Entry #3
parehong naghihintay ang dalawang panig na hindi matuloy ang kasal, ilang araw at linggo na ang nakalipas, pero hindi pa rin tumatakas si Hina, nasa office si Yves at napapakagat na lang sakanyang mga kuko habang nakatingin sakanyang laptop. pinatawag niyang muli ang imbestigador.
" bakit po? " tanong nito
" are you sure na tatakas sya bago ang kasal? bakit parang wala akong nakikitang pagbabago? "
" wag po kayong magalala sir. 100% po na aalis siya. "
kahit na sinabi na nitong 100% siya ay kinakabahan parin si Yves. ilng linggo na lang kasi ay kasal na niya. nakahanda na ang lahat gaya ng gusto ng kanyang lolo Maynard.
minsan ay inihatid niya si Yufi sa school nito, nakasimangot si Yufi at hindi siya kinakausap.
" anong problema mo? " tanong niya rito ngunit iniwas nito ang tingin at tumingin na lang sa labas ng bintana.
" Yufi! ayoko ng ganyan! sabihin mo na saakin kung anong iniisip mo. "
" nakakainis ka eh! hindi mo man lang sinabi na ikakasal ka na pala!" biglang nalungkot ang itsura ni Yves.
" sorry. "
" ^____^ hahaha! pero ayos na ako, wag kang magsorry, congratulations pala sa kasal mo huh! atleast, kinuha akong abay ng lolo mo. " sabi nito na mas lalong nasaktan si Yves, wala bang nararamdaman sakanya si Yufi gaya ng nararamdaman nya rito?
paglabas ng kotse, ay ngumiti ng napakatamis si Yufi. saka sya kumaway.
" babye! " * kaway kaway *
hindi na matiis ni Yves ang lahat, kaya't sya na mismo ang nakipagkita kay Hina ng palihim. matapang at matatag na noon ang loob ni Hina. nagulat si Hina ng biglang may pumasok na lalaki sakanyang silid.
" Yves? anong ginagawa mo dito? "
" hi, my beautiful future wife. " sabi nito with his cold stare. hindi gusto ni Hina ang tabas ng pananalita ng binata. para sakanya, sobrang nakakatakot ni Yves. tulad ng sinabi sakanya ni Daryl, wala sa itsura ang tunay na ugali ng isang tao. Tulad ni Yves na sobrang gwapo, hindi mo aakalaing masama pala ito.
humakbang papalapit sakanya si Yves, at umupo sa tabi niya sakanyang kama. natatakot sakanya si Hina. natatakot siya sa presensya ng lalaking ito.
" kaylan ka aalis? " tanong nito na nanlaki ang kanyang mga mata.
O_____O " anong ibig mong sabihin? "
tumayong muli si Yves na tinitigan sya ng masama.
" hinihintay ko ang pagalis ninyo ng kasintahan mo, para hindi matuloy ang kasal. kaylan? bakit hindi pa ngayon? para matapos na ang problema ko."
nainis si Hina sa sinabing iyon ni Yves, para na kasi nitong sinabing malaking problema siya sa buhay nito, kaya't ngumiti siya.
" nagkakamali ka, we broke up! alam kong ikakasal na ako, kaya ako nakipaghiwalay sakanya. hindi ako tatakas sa kasal natin. "
nagulat si Yves sa sagot na iyon ni Hina, ngunit hindi siya nagpadala sa nararamdaman niya. matatag si Yves, at marami syang plano para lang hindi matuloy ang kasal.
" ganun ba?, okay then! magkita na lang tayo sa kasal. bye! " cold na sabi niya at mabilis na umalis. mas lalo siyang kinabahan sa sinabi nito, pero hindi siya susuko! hihintayin nya pa rin ang araw ng pagalis nito.
BINABASA MO ANG
MY KILLER MAN
Teen Fictionwho's the real Killer man? the man who is ready to kill anybody, just to win my heart? or the man who wants to kill me because of his revenge. let's find out----who is the one who kill me?