya. Hinatak nya lang ako palabas ng kwartong yun? Nagulat ako nang tumagos kami sa pinto.

Nakita ko ang ilang tao na naghihintay sa babaeng kaninang nasa operating room.

" Kasalanan mo ito! " - Sigaw ng matandang lalaki sa binata.

" Ako pa ngayon ha! Kung hindi ka nagsinungaling sa kanya hindi sya magkakaganun! " - Sabi ng lalaki.

" Anong ako? Ikaw ang dahilan nito simula pa lang! Kung hindi mo minahal ang anak ko, hindi ko kayo paghihiwalayin! Kung hindi mo sinaktan ang anak ko, hindi kita gagamitin para sa kanya! Kung hindi mo sya iniwan sa kotse nyo, hindi sya marerape! " - Sabi ng matandang lalaki.

" Ako pa ngayon? Kung hindi mo kami pinaghiwalay, hindi sya masasaktan. Kung jindi mo kami pinaghiwalay, edi sana kami pa at hindi mo ako magagamit para sa kanya. Kung hindi mo ako ginamit, hindi ko sya idedate at hindi sya marerape! Tandaan mo yan! " - Sigaw ng lalaki.

" Oo ikaw! Bakit ka ba kasi dumating?! " - Sabi ng matandang lalaki.

" Ako pa? Sino ba ang lumapit sa akin? Di ba ikaw? " - Sabi ng lalaki sa kanila.

Sino ba talaga sila? Bakit ako dinala ng batang ito dito?

" Mommy, siguro hindi pa kita makakasama ngayon. " - Sabi ng batang katabi ko.

" Mommy, annyeong! " - Sabi nya at unti-unting naglalaho sya sa tabi ko. Anong nangyayari?

***

My 10 First DatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon