Entry #1

61 5 1
                                    

Entry #1

" oh, Daryl. iho. " tinawag siya ng kanyang tito ng makita siya nito na papasok sa may malaking pintuan ng mansyon. nginitian siya ni Daryl at nilapitan. kung tutuusin ay hindi naman niya ito kaanu-ano. sadyang malapit lang ang kanyang loob rito at isa pa ay tinatawag niya itong " tito " dahil sa ito ang ama ng kanyang pinakamamahal na babae.

" nasaan po si Hina? huh tito Harold? " tanong niya rito na nginitian naman siya ulit. masasabing mabuti ang pakikitungo nilang dalawa sa isa't-isa, sapagkat alam din ni Harold ang nararamdaman ni Daryl sakanyang anak.

" nasa may garden sya, puntahan mo na lang sya. at alam kong magiging masaya sya sa pagbabalik mo. "

" salamat po tito. " sagot niya na agad napatakbo sa may garden ng mansyon. nakita nya roon si Hina na nagbabasa ng paborito nitong mga libro na mga new york's best seller. tulad ng mga Beautiful creature. percy jackson, beastly, harry potter, Twilight, if i stay, at kung anu-ano pa. lagi siyang nireregaluhan ng mga kaibigan niya ng mga libro dahil ito ang hilig niya. napakasaya ni Daryl ng muling makita ang kababata niyang matagal na nyang hindi nakita, ang babaeng matagal na nyang iniibig. alam din naman ni Hina ang nararamdaman ng binata. at alam nya rin sa sarili niyang mahal nya rin ito. ngunit dahil sa malayo sila sa isa't-isa ay wala silang panahon para makasama ang isa't-isa. nag-aaral kasi sa France si Daryl. ang pamilya kasi nito ay isa sa pinakamayamang kumpanya sa larangan ng fashion industry. ngunit hindi niya sinundan ang yapak ng kanyang pamilya, naging malaking sikreto sa lahat kung anong gusto at kung anong ginagawa niya sa buhay. inilayo nya rin ang sarili sakanyang pamilya at namuhay ng mag-isa dahil sa trabaho niya. he was a professional sniper. bata palamang siya ay ginagawa niya ito, dahil magaling syang humawak ng baril.

tinakpan ni Daryl ang mga mata ni Hina ng kanyang dalawang mga kamay. napangiti naman si Hina dahil alam nya ang mga kamay na dumadampi sakanyang mukha sa mga oras na iyon. ito ay ang lalaking napakatagal na nyang hinihintay mula sa France. ang kababata nyang matagal na nyang minamahal.

" Daryl. " yun lang ang tanging pumasok sa isipan ni Hina, at saka binitiwan ng kanyang mga labi ang pangalan na iyon. binitawan naman sya ni Daryl. umupo ito sa tabi nya sa harapan ng mga bulaklak.

" kamusta ka na? " nahihiyang tanong ni Daryl kay Hina. napayuko naman si Hina na nahihiya din. nahihiya syang kausapin ang kababata, kesa sa kausap lang niya ito sa cellphone.

" ayos lang ako, ikaw ?" napakaawkward ng tagpong iyon para sakanilang dalawa. siguro ay dahil matagal silang hindi nagkita. sobrang namis nila ang isa't-isa.

" kaylan ka babalik sa France? " tanong ni Hina na may lungkot sakanyang mukha, napansin ito ni Daryl, kaya gumawa siya ng paraan para mawala ang kalungkutan nito. gusto nya ng sabihin ang tunay na dahilan kung bakit siya bumalik dito sa pilipinas.

" sorry, pero..."

alam ni Hina na ilang araw at ilang oras lang ang pamamalagi ni Daryl sa Pilipinas dahil sa trabaho nito sa France. parati naman kasing ganoon ang nangyayare mula pa noong una.kaya't napayuko na siya ng muling magsorry sakanya si Daryl.

" hindi na ako babalik sa France. dito na ako magi-stay. " mabilis niyang sagot na napatingin sakanya si Hina.

" huh ?"

^___^" ang sabi ko, hindi na ako babalik sa France. ikaw kasi eh! yang nakakaawa mong mukha ang nakakapalambut ng puso ko! " sabi ni Daryl na pinitik nya sa noo si Hina.

" >__< aray naman! "

" date tayo? " nakangiting sabi ni Daryl.

MY KILLER MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon