Epilogue:

27 0 0
                                    

Epilogue:

Hannah's POV

Lumipas ang isang taon. Nakayanan ko namang mabuhay mag-isa. Walang Reigh. Walang Dad. Ako lang. Nagtatrabaho ako bilang maintenance. Nag-aayos ako ng sirang mga kotse at ibebenta iyon. Tago na rin ang information ko. Ako na ngayon si Samantha Zhang. Hindi na ako si Hannah Lu na kilala nila. Nakatira ako sa China. Masaya naman dito pero iba pa rin pag nasa sarili mong bansa ka di ba? Pero ano pa nga bang magagawa ko? Nandito na ako at masaya naman ako dito kahit... mahal ko pa sya. Oo, mahal ko pa sya. Mahirap lumimot lalo na't sobra ko syang minahal. Minahal ko sya ng wagas kasi nagpapakatotoo sya pero hindi pala sya naging tapat sa akin. Ang sakit lang.

" Samantha, nihao! " - Napatingin ako sa bumati sa akin. Si Marian. Half filipino half chinese sya at nging bestfriend ko sya dito sa China. Mabait sya kaya hindi ako masyadong nahihirapang pakisamahan sya. Hindi nya alam na may tinatago ako sa kanya pero hindi na importante iyon.

" Nihao! " - Sabi ko sa kanya sabay ngiti. Balik ako sa dating Hannah. Ang Hannah na kilos lalaki at damit lalaki. Ayokong ibalik ang Hannah na nagbago para kay Reigh. Ang Hannah na nagpaktanga para kay Reigh walang ibang ginawa kundi lokohin sya.

" Samantha, may dalawa akong ticket papuntang Pilipinas, sama ka! Bakasyon tyoo dun! " - Sabi nya sa akin. Parang bet ko yun?

" Kailan ba yun? " - Sabi ko sa kanya.

" Sa susunod na linggo na! " - Ngumiti ako.

" Sige, sasama ako. " - Sabi ko sa kanya. Ngumiti naman sya at niyakap ako ng mahigpit.

" Sama mo na si Rhian! " - Sabi ko sa kanya.

" Sige, mayaman naman yun eh, may pambili yun ng ticket nya! " - Sabi nya.

***

Nandito kami sa NAIA. Shiz. Kinakabahan ako. Wala tayong alam baka magkita kami ni Reigh o kaya ni Dad. Ayokong malaman nilang niloloko ko sila.

Sumakay kami ng taxi. Huminto abg taxi sa tapat ng isang malaking building.

" Dito ang condo ng kapatid ko. " - Sabi ni  Rhian. Si Rhian ay half korean yan pero nagtatrabaho sa China. Pumasok na kami sa loob ng building at sumakay ng elevator. Parang pamilyar itong lugar na ito sa akin. Ano ba toh! Bakit hindi ko masyadong matandaan?

Tumigil kami sa tapat ng malaking pinto. Nagdoorbell na si Rhian. Hinintay ko na lang na buksan ang pinto. Dahan-dahang bumukas ang pinto. Nanlaki ang mata ko nang makita ko sya.

Si Reigh... nandito sya sa harap ko.

" Ah, kuya. Si Samantha nga pala. " - Sabi ni Rhian. Nakatitig lang ako sa muka nya. Nakasalamin sya at mukang busy sya. Isang taon pa lang ang lumipas nagbago na agad sya. Siguro nakalimutn na nya  ko.

" Samantha? " - Tanong nya. Tumango lang si Rhian.

" I'm Reigh. " - Sabi nya at inilatag ang kamay nya. Kinuha ko naman iyon at nakipagkamay sa kanya. Nakaramdam na naman ako ng electricity. Mahal ko pa talaga sya.

" Samantha. " - Sabi ko sa kanya. Hindi ko magawang tumingin sa mga mata nya.

***

Naiwan ako dito sa condo ni Reigh. Umalis kasi sina Rhian at Marian. Nagsisisi tuloy ako bakit pa ako nagpaiwan. Naiwan rin si Reigh dito.

" Samantha pala ha. " - Sabi ni Reigh.

" Do you still love me? " - Tanong nya. Nanigas ako sa kinauupuan ko. Mahal ko pa sya.

" Ikaw? Minahal mo ba ako? " - Sabi ko sa kanya. Nagtatagisan kami ng mga tingin.

" Minahal kita. " - Sabi nya. Parang natuwa ang puso ko pero hindi dapat. Minsan na nya akong sinaktan, ayoko nang maulit iyon muli.

" Ikaw, mahal mo pa ba ako? " - Sabi nya.

" Minahal kita pero... hindi na ngayon. " - Sabi ko sa kanya. Tama ba ang desisyon ko?

" Hannah. Mahal kita at lagi kitang minamahal! Hindi ako tumingin sa iba sa pag-aakalang babalikan mo ako at mahal mo pa rin ako! Pero ano? Wala. " - Sabi nya.

" Hindi na ako si Hannah. Ako na si Samantha. Hindi na ako ang Hannah na niloko nyo! " - Sabi ko sa kanya. Nagulat ako nang bigla nya akong halikan. Gusto kong pumiglas pero parang gusto ko rin ang halik nya.

Ano bang nangyayari sa akin?

***

Nagising ako sa kama ni Reigh. May nangyari sa amin. Naiinis ako kasi mabilis akong sumuko sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko kasi hanggang ngayon, mahal ko pa rin sya.

" Hannah, back to me please. " - Sabi nya. Umiling ako.

" Pagsikapan mo. Baka mamaya niloloko mo lang ako. " - Sabi ko sa kanya.

" Hindi kita niloloko. I'll do anything just to win you back. " - Sabi nya.

" I still have my tenth date right? " - Sabi nya. Napatingin ako sa kanya. Hindi nya kinalimutan na may date pa syang natitira. Sana lang ay mahal nya nga ako.

***

After 10 years...

We have two girls. Kambal sila. Kinasal na rin kami ni Reigh. Napatunayan kong mahal nya talaga ako. Everynight before we sleep pinapaalala nya sa aking mahal nya ako. Lahat ng dapat malaman nalaman na nila. My father? He died, namatay sya sa sakit sa puso. How sad right? Kahit malaki ang kasalanan nya sa akin, still tatay ko pa rin sya. Wala na akong magagawa dun.

Ano bang nangyari sa loob ng ten years? Well, niligawan nya ako. After a month na panliligaw nya sa akin nakumpirma kong buntis ulit ako. Pero hindi ko sinabi sa kany yun. Hhe continue courting me.

Lumipas ang ilang buwan sinagot ko na sya. Malaki na rin kasi ang tiyan ko. Nung time na naglilihi ako sya palagi ang katabi ko. Thankful nga ako at sya ang kasama ko.

Nang manganak ako masayang-masaya sya. Grabe hindi ko nga matantya kung gaano sya kasaya nung time na yun. Pagkatapos kong manganak ay naging masaya naman kami. After isang taon ay niyaya nya akong magpakasal. Sino ba ako para tumanggi? Syempre pumayag ako.

Then boom! Kinasal ako. Hindi na namin sinundan yung kambal. Ok na sa akin yun. Ikaw kaya ang manganak noh?

So ayun na nga. Siguro hanggang dito na lang. Mahaba pa ang love story namin pero iisa lang naman ang patutunguhan nun eh. Magiging masaya kami forever ni Reigh with our princesses.

Hannah Lu

***

My 10 First DatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon