Untitled Love Story (TAGALOG)

857 6 0
                                    


"Luke. Magpagaling ka ha?" kausap ko kay Luke na mahimbing natutulog sa hospital bed.

"K-kailan ka ba kasi magigising?"Hindi ko mapigilang maiyak sa tuwing tinatanong ko sa kanya ang mga salita na 'yon.

"S-sorry ha? K-kasalanan ko." Pinunasan ko ang luha ko at tumayo na.

"Babalikan kita, Luke." Sinulyapan ko muna si Luke bago ako tuluyang lisanin ang ospital.

I'm Zyra Aquino. Boyfriend ko si Luke---No..hindi na. At dahil 'yon sa katangahang ginawa ko.

Nakipag break ako dahil sa isang maliit na sabi sabi. Na si Luke daw ay nambababae, sobrang nasaktan ako ng mga panahon na iyon kaya wala akong nagawa kungdi putulin ang relasyon naming sa isa't isa.

Akala ko ganun lang kadali ang lahat pero nagkamali ako. Ginagabihan, nalaman kong nalunod ang kotse nya sa ilog malapit sa eskwalahan na pinapasukan ko pero hanggang ngayon hindi parin sya nagigising.

"Zyra! Gising na ba si Luke?" Nalungkot ang sistema ko.

"Hindi pa eh," sagot ko habang umiiling. Ni hindi ko nga alam kung ano ang isasagot ko sa tuwing tinatanong nila kung anong nangyare kay Luke, its either magkikibit balikat ako o nilalagpasan ko nalang sila.

Maraming sabi sabing pinerahan ko lang si Luke at nakipag break. Hello~ may sarili akong pera kaya hindi ako hihingi kay Luke. May kaya ang pamilya naming at ang pamilya ni Luke ay may connection sa eskwelahang pinapasukan naming at isa rin sya sa mga varsity player ng basketball at panlaban sa iba't ba rehiyon kaya't maraming nahuhmaling sa aking gwapo at galing ni Luke.

"Hey look who's here. The gold digger na lintang kumapit kay Luke at dahilan ng pagka aksidente nya." Hinarangan ako ng mga sikat na volleyball player na sobrang arte na wala naming utak. Ginagamit nila ang posisyon nila bilang volleyball player para makapang-landi ng mga lalaki.

"Oh ano? Bakit late ka? Pinuntahan mo nanaman ba ang EXBOYFRIEND mo?" asar sakin ni Shiela. Bilang kumulo ang dugo ko.

Siya! Siya ang dahilan kung bakit ako nakipagbreak kay Luke at ang puno't dulo ng lahat ng ito!

"Walang hiya ka!" kinaladkad ko sya ng kinaladkad habang sinasabunutan. Sumunod ang mga alipores nya at hinila rin ang buhok ko. Hindi ko namalayang nakaluhod na ako at pinagsasabunutan, pinagsisisipa ng matataas nilang heels.

Hindi ako makagalaw. Namamanhid na ang buong katawan ko dahil sa sobrang sakit.

"Tama na 'yan!" pumito ang kaibigan kong si Yasmin habang sumisiksik sa mga maraming taong nanunuod samin.

"Shiela, Maylene, Patricia! Guidance Office. NOW!" Eto ang maganda kapag may kaibigan kang vice president ng student council.

"Napaka sipsip talaga nyang babaeng 'yan! Ang dapat dyan, pinapatalsik sa school na'to!" akmang susugod ako pero isang kamay ang pumigil sakin.

"Tumigil ka na." nanlambot ako sa boses na narinig ko.

"L-luke?" paglingon ko ay hindi nga ako nagkamali. Si Luke nga!

"OMG! Gising na si Luke!" sigaw ni Shiela.

"Tara na." Hinila nya ko papunta sa likod ng school. Nagpahila nalang ako sa sobrang pagkabigla at tuliro. Huminto kami sa tapat ng puno kung saan kami laging nagkikita.

Niyakap ko sya ng mahigpit. Wala syang reaksyon sa ginawa ko pero nakatingin sya sakin.

"L-luke—" pinutol nya ko.

"You don't need to do that." Kumunot ang noo ko.

"Do what?" Tanong ko.

"What you did before. Hindi mo kailangang makipag away para sakin." Sabi nya

Compilation Of One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon