Chapter 2:

5 0 0
                                        

Si dominic po yung nasa pic>>
•••••••••

Cathalie's Point of view

"W-what is it mom?" Puro kasi kalokohan to si mommy kaya kinakabahan ako sa sasabihin niya.

"Guess what? Mapopromote ang kuya mo sa trabaho niya!" Tuwang tuwa na sabi niya.

"And?"

Ano naman kasi kinalaman ko dun? Para namang napaka bigdeal na naipromote si kuya (-.-) Sa company kasi ng lolo ko siya nagtatrabaho, nasa mababang posisyon pa lang kasi siya. Anyways back to topic tayo.

"Siyempre we have to come and celebrate!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Siyempre we have to come and celebrate!"

"How come naging good news sakin yun?"

"Owww! You didn't know? Ceo ang magiging position ng kuya mo at kapag nangyari yun pwede ka niyang ipasok sa company once na mag 18th birthday kana! See? I'm so happy for the both of you!" Halata ngang masaya ka mom. HALATANG HALATA!

Pero teka. Ako? Sa company ni lolo? Ehh-

"Mom! You know naman na gusto naming magdoctor ni Xander! Anong 'good' para sakin dun?! Ayoko mom ayoko!" Pagmamaktol ko.

(>•<) Kasi napag usapan namin ni Xander na magdodoctor kami parehas once na tapos na kami sa pag-aaral kaya hindi ako pwedeng pumasok sa company ni lolo. Bata pa lang kasi pangarap na talaga ni Xander na mag Doctor kaya sumang ayon ako sa kanya, ganun ko siya kamahal (😍).

Tumingin ako kay mom at nagpaawa effect para pumayag na siyang wag na akong magtrabaho sa company. Sinabi ko na rin kasi kay mom yung tungkol sa gusto namin ni Xander.

"Pero anak, alam mo naman na gusto ng daddy mo na parehas kayong nagtatrabaho ng kuya mo sa company. Also, you can help your brother to manage your lolo's company and make him be proud of you. Hindi pa naman ako sumasang ayon sa gusto niyo ni Xander diba? Siguro naman maiintindihan niya yun kasi napakabait niyang bata."

"But mom, paano naman ako? Eh wala nga akong kainte-interes sa pag mamanage ng company. Kaya naman siguro ni kuya Dominic yun."

"It's up to your dad sweety, you know i can't do anything about it." Tama nga naman si mommy. Wala siyang-- no, wala kaming magagawa pag si dad na ang nagsabi. But i have to talk to him about this. I love Xander at gagawin ko ang lahat para sa kanya.

Nagpaalam na ako kay mommy na aakyat na ako sa kwarto. Pag akyat ko nakasunod pala sakin si Roscoe at pinapasok siya sa room ko. Humiga na ako sa kama, tumabi sakin si roscoe. Naisip ko bigla si Xander. Paano ko ba to sasabihin sa kanya? Baka magalit siya at iwan ako. Hindi. Hindi niya magagawa yun. Mahal niya ako at ramdam ko yun.

Alam ko naman na hindi ako iiwan ni Xander eh. Hindi rin naman siya marunong mambabae, ni minsan hindi niya pinaramdam sakin ang 'selos' kasi pag nakita niyang may lalapit sa kanyang babae lalayo kaagad siya at aakbayan ako. He's so sweet and caring kaya araw araw nadadagdagan ang pagmamahal ko sa kaniya.

Na sa sobrang lalim sa tingin ko hindi ko kayang mawala siya at hindi ko yun matatanggap.

Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako sa sobrang pag iisip.

Zzzzz Zzzz Zzz Zz Z

KINABUKASAN|>>

Pababa na ako ng hagdan at sinalubong ako ni Xander. Nakahanda na ako bago pa man siya dumating. Lagi niya akong hatid sundo kaya naman pagdadating kami sa school lagi kaming tinutukso. Nasanay na rin ako sa ganitong sitwasyon, wala pa namng kasi kaming isang taong mag boyfriend eh kaya medyo nasasanay pa lang ako.

"Huy! Tulala ka diyan?" Nabalik lang ako sa ulirat ng magsalita si Xander. Di ko alam nag lakbay nanaman pala isip ko.

"May inisip lang. Let's go?"

"Paalam lang tayo sa mommy at daddy mo"

Pumunta kaming kusina dahil andun sila. Naabutan namin silang nag-uusap pero mukhang hindi sila nagkakaintindihan. Hindi nga rin nila kami napansin eh. Kaya tumikhim ako para mapunta atensyon nila saamin.

"*Ehem* Mom, Dad we have to go"

"Yes tita and tito, kailangan na naming umalis" sabi ni Xander.

"Okay sweety take care. You too Xander and drive safely ok" sabi ni mom habang nakikipag beso sakin tas kay Xander.

Si Dad naman tumango lang samin at pinagpatuloy ang pagkain. Hindi kami masyadong close ni Daddy napaka tahimik niya kasi. Si mommy nga lang ang nakakapag utos diyan eh.

Naglakad na kami palabas ng bahay at dumiretso sa sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya napangiti naman ako. Napakagentleman kasi haha.

~•~

MOORIM UNIVERSITY

Nakababa na kami ng sasakyan ni Xander at andami nanaman niyang fans na nagbubulungan. Karamihan ay natutuwa sa relationship namin pero meron pa rin talagang iba na naiinsecure sakin, samin.

Hindi ko na lang sila pinansin at naglakad na kami sa corridor. Napapangiti ako tuwing titingin ako kay Xander. Bitbit niya kasi yung bag ko at nakaholding hands pa kami habang naglalakad. Boyfriend na boyfriend ang dating niya diba? Hahaha.

Diko namalayan nasa room na kami. Binigay sakin ni Xander yung bag ko at kiniss niya ako sa cheeks.

"I'll see you later hon" nakangiti niyang sabi.

"Ok. Pumunta kana sa room mo baka malate ka pa. Iloveyou hon"

"I love you more. Bye then"

Kumaway ako sa kanya habang paalis na siya. Biglang lumapit sakin yung kaibigan ko na si Riley.

"Ang sweet niyo talaga ni Xander. Yieeee!" Natatawa ako sa itsura niya. Kahit kelan talaga ang lakas nito mang asar.

"Parang di ka naman nasanay Riley. Eh araw araw naman silang ganyan hahaha!" Sabi ni johan yung kaibigan kong lalaki. Isa pa to eh, bagay na bagay talaga sila. Psh!

"Ewan ko sa inyo" tinalikuran ko na sila bago pa nila ako maasar.

Maya maya rin dumating na yung Teacher kaya nagsi ayos na kami ng upo.

Discuss

Discuss

Next sub

Discuss

Discuss

Vacant

~•~

CANTEEN|>>

Kasabay kong naglalakad si Xander papasok ng canteen. Kasabay namin siya palagi maglunch wala rin naman kasi siyang gaanong kaibigan kaya samin na lang siya sumasabay. Nung bago niya ako ligawan meron siyang dalawang kasa kasama pero di naman daw sila ganoon kaclose kaya nung naging kami samin na lang siya sumama. Ok lang naman daw sa dalawa niyang kaibigan eh.

Naglalunch kami ng may tumawag kay Xander kaya nag excuse siya na sasagutin niya lang daw yung tawag.

Pag balik niya parang lutang siya pero ng mapansin niyang nakatingin ako ay ngumiti siya sakin. Nginitian ko na lang din siya at pinagpatuloy yung pagkain.

'Pakiramdam ko may di siya sinasabi sakin'


Itutuloy.....

~•~

AN/: pahelp naman po hindi ko po alam paano maglagay ng cast. Pakicomment na lang po thank youuu~~~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Every Inch Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon