Umasa Ako, Kaibigan

6 1 0
                                    

Kabigan, kumusta ka?

'Yan ang una kong itatanong sayo.

Kumusta ka ngayong wala na ako?

Kumusta ka ngayong wala na tayo?

Tayo.

Nakakahiyang banggitin ang mga salitang iyan dahil iba ang pumapasok sa isipan ko.

Tayo.

Parang ginawa ang mga salitang iyan para sa mga may karelasyon, hindi para sa magkakaibigan.

Magkaibigan.

Ikaw agad ang unang naaalala ko.
Ang mga ngiti mo noong una kitang nakita.

Ang pagkislap ng iyong mga mata sa tuwing ikaw ay tumatawa.

Iyang mga mata mong tumitig sa aking kaluluwa.

Mga matang nakita ang kaloob looban ko.

Kaibigan, ako'y nangungulila sayo.
Sa mga patawa mo sa tuwing tayo ay kumakain.

Sa mga biro mo. Sa mga yakap. Sa mga tanong mong minsan ay nakakairita na.

Kaibigan, hindi ka hanggang kaibigan lang para sa akin.

Dahil sa bawat pagngiti mo ay nahuhulog ako.

Nahuhulog ng malalim, mabilis at tuloy tuloy.

Kaibigan, baka hindi na ako makaahon.

At ngayong wala ka na, gagapang ako bago makatayo.

Gagapang at masusugatan at magdurugo.

Pero makakabangon ako.

Kaibigan, kahit pagbalibaliktarin man natin ang mundo, umasa ako.

Umasa ako na ang kaibigan ay magiging ka-ibigan.

Umasa ako na sa tuwing titingin ka sa akin ay makikita mo rin ang puso ko.

Umasa ako na hindi lang ako ang umaasa.

Umasa ako na hindi ako ang maiiwan.

Umasa ako na mananatili ka.
Umasa ako na babalik ka.

Kung mabasa mo na ito, nais kong malaman mo na

Umasa ako, kaibigan.

Umaasa pa rin ako.

Mga Tulang Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon