Third Person's POV
Gabing gabi na, tahimik at madilim na ang paligid , nasa school parin si Laura.
Habang naglalakad ito sa Hallway. Pauwi na, may narinig siyang hindi kanais nais.
"Hoooooooo!" sipol ng isang lakaki.Agad na napatingin si Laura sa kanyang likuran.
"M--may tao ba diyan?" kabado nitong sabi.
Walang sumagot kaya' t naglakad nalang muli si Laura.
"Laura Santiago, a Horven" bulalas ng isang lalaki.A horven, isang ordinaryong at mahinang uri lamang ng wizard.
Na ikinagulat ni Laura. Agad itong napaharap sa kanyang likuran. Na ikinagulat niya na may isang lalaki agad ang nasa harapan niya.
Pula at nanlilisik ang mata nito na nakatingin sa kanya.
Tatakbo palang ito ng biglang siyang sakalin ng napakahigpit na siya ay nakalutang sa kanyang tungtungan."A---ah, s--sino ka?!" bulalas nitong pautal utal dahil nauubusan na ito ng hininga.
Nanatili itong nakatingin sa kanya na para bang gusto siya nitong kainin.
Tine's POV
Naglalakad palang ako ngayon sa may gate. Nang mapansin ko na may pinagkakaguluhan ang mga estudyante dito.
Nandun sila sa may gilid ng Academy.Dahil isa akong chismosa este curios lang, lumapit din ako.
Nakisiksik ako hanggang sa makita ko yung pinagkakaguluhan nila.
"OMYGHAD!" gulat Kong sabi.Agad akong napatakip ng bibig.
Omyghad. Isang patay na babae, kulay puti nalang ang mata nito, nakanganga. At butas ang kanyang dibdib at wala na ang puso ito.
"Grabe naman ang gumawa niyan sakanya"
"Omyghad, napakademonyo ng gumawa niyan"
"Disgusting"
bulalas ng mga taong katabi ko ngayon.
Agad akong napatalikod.
Hindi ko na kaya pang tignan iyon.Naglakad na ako palayo, nang mapansin ko ang isang babae na seryosong nakatingin sa patay na babae na tila ba malalim ang iniisip.
Malayo siya at nakatago sa isang pader.Napahinto sa ako paglalakad, at nanatiling nakatingin sa babae.
Ewan ko ba, parang curios ako sakanya, may something eh.
Napatingin siya sa akin.
"Ah--eh" bulalas ko. At umiwas agad ng tinginParang Ewan, nakita niya ako. tsk.
Naglakad nalang ulit ako. Babalik na ako sa classroom.--At Classroom--
Umupo agad ako, at ako lang ang tao dito at yung lalaking nakadukmo sa lamesa niya.
Tss, lahat sila nasa baba pa, pinagkakaguluhan yung babaeng namatay."Hey!" bulalas ng lalaking kasama ko ngayon. si Peter. Tsk. Siya nanaman.
Humarap ako sakanya, dahil sa likod ko siya nakaupo.
"Oh?" iritado kong sabi. Ewan ko ba, naiirita ko na ewan sa lalaki naito.
"Tss, Aga aga ang sunget"
Aba! nagrereklamo pa.
"Tss, ano ba kasi yun ha?!" bulalas ko.
"That girl"