Endless Summer

578 8 24
                                    


  Endless Summer
  Umupo ako sa study area ko at kinuha ang librong matagal ko ng binabasa. I sighed.
  "Thank God summer na!" Hiyaw ng kapatid kong si Grace at nagtatatalon sa kama niya.
  "wag ka ngang maingay, nagbabasa ako o," suway ko sa kanya at pinagpatuloy ang pagbabasa. Malapit na akong matapos basahin ang volume 1 book ng Sherlock Holmes. Isa na ngayon sa mga paborito kong nobela.
  Natapos narin ang school year namin kaya eto ako ngayon, nakatunganga sa bahay habang nagbabasa ng libro. Ako kasi yung tipo ng taong mas gusto nalang mag babad sa social media, magbasa ng libro, matulog kaysa magswimming o lumabas. Iitim at mapapagod lang ako, mas okay na nandito ako sa bahay. Nagpapaputi pa man din ako.
  "Ang KJ mo talaga Sophia!" daing niya. "Hindi mo ba nafefeel yung presence ng summer?"
  Napatigil ako saglit sa pagbabasa at napaisip. Nararamdaman ko nga ba? Tumingin ako sa bintana, habang nakaupo sa upuan ko, natatanaw ko ang mga batang naglalaro sa labas ng patintero. May mga nagtitinda narin ng tig sasampung pisong halo-halo at shake, ang kapitbahay namin ay mukhang pupuntang outing.
  Nararamdaman ko ngayon? Mainit. Hindi na tulad ng dati na lagi akong naka hoodie at pajama. Ngayon naka shorts ako at maluwag na tshirt, nagsisimula nadin akong pagpawisan dahil sa napakatirit na araw ng tanghaling tapat.
  "Mainit." sagot ko.
  Narinig kong bumuntong hininga si Grace at hindi na muli pang nagsalita. Oo na k-kjhan siya sakin pero wala akong pake. Mas okay ng ganito ako kaysa sa magsayang pa ng enerhiya lumabas o magouting para lang may maipost sa Facebook at Instagram.
  Speaking of Facebook. Tinamad nakong magbasa at nawalan na ng gana, thanks to my sister. Kinuha ko ang laptop ko at nag log in sa Facebook. I love writing too, infact, may mga nasusulat akong tula at mga nobela na pinopost ko sa isang website. Marami-rami na din ang nakakabasa at nasisiyahan sa mga gawa ko, pero para sakin hindi pa. May hinahanap ako e, may hinahanap o binubuo na panlasa at storya sa isip ko pero hindi ko ito mabuo-buo. Ewan, writer's block ata tawag dito. Yung may naiisip kang story pero hindi mo mabuo o masulat.
  Pagkalog in ko, bumungad akong limang messages galing sa mga taong sumusupporta sakin na kung tawagin nila ay "fan". Pare-parehas ng mga 'yon ay nanghihingi ng update sa story ko at kung ano-ano at pano nila ako nagustuhan---bilang isang manunulat syempre.
  Tinignan ko ang mga notification, mga like, react at comment sa mga litrato ko lang ang lumalabas. Wala naman ng masyadong importante, maliban sa isang email na nagsasabing may outing ang publishing company namin.
  Nakalimutan kong sabihin, parte nga pala ako ng isang publishing house. Naisalibro na ang dalawa kong libro na halos hindi ko matapos-tapos noon.
  Binasa ko ang nakasulat sa email, outing papuntang Palawan. Hindi ko naramdamang nakikibasa narin pala ang kapatid kong si Grace, "uy~ may outing siya. Sama naman!"
  Inilayo ko sa kanya ang laptop, binuhat ko ito papunta sa kama. "Ilang araw daw kayo sa Palawan?" Tanong ni Grace.
  "Two days. May photoshoot kasi para don sa magazine na ilalabas ng publishing namin," sagot ko, at tumango naman siya.
  Binasa ko ang nakasulat sa invitation, apat na authors ang dadalo. Tumingin ako sa page ng publishing at nakita kong pinost na nila ang announcement na pupunta kaming Palawan, may mini book signing din kasing magaganap don sa loob ng resort.
  Kakilala ko ang ibang author na kasama sa event. Nagbasa ako sa comment box, maraming nagluluksa dahil hindi sila makakapunta at marami ding natuwa dahil makikita na nila ang mga paborito nilang manunulat. Pero may isang bukang bibig ang mga tao sa comment box, Black. Who's he?
  Binalikan ko ang listahan ng mga dadalo. Another author has been included, sa sobrang tagal kong busy sa studies dahil graduating nako, hindi ko namalayang maraming author na pala ang nadagdag sa publishing house namin. Sa May ako gragraduate. Pinili kong kurso ang Fine Arts dahil simula pa nung bata ako, magaling na daw ako gumuhit at magpinta.
  Isang linggo pagkatapos ng outing namin ang graduation namin, buti nga e, para makapag handa pako ng susuotin at makahanap pako ng makeup artist.
  May kumatok sa pintuan namin, tumingin ako kay Grace na s'yang nagbukas ng pinto. Bumungad samin si Mama na may dalang dalawang cup ng Halo-Halo. "Kain muna kayo, oh ba't di niyo binubuksan yung aircon ay 'kay init o," suway ni Mama samin at nilapag ang dalawang halo-halo sa study table ko.
  Akmang bubuksan niya yung aircon pero umangal ako, "Ma okay lang na sa tuwing gabi lang kami nag aaircon, hindi naman masyado mainit."
  "O sya, kainin niyo muna tong halo-halong binili ko kayna Belen, masarap yan! O sige na maglalaba pako't tambak ang labahin," tumango ako at hiningi kay Grace ang isang cup ng halo-halo. Ito ata yung special version dahil sobrang daming sangkap, yung mga usual na sangkap sa halo-halo na mas pinarami lang.
  Muli kong ibinaling ang tingin ko sa laptop habang naghahalo ng halo-halo, binasa ko ang email sakin ng publishing na sagot na nila lahat ng gastusin maliban sa mga pambili ng mga pasalubong. Inilapag ko muna sa lamesa ang pagkain ko tsaka sila nireplayan na pumapayag ako sa offer nila. Pagkatapos kong masend, naglabas na ata ng confirmation ang publishing namin ng mga author na dadalo kaya nag iingay na ang mga fans. Sa totoo lang, ayoko naman talagang sumama, pero alang-alang sa mga gusto akong makita, sasama ako. Opportunity natin kasi 'to para mapasalamatan sila sa pagsupporta sakin.
  Panay talaga sila banggit ng pangalang "Black", to be honest medyo nakokornihan ako sa codename niya---ay wow nahiya yung codename kong "PinkStrawberry"
  Yes, I love Pink. Kung pwede ko lang gawing pink ang buong kwarto ko ay ginawa ko na. Pero si Grace kasi, mahilig sa berde. Kaya napagdesisyunan nalang namin na puti nalang ang kulay ng kwarto namin.
  Nakalimutan kong sabihan si Mama tungkol sa magiging lakad ko. Kaya nang magabihan agad akong bumaba upang kumain.
  "O buti hindi na kita kailangang tawagin para kumain," giit ni Mama nang makita niya ako sa kusina. May kalakihan din naman ang kusina namin dahil doon narin ang mismong dining area namin.
  Lagi kasi akong humuhuli sa pagkain dahil marami akong ineedit na manuscript. Kaya katakang-taka na maaga ako kakain ngayon.
  "Nagutom po kasi agad ako. Tsaka nga pala ma, may outing po yung publishing house namin next week sa Palawan, sagot naman na nila pamasahe maliban nalang kung bibili ka ng pasalubong o may isasama ka..." Nilapag ni Mama ang ulam naming Caldereta sa lamesa at tinawag na si Grace na nasa sala tsaka siya sumagot
  Hindi na namin hinihintay na dumating si Papa dahil lagi itong gabi umuuwi galing sa mahabang biyahe.
  "Ganun ba, o edi isama mo si Grace para naman hindi siya laging nasa kwarto..." Agad namang tumutol si Grace, "Ayoko nga, Ma! Ma oout of place lang ako sa kanila, dito nalang ako."
  Nagkibit balikat nalang ako, sounds good para wala akong babantayan habang abala ako.
  "O sya, bibigyan nalang kita ng pampasalubong mo, mag ingat ka nalang. Tara na't magdasal muna..." umupo na kami lahat para sa panalangin bago kumain. Lagi namin itong ginagawa upang mapanatili ang tradisyon ng pamilyang pinoy.
  ---
  "Ate Strawberry! Waaah!"
  "Kuya Zed! Kaway naman po!"
  Para kaming mga artistang inaabangan ng mga fans sa airport. Ngumiti lang ako sa mga tumatawag ng username or codename ko. Kung ako ang papipiliin, ayaw ko ng ganitong buhay kungdi lang dahil sa ambisyon kong maisalibro ang aking mga sinulat.
  Wala akong magawa kungdi ngumiti lamang bilang tugon dahil sa hiya. Pumasok kami sa waiting area ng matiwasay at don narin natapos ang gulo sa labas.
  Hanggang ngayon nagtataka padin ako kung sino si Black. Wala naman akong naririnig na tumatawag sa kanya at wala ng ibang lalaki dito maliban kay Zed.
  "Kamusta biyahe?" Tanong ni Zed nang bigla siyang tumabi sakin sa waiting area. Ang pub na namin ang nag aayos sa lahat, maghihintay nalang kami.
  "Okay lang. Medyo nakakahilo kasi malayo-layo ang airport samin." Sagot ko.
  "Pink!" Agad akong napalingon nang marinig kong may tumawag sa 'codename' ko.
  "Cha! Nahuli ka?" Tanong ko. Nagmamadali naman siyang lumapit sakin at sinalubong ako ng yakap.
  "Oo e. Alam mo na, strict si boyfie hihi." Anito habang kinikilig. Agad namang sumabat si Zed.
  "Sus niloloko ka lang nyan!" Giit nito.
  "Palibhasa kasi wala kang lovelife!" Bira ni Cha.
  "Oh tama na yan," pigil ko sa kanilang dalawa.
  Biglang pumasok sa isipan ko na bakit hindi ko itanong sa kanila kung kilala nila si Black. Ewan, nacucurious talaga ako sa kanya.
  "Guys kilala niyo ba si Black? Yung kasama natin," tanong ko.
  "Ah! Si Black. Ikaw ha type mo siguro no? Pogi yun, reto kita?" Hinampas ko siya ng malakas sa braso. Napahawak naman siya sa braso niya.
  "Aba bes masakit ha. E totoo naman kasi, pogi nun! Kung wala lang akong shota---" biglang tinakpan ni Zed ang bibig niya sabay duro sa may entrance. Isang lalaking naka black mask, simpleng white round neck shirt at tokongs. Kahit na pinag-guguluhan siya, parang wala itong nakikitang kalmado lang na dumaan sa entrance ng airport habang may hawak na isang black na maleta.
  "Ang snob naman neto." Sabi ko saking isipan. Ngunit nang biglang magtama ang tingin namin, pakiramdam ko tumigil ang paligid. Ang inakala akong masungit ay ngumiti sa ilalim ng mask na suot niya habang nakatingin sakin. Ang pagsingkit ng kanyang mga mata'y aking napansin.
  Natauhan ako nang makalapit siya samin. Binati niya si Cha at Zed. Nang ako naman ang tinignan niya, tinanggal niya ang mask na suot niya at nagpakilala.
  "Hi, ako nga pala si Black. Zander and real name ko," nakangiti siya habang sinasabi ang mga katagang yon.
  Bigla akong natulala. Ang matangos na ilong, maputing balat, matangkad at mapupulang labi ang napansin ko sa kanya. His smile makes any girls fall in love with him.
  Pero pinilit kong alisin ang mga naiisip ko tungkol sa kanya. What were you thinking Sofia? What's happening to you?
  "Uhm...P-pink. Sofia nalang. Bago ka pala dito?" Ngumiti ulit siya bago sumagot.
  "Oo. Sorry nga pala guys kung nalate ako, may inasikaso lang." Paliwanag nito samin.
  Nag paalam siyang lalapit sa team leader ng pub namin para ihabol yung kanya. Ilang minuto nalang kasi ay makaka akyat na kami sa eroplano.
  Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala ulit si Cha. "Ikaw ha, na starstruck ka kay Zander. Sabi sayo pogi e!" Asar nito sakin na agad ko namang dineny.
  "Hindi ha. Masyado ko kasi siyang nahusgahan nung una," paliwanag ko.
  "Sinong hinusgahan?" Nabitawan ko ang maleta ko sa gulat. Buti nalang at inalalayan ni Zed.
  Nasa likod na pala namin si Zander.
  "Wala naman..." si Cha na ang sumagot.
  "Kanina ko pa napapansin ha, bat di kaya tayo umupo ano?" Natawa nalang kami at pumunta sa mga upuan ng waiting area pero may problema...
  "Tatlo nalang upuan..." banggit ni Zed. "Pwede bang maupo ako? Kanina pa kasi masakit paa ko." Tumango ako.
  Umupo naman si Cha sa tabi ni Zed at kami nalang ni Zander ang natirang nakatayo.
  "Uhm ikaw na umupo, okay lang ako." Giit ko sa kanya.
  "Hindi ikaw na, matagal akong naka upo sa Taxi kanina." Kailan ba niya tatanggalin yung ngiti sa labi niya? Hindi ba siya nangangalay?
  Uupo na sana ako pero bigla kaming tinawag ng team leader na papasok na daw kami sa eroplano.
  Pagdating sa eroplano, sumalubong agad sakin ang lamig. Katabi ko si Cha sa upuan na agad ng nauna sa pwesto malapit sa bintana.
  "Cha, sino nag taas ng maleta mo?" Tanong ko.
  "Ay si Zed. Kaso malayo seat niya e. Zander! Pabuhat naman nung maleta ni Sofia oh." Pinanlakihan ko ng mata si Cha. Nakakahiya!
  Naramdaman ko ang presensya niya sa likod ko. Inangat niya ang maleta ko ang nilagay sa taas.
  "Thanks."
  "No problem," Sagot niya. "Ang daya naman, kaming dalawa lang ni Zed ang nalayo."
  Ngumiti lang ako at umupo na sa tabi ni Cha. Matutulog ako kahit saglit lang biyahe.
  Mula sa airport, nag taxi kami papuntang beach resort na gaganapan nung booksigning at photoshoot. Wala akong balak lumangoy kaya hindi ako nagdala ng swimsuit.
  Si Zander rin ang nagbaba ng maleta ko kanina. Nagkusa na siya kasi...ewan ko? Siguro alam niyang siya ulit uutusan ni Cha.
  Magkatabi lang ang hotel room namin apat. Magkasama kami ni Cha at Si Zan naman kasama si Zed. Ay wow parang kambal.
  May dalawang oras lang kami para magpahinga kasi mamayang 3 to 5 ang book signing.
  "Gutom ka na?" Tanong ni Cha at humiga sa kama. "Ang lambot!"
  "Not yet matutulog muna ako." Sagot ko at humiga nadin sa malambot na kama.
  "Okay goodnight." Hindi nako nakasagot nang muling pumikit ang mga mata ko.
  Marami-rami ang pumunta sa book signing. Sa sea side ang book signing, hindi masyadong mahangin kaya okay lang.
  Nagsuot nalang ako ng simpleng medyo lose white t-shirt at shorts. Nag tsinelas nalang ako kasi mabubuhaginan lang kung sneakers gagamitin ko.
  Kasalukuyan nakong nakaupo sa pwesto ko. Bale alternate na girl boy ang pwesto namin, ang nakakagulat lang, katabi ko si Zander sa upuan.
  Nang magsimula ang book signing, maraming nagbigay ng mga munting regalo. Medyo nakakahiya nga e, sana hindi na sila nag abala pa.
  Dagdagan mo pa ang pagkailang ko dahil katabi ko si Zander. Bakit ba ako naiilang? Ano bang nangyayari sakin?
  Makalipas ng isang oras ng pagpirma ng libro at pangiti sa camera. Nakaramdam ako ng pagkagutom, pagkangalay ng panga at kamay.
  Tinago ko muna ang kamay ko sa ilalim ng lamesa at minasahe ko ang kamay ko saglit.
  "You okay?" Nilingon ko si Zander. Nakatingin siya sa kamay ko habang nagtatanong.
  "Y-yeah. Medyo masakit lang kamay." Sagot ko.
  "Bayaan mo malapit na matapos. Kaya mo yan, kahit ako din nangangalay na. Nagugutom na ako~" mahinang reklamo niya sakin.
  Bahagya akong natawa sa ekspresyon niya. Cute.
  "Maraming salamat sa pagpunta at sa mga bumili ng libro. Maraming salamat sa walang humpay na pagsupporta sa'min." Ako na ang nagsalita sa mic dahil pati sina Cha ay pagod na din.
  Biglang inagaw ni Zander ang mic mula sakin at inakbayan ako. "Bye guys! See you again. Nagugutom na kami e hehehe," nagulat din si Cha sa ginawa ni Zander.
  Agad namang inakbayan din ni Zed si Cha para magmukhang normal lang sa mga tao.
  I was shocked and frozen. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. What is he doing?
  "Tara kain na tayo!" Masayang giit niya at nauna ng umalis ng tent na parang walang nangyari.
  Bigla namang naging suspicious ang tingin ni Cha at Zed. "Ikaw ha~ may hindi ka sinasabi sakin."
  "W-wala ha!" Deny ko.
  "Na love at first sight ata kayo sa isa't isa. Hihihihi! In love ka ata te!" Nagulat ako. Ako in love? No. It can't be. Masasaktan lang ako.
  Tumalikod agad ako at binitbitbang mga niregalo sakin. Umalis ako ng tent na may malalim na iniisip.
  Hindi naman ganon ka-bilis ma-in love ang tao diba? I don't believe in love at first sight. Hindi ako pwede magkagusto sa isang taong kakakilala ko lang.
  Agad nakong dumiretso sa canteen at hinanap ang table namin. Nandon din ang ibang team sa ibang table na binati ako. Binati ko naman sila pabalik.
  "Sophia!" Lumingon ako sa tumawag sakin, nakita ko si Zander na kumakaway habang nakangiti. Nakayuko akong naglakad papunta sa kanya, buti nalang dumating nadin sina Cha.
  Kinabukasan, maaga kaming nagising para sa photoshoot. Sa isang cottage at seaside gaganapin ang photoshoot.
  "By partner ang gagawin at tag iisang solo." Giit ng photographer. Bigla nanaman akong kinabahan, may tendency kasing kami ni Zander ang partner.
  Tama nga ang hinala ko, sinabi ng photographer na bagay daw kami---na partner sa photoshoot---kaya naghanda na kami.
  Nauna ang solo, iba't ibang pose ang pinagawa samin. Nang si Zander na, nakitaan ko siya ng galing sa pagmomodel. Ang galing...nakakahanga.
  "By partner na!" Anunsyo ng photographer.
  Minsan nga iniisip ko baka siniset up na kami dito pero I want to act professional. Trabaho lang to, no feelings attached.
  "Hi."
  Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko nang batiin niya ko.
  "H-hello." Sagot ko habang nakatingin kayna Cha at Zed na nagp-photoshoot.
  Nakasuot ako ng isang white off shoulder dress na maikli lang at may kasamang puting flower crown sa ulo ko. Kinulot din nila ang buhok ko.
  "Tara na daw." Nakangiti niyang sabi saakin. Tumango nalang ako at sumunod sa kanya.
  "So bale ganito ang scenario, magkatabi kayo habang hawak ang libro na to. You two must be sweet pero hindi yung over, okay?" Kahit na kinakabahan, tinanggap ko padin yung libro at pumunta na sa pwesto.
  Lumapit naman si Zander sakin. Sobrang lapit. Binuklat ko ang libro at ifinocus ang sarili sa imaheng nasa loob ng libro.
  "Hi."
  Bigla akong nawala sa focus at napatingin sa kanya. He's looking at the book. Napatitig ako sa mukha niya at hindi mapigilan ang nararamdaman.
  Why am I stopping myself to fall?
  Bakit hindi ko maamin sa sarili kong nagugustuhan ko na siya?
  "Perfect shot! Next." Narinig kong giit ng photographer.
  Nagulat ako ng bigla siyang tumingin sa mga mata ko. Para akong nakuryente sa tingin niya at naparalisa ako.
  "Perfect! Para kayong totoong magshota."
  "You're cute..." giit niya. Bigla akong napangiti at natawa. Narinig ko ang pagflash ng camera.
  At don na natapos ang photoshoot.
  Binigyan kami ng isang oras para makabili ng pasalubong. Konti lang ang space sa maleta ko kaya nga tshirt at keychain lang ang binili ko.
  Habang naglalakad kami nina Cha, Zed at Zander sa bayan. Humiwalay muna si Cha at Zed dahil bibili daw ng pagkain.
  At biglang bumalik sa pagka awkward ang lahat, pinipilit kong hindi siya kausap kung sakali.
  Mula kasi nang matapos ang photoshoot kanina. I've realize one thing.
  I like him. Yes. I really do.
  Pinipigilan kong hindi kiligin habang naglalakad kami sa bayan. Tumingin -tingin ako sa paligid. Mga samut-saring keychain, mugs, at t-shirt ang binibenta pang souvenir.
  I can't take the silence. Kaya nagtanong ako, "wala ka bang bibilhin?"
  "Meron bang couple shirt na binibenta dito?" Tanong niya habang nakangiti. Bumilis nanaman ang tibol ng puso ko at namula.
  "U-uhm..banda roon meron nakita ko." Turo ko sa bandang kanang bahagi ng bayan.
  "Sige. Tara!" He holds my wrist at hinila ako. Hindi ko na mapigilan ang kilig na nararamdaman, bigla akong napangiti. Para saamin ba ang couple shirt na bibilhin niya?
  Pagkarating namin don ay nilibot niya ang mata sa paligid.
  "Sofia. Anong magandang kulay?" Tanong nito saakin.
  Tinago ko ang ngiti sa labi at nagkunwaring kalmado. "M-maganda siguro kung pink...kung okay lang naman hehe."
  Nag isip si Zander bago sumagot. "Oo tama. Paborito niya yung color pink."
  Bigla akong namula sa sinabi niya. Ako nga! Ako nga ang tinutukoy niya!
  Pagkatapos niyang makabili, napagdesisyunan na naming umuwi. Nakakapagtaka lang kasi hanggang ngayon hindi padin binibigay sakin ni Zander yung couple shirt. Siguro mamaya bago umuwi.
  Nang madaanan na namin ang seaside, huminto muna ako at hinarap siya.
  "Hindi mo pa ba ibibigay sakin yan?" Tanong ko.
  Kumunot ang noo ni Zander. "H-ha?"
  Tumunog ang cellphone ni Zander at nagsabi sakin na saglit lang.
  "Hello babe?" Gumuho ang mundo ko sa narinig. Babe? So it means...
  Tumingin ako sa hawak niyang plastic bag. Hindi para sakin ang couple shirt na yon.
  "Yes pauwi na kami this evening. Babe may ipapakilala nga pala ako sayo.." rinig kong sabi ni Zander sa telepono.
  Lumapit siya sakin habang tulala ako. So...I just assumed? Pero pano lahat nung ginawa niya? Yung akbay, ngiti, tingin...nahulog ba ako sa isang patibong?
  "Sofia! Eto nga pala si Olivia, girlfriend ko. Babe si Sofia, co-writer ko. Tropa namin nina Zed." Naka ambang ibibigay sakin ni Zander yung phone pero lumayo agad ako at naglakad palayo.
  "Wait babe kailangan na naming bumalik ng hotel. Bye, I love you." Paalam nito. Naramdaman ko ang presensya niya papalapit. Hinila niya ang kamay ko at iniharap saakin.
  "Hey may problema ba?" Tanong niya.
  "M-may girlfriend ka na pala.."
  "Yes. She's Olivia. Ipapakausap ko nga sana siya sayo---"
  "I like you."
  Napatigil siya, "h-ha?"
  I sighed, "wala ka na bang masabi kung di puro 'ha'? Nag assume ako. A-akala ko gusto mo ko."
  "I-I'm sorry...I'm just being nice."
  "Pero babae ako Zander at yung ginagawa mo ay hindi basta-basta lang pakikipagkaibigan sa harap ko at sa mata ng iba."
  "Sorry...I didn't mean it. P-pwede naman sigurong friends padin tayo... May girlfriend ako at mahal ko siya."
  Hindi na ako muling nagsalita at tinalikuran siya...habang lumuluha.
  Sinasabi ko na nga ba. Love at first sight isn't true. Siguro sakin gumana, pero sa kanya? Binigyan ko ng malisya lahat ng galaw niya.
  Or baka kaya ako nag assume na gusto niya ako kasi gusto ko siya? Pero huli na ang lahat para sa mga katanungang yan.
  I'm already hurt. I can't blame him, ako naman kasi 'tong binigyan ng kahulugan lahat.
  And now, this is your consequence Sofia.
  "Let's welcome, Pink!" The audience clapped. Humugot ako ng isang buntong-hininga bago lumabas sa stage na may ngiti sa labi.
  Lumapit ako sa interviewer at nakipagbeso kahit hindi ko siya kilala.
  "Hello Pink! How are you? Take a sit." Bati nito sakin.
  "I'm fine. How are you? It seems like you guys are having fun." Balik kong tanong sa kanilang lahat at umupo sa couch havang naka plaster padin ang ngiti sa labi.
  "What are we waiting for? Let's start!" Masiglang giit ng interviewer.
  "Last week, napublish na ang kauna-unahang romance slash tragic story ni Pink na may pamagat na Endless Summer. Oh Pink, I'm really a fan of yours, I'm reading your stories!" Napangiti ako at bahagyang natawa.
  "Thank you for supporting me."
  "So where did you get the idea of Endless Summer?" The interviewer asked.
  It was a year since that Palawan outing happened. I must say, I did my best to get over him and that's how my novel "Endless Summer" created like magic. I used to write fantasy novels but in this case, I think I'm already into Romance slash Tragic.
  I'm now doing a public interview here at a mall near the airport. Ako ang pangalawa sa dulong iinterviewhin. And if you're wondering where's...Zander. He quits writing a few months ago. I don't know the reason why he stops. I want to ask him pero hindi ko ginawa because I think its none of my business anymore.
  "To be honest it was a true to life story," I answered that made the interviewer and audience scoffed.
  "Oh really? Sounds so tragic. Kasi kahit ako nabasa ko na din yung story and it is so sad na, alam niyo yun? Nagmahal, umasa, nasaktan." The interviewer said that made audience nod.
  "Can you tell the viewers from Facebook live and here at the atrium what's the plot of the story?" I smiled and started.
  "Endless Summer is all about a girl named Sofia who met her co-writer Zander on an outing. They became friends and they we're together along the whole trip. Sofia assumed that Zander likes her but in the end of their trip, Zander introduced her girlfriend Olivia to Sofia." I paused. Medyo mabigat din kasi sa damdaming binabalikan ko ang mga alaaala dati.
  "Oh my gosh. That's the most tragic part there..." malungkot na comment ng interviewer.
  I continue, "Sofia...didn't give up. She still confessed her feelings upon him even though she knows that she will be rejected. And there's a possibility that their friendship will over. But her hunches are wrong, their friendship didn't end. Sinabi ni Zander na hanggang magkaibigan nalang sila dahil may girlfriend siya at mahal na mahal niya ito..." humugot ako ng isang buntong hininga.
  "So that's the end of your story right? It was an open ending." The interviewer asked. Umiling ako at pinagpatuloy ang storyang ang mga nakasaksi lang ang may alam.
  "She ended up broken. After a few months, she felt depressed because it's her first time being in love. It was like an endless summer because even though it's October, she can still feel the pain in the past." I paused again and looked and the audience. Even the interview is also confused because what I'm narrating now are not already part of my story. But still I want to continue it and they're just listening.
  "She decided to write down all the things happened on her summer. On how she felt the two feelings she hates the most: the feeling being in love and hurt." I lip bite. Sa tuwing naalala ko ang mga pangyayari, medyo nakakalungkot.
  "And now, the girl named Sophia is telling the whole audience how she fell in love with a person who can't ever be her's." Sabay-sabay na nagulat ang audience. They both scoffed and their eyes widened.
  They clapped and praise my piece. The interviewer are saying some things but I didn't have a chance to listen her comments.
  Dahil pagkatapos kong magsalita ay siya agad ang hinanap ng mga mata ko. I found him looking at me, smiling. "I'm so proud of you" he mouted.
  I mouted, "thank you."
  Yes, thank you because without him, without the feelings I've felt, without the pain, I wasn't able to create a piece dedicated to him.
  And thank you, that he's still accepting me.
  Bumaba na ako sa stage after ng interview. Agad ko siyang nilapitan, nahihiya akong tumingin sa kanya. But still, his face didn't change, he's still smiling, the way he used before.
  "Zan--" I wasn't able to start the conversation dahil may tumawag sa kanya. Ofcourse, it was his girlfriend Olivia.
  "Oh! It's nice to see you here, Sophia." niyakap niya ako ng mahigpit then she let go.
  "Yeah, I had a conference a few minutes ago." I answered and smiled.
  May biglang umakbay sakin, at nang tignan ko siya, I smiled.
  "Namiss kita, Sophia ko." I smiled as I've felt the kilig inside me.
  He's my boyfriend, Luis.
  "Hey bro," Zander and Luis do a brofist, and greeted each other.
  Yes, I was hurt before but you must not be swallowed by the pain. And now, the endless summer is over.
 

 

Compilation Of One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon