Entry #2

26 1 1
                                    

Entry #2

Nakarating na sa photoshoot sina Yufi at si Yves. tinawag na sya ng mga camera man at ng mga taong magaayos sa itsura niya binihisan siya ng isang magandang dress.

" pasensya na po, ayoko pong maglagay ng blush-on " pigil ni Yufi sa mga nag-aayos sakanya.

" pasensya na po, ayoko rin po ng eyeliner!---at saka ayoko rin ng--ano yan? " sabi ni Yufi na pinipigilan nya ang mga bagay na ikinakabit sakanyang mukha, hindi kasi sya sanay rito. at kung tutuusin, maganda na sya kahit na walang make-up. natural beauty ang nilabas nya sa may room na iyon. hindi na niya kaylangan ng blush-on para mamula ang kanyang pisngi, dahil lumaki naman syang rosy cheeks. hindi na nya kaylangan ng lipstick dahil red lips naman siya. hindi na nya kaylangan ng eyeliner dahil tantalizing eyes naman daw siya. pagkalabas na pagkalabas niya ng room ay napapout siya, hindi nya lang alam na tulala sakanya si Yves. maganda na si Yufi para sakanya, pero mas lalo itong gumanda dahil sa suot niya.

" dito po tayo, mis. Levina. " yaya ng photographer. saka sya pumunta roon, para sa pictorial niya. pero sa kasamaang palad, hindi niya alam kung paano siyang haharap sa camera. nasisilaw siya sa liwanag ng lights sa harapan niya, sumisingkit tuloy ng hindi nya sinasadya ang kanyang mga mata.

" Mis. Levina, pakiayos lang po ng kaunti ang mga pose nyo, be natural." sabi ng photographer, mukhang nahihirapan na siya sa pagkuha ng magagandang larawan ni Yufi dahil masyadong wierd ang lumalabas na pictures niya. gaya ng inaasahan sa isang Yufi Levina. nahihirapan na at naiinis ang photographer, samantalang napapangiti naman si Yves at natatawa sa mga pose ni Yufi. he was very happy to see Yufi was enjoying her pose like a little child. ito ang dahilan kung bakit mahal niya si Yufi, ngunit ito rin ang dahilan kung bakit hindi pa niya masabi ang nararamdaman, dahil alam nyang batang isip pa ito.

ilang oras din ang nakalipas ay natapos na ang pictorial. at habang nagbibihis pa si Yufi sa may dressing room, naghihintay lang si Yves sa labas ng may narinig syang sit-sitan ng photographer, ng designer at ng editor. kasalukuyan nilang ineedit at pinapaganda ang mga pictures ni Yufi.

" kahit na anong gawin nating edit dito, sya pa rin ang the worst model ng kumpanya! "

" wala tayong magagawa! hindi naman sumipot si mis. Hina. "

" tignan mo nga yang pose nya! ano to? promoter ng amusement park? "

nginit ang ulo ni Yves ng marinig nya ang mga ito. nasaktan sya ng sobra sa pagiinsulto ng mga ito sa babaeng pinakamamahal niya. para sakanya, si Yufi ang pinakamagandang babae na nagpapakatotoo lang sa sarili niya sa pictorial na iyon, napakajolly kasi nito. pinasok nya sa room na iyon ang naguusap, napatingin silang lahat sakanila at napatayo, sabay yuko.

" ano pong kaylangan nyo sir. Yves? " tanong nila, hindi ako ngumingiti at seryosong seryoso ang titig ko sakanilang tatlo, nakita ko naman sa mukha nila na mukhang nasindak sila sa titig ko.

" what did you said about my princess Yufi? "

" aah? "

" kung wala kayong masabing maganda, pwede bang itikom nyo na lang yang bibig nyo, kung ayaw nyong ipasalvage ko kayo! "

yumuko sila saakin at humingi ng pasensya.

" sorry po, hinding hindi na po mauulit. " takot na takot nilang sagot, dahil ang kumpanyang pinapasukan nila ay ang World Bio-Financial Group na pagmamay-ari nina Yves.

"talagang hinding hindi na ito mauulit, cause your all FIRED! " sabi nii Yves.

" Sir? " O____O

MY KILLER MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon