Rica Macabuhay Sandoval

229 31 0
                                    

Yes.



I'm no longer the bubbly Ikay.




I'm am now Rica
Sandoval.



Two years ago my so called father, binalikan nya kami nila Baby. Humingi sya ng tawad sa ginawang pang iiwan nya kay Nanay.




Alam ko mahal pa sya ni Nanay, kaya hindi ako humadlang . Alam ko oras na para sumaya naman si Nanay. Ilang taon na din syang nagtiis at naghirap para samin ni Baby. Kaya ang hiniling nyang makisama at tanggapin ulit si Tatay sa buhay ko, at sympre pati ni Baby, hindi nako nagmatigas.




Pero hindi ko masasabing magkasundo kami ng Tatay ko, civil kami. Tatay ang tawag ko sakanya, pero hindi ko parin makita sa puso ko ang pagpapatawad.





Dahan dahan kumbaga.



Hindi ko kailangan madaliin. Sa pagbabalik nya, malaki ang naging pagbabago sa buhay namin.




Napilitan akong magresign sa hotel, though oras narin talaga para sakin na iwan ang hotel na yun.




Matapos ang masasaya at masasakit na alaala na naranasan ko. Nainlove, at iniwan bigla ng walang pasabi.




** Flashback



" Kelan mo ba ko sasagutin Ikay babe?? " tanong sakin ni Aren.




" Bakit prinsipe Sungit, naiinip kana ba?? Akala ko ba bring it on? " sagot ko naman. Andito kami ngayon sa employees waiting room.




Oo, hindi padin tumigil si Aren sa pagiging trainee ko. Masyado nyang ineenjoy ang training,pero sa loob loob ko, sobrang nakakakilig.




Palagi kaming magkasama ni Aren, kahit boss na sya, at sa kanya na pinagkatiwala ni Mam Carla ang branch na ito dito sa Quezon City, hindi sya umaalis sa House Keeping Dept.




" babe uyyyy" Babe na ang tawag sakin ng mokong na to kahit hindi ko pa sya sinasagot.





"Prinsipe Sungit, wag makulit okay? Inaayos ko pa ang report ko na ipapasa ko sa ate mo "" sagot ko sakanya habang pilit na hinahawakan ang kamay ko.







Pinandilatan ko ng mata si Aren, nginitian lang ako.





Hayyy Pano ba nainlove sakin ang gwapo na ito??




Isa rin sa dahilan ng di ko pag oo pa sa kanya ay ang katotohanang natatakot ako sa mundo at sa sasabihin ng ibang tao.


Imagine , isang prinsipe si Aren. Ako, ano?


Oo at tanggap ako ng Ate nya, pero ng magulang nya, hindi ko alam. Once ko lang nakausap ang Daddy ni Aren, sa cellphone pa .



Nakakatakot pa ang boses. At damang dama ko na nanliliit ako sa pagtatanung nya kung ano ako sa buhay ng anak nya.



" Ikay, youre spacing out again. Iniisip mo na naman ako nuh?? . Sabi ko sayo diba, mahal kita. Mahal na mahal. "
Sabay halik sa tungki ng ilong ko.




Titig ng Pag Ibig (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon