Chapter 5: The Truth

16 0 0
                                    

Chapter 5: The Truth

Hannah's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko nag-aayos ng mga gamit ko. Ipapaalam ko na rin kay Dad na nagcacar racing ako. Sana lang hindi nya ipatigil ang ginagawa ko. Car racing is my life.

" Nasan nga pala ang diary ko? " - Sabi ko sabay tingin sa ilalim ng kutson. Ilang taon kong hindi nakita yun eh. Malay ko ba sa diary na toh.

' First Entry '

Hoy Diary! Alam mo ba ang sama ng loob ko. Hindi ako crush ng crush ko. Nakakainis ka Kenneth!

Wow! Crush ko na pala si Kenneth eversince this diary had been made.

*tok tok*

" Ma'am may bisita po kayo. " - Baka sina Ericha lang.

" Papasukin nyo. " - Sabi ko. Nananahimik lang akong nag-aayos ng mga gamit ko. Haaay, nakakamiss rin pala ang mga bunganga nila.

*kreeek*

Napalingon ako sa nagbukas ng pinto. Si Reigh. -___-

" Bakit ka nandito? " - Sabi ko sa kanya. Nakapoler face pa rin ako.

" Dinadalaw kita. " - Sabi nya sabay upo sa kama ko. May germs na ang kama ko.

" Bakit muka ba akong napkin? " - Sabi ko sa kanya. Bwisit sya.

" Haha, you're funny. Hannah, dinadalaw kita. Ay sya nga pala bukas na ang second date natin. " - Another date again. Kainis naman! Mapipilitan na naman akong mag-ayos! Bwisit sya!

" Bakit ka pa pumunta dito? " - Sabi ko sa kanya. Mapagtripan nga.

" Dinadalaw nga kita. Kulit mo rin eh noh! " - Sabi nya sa akin. Nagsmirk lang ako at ngumiting tagumpay.

" Psh. Ano pa? " - Sabi ko sa kanya.

" Wala lang. " - Sabi nya.

" Saan tayo pupunta bukas? " - Sabi ko.

" Sa Enchanted City. Balita ko may Viking Away sila eh. Masaya dun! " - Sabi nya. So, dress-free day bukas? Yes!

" Ooo-kay. " - Sabi ko sabay tingin ulit sa diary ko.

" Ano yan? " - Sabi nya sabay patong ng baba nya sa balikat ko. Nasabi ko bang medyo matulis ang baba nya?

" Diary ko nung bata ako. " - Sabi ko.

" Pabasa ng ako. " - Sabi nya sabay agaw. Bastos talaga toh!

" Akin na nga! " - Sabi ko habang paulit-ulit kong kinukuha sa kanya pero hindi nya binibigay.

" Ano toh? Aino ba si Kenneth? " - Natigul ako sa pag-abot. Sino nga ba si Kenneth?

" Dati kong crush. First love? Ewan ko. " - Sabi ko ng nakatingin sa kawalan.

" Aaah. " - Sabi nya. Binigay nya na ang diary ko. Parang naiiyak ako na ewan. Bigla ko kasing naalala yung mga bagay na kinabaliwan ko sa kanya pero binaliwala lang nya.

" P-Punta lang a-akong CR ha. " - Sabi ko. Mabilis akong pumunta sa CR. Bigla na lang pumatak ang luha ko.

" Tigilan mo na nga ako! Hindi naman kita gusto eh! At isa pa tingnan mo nga yung ayos mo! Para kang hindi babae. "

Sya ang dahilan kung bakit mas lumala ang pagiging boyish ko. Sya ang first heartbreak ko. Bakit ba kasi dumating pa si Reigh? Nakakainis naman eh!

" *tok tok* Hannah, ok ka lang ba jan? " - Sabi ni Reigh.

" Ok lang ako. " - Pinilit kong gawing matatag yung boses ko. Pinunasan ko na rin ang mga luha ko.

Maya-maya nakarecover na ako sa pagrereminisce. Lumabas ako ng CR.

My 10 First DatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon