Letting You Go

918 7 1
                                    

  I am not the kind of person whose willing to sacrifice and to let go.
  Kapag may gusto ako, pinaghihirapan ko hanggang sa makuha ko.
  But things are easily to get than a person.
  Hindi mo nga naman talaga maihahalin-tulad ang gamit sa tao. Ang gamit pansamantalang kasiyahan at pangangailangan lang. Pero ang pag-ibig at atensyon ng isang tao ay mahirap mahigitan ng kahit na sinuman.
  At yun din ang pinakamahirap makuha.
  Ika-nga nila, hindi mo naman kailangan na magmaka-awa para sa pagmamahal at atensyon ng isang tao.
  Kasi balang araw, darating din ang taong magmamahal sayo ng sobra.
  Pero hindi lahat ng dumadating ay pag-ibig ang dala. Maaring sakit, luha, o di naman kaya mga alaalang hindi mo malilimutan.
  Hindi rin lahat ng dadating romansang pagmamahal ang ibibigay...
  Ika-siyam na baitang nang makilala ko ang lalaking unang nagpatibok ng puso ko.
  Hindi ako lapitin sa lalaki sapagkat masungit raw ako. Laging seryoso ang mukha at tahimik lang sa isang sulok.
  Pero kahit na ganon ang tingin nilang lahat sa akin, may isang nag lakas-loob na lapitan ako.
  Si Benedict. Siguro nga malabo mata mo para mapansin sobrang sungit ko naman talaga tignan.
  Singkit ang mga mata, matabang pisngi at pangangatawan.
  Prone din kasi ako sa bully kaya siguro walang gustong maging kaibigan ako.
  Hindi kagwapuhan si Benedict ngunit may mabuti siyang kalooban. Hindi siya tulad ng iba.
  Kaya nga siguro nagustuhan ko siya.
  Nilihim ko panandalian ang nararamdaman ko sapagkat natatakot ako na bigla mo akong layuan. Sinuportahan kita sa lahat ng nililigawan mo hanggang sa matapos ang taon...
  Matapos ang high school...
  At nang tumuntong ng kolehiyo...
  Sinubukan kong umamin. Naglakas loob ako dahil ayaw ko na. Ayaw ko ng lagi nalang ako nasa tabi, ayaw ko ng lagi nalang akong taga suporta sayo, ayaw ko na ding hanggang magkaibigan nalang tayo.
  Pero may mga kataga kang sinabi na sobra akong dinamdam at binuhusan ng luha.
  Hanggang sa lubusan ko nang naintindihan lahat...
  Mula sa malayo ay umupo ako sa damuhan kung saan pwede ko kayong matanaw at pinagmasdan kayong dalawa. Nakita kitang nilapitan siya at hinalikan sa pisngi. Ngumiti ka at tinitigan siya sa mata, may mga sinasabi kang mga kataga na lumalabas sa'yong mga bibig ngunit hindi ko ito maintindihan. At ayaw ko ring marinig.
  Nakita kong inabutan mo pa siya ng rosas kasama ng isang kahon na punong puno ng tsokolate. Gulat ka n'yang tinignan at hinagkan kasabay ng mga tilian at hiyawan ng iba pang mga studyante na nakapalibot sa inyo, halos hindi ko na kayo makita sa sobrang dami ng tao na gustong masaksihan kung paano mo tanungin ang babaeng 'yon kung pwede na bang maging kayo.
  Kahit na rumarami lalo ang mga tao ay pinilit ko kayong silipin upang mapanood pero huli na ata ako dahil nag hiyawan ulit ang mga tao at nakita ko na kayong magkayakap. Oo ang sagot niya.
  Napako ako sa kinakatayuan ko nang makita kong naka tingin ka sakin habang kumakaway mula sa malayo. Naka ngiti ka sakin na para bang ipinapahiwatig na nagtagumpay siya sa plano niya habang akbay akbay ang shota mo.
  Labag man sa loob ko, pinilit kong kawayan ka at ngitian ka pabalik. Sumenyas ka na aalis na kayo ng shota mo kaya tumango nalang ako. Pinanood ko lang kayong naglalakad papalayo habang magkahawak ang kamay.
  Mahal kita pero mas pinili kong tanggapin kaysa ipagsiksikan ang sarili. Para san pa? Para maging dahilan ng pagkakalayo natin sa isa't isa? Mag kaibigan na nga lang tayo, mawawala ka pa sakin. Hindi ko 'yon kakayanin.
  "I'm just your best friend, at hindi na hihigit pa don. Ayaw kong masira ang pagkakaibigan natin," Sabi mo saakin dati. Masakit pero pinilit kong mag kunwaring wala akong pake sa lahat ng mga pinagsasabi mo at nanaliti sa tabi mo bilang kaibigan mo kahit mas lalong tumatagal ay mas lalong lumalalim ang pag tingin ko sa'yo.
  Pero ganito naman talaga kapag nagmamahal ka diba? Kung talagang mahal mo siya, kaya mong mag sakripisyo para sa ikakasaya niya.
  Kaya eto ako ngayon, nasa lugar kung saan ako nararapat. Kung saan hindi na ako pwede pang lumagpas sa linya. Kung dati ay malalapitan at makakasama pa kita ng matagal, ngayo'y di ko na magagawa pa.
  Pinanood kitang mahulog sa iba. Pinanood at hinayaan ko lang 'yon at walang ginawang paraan. Wala akong magawa e. Mahal mo siya at ako kaibigan mo lang. Kahit masakit ay hinayaan ko ang iba na mahulog rin sayo. I just watched my best friend fall for someone else dahil wala naman akong maipaglalaban at karapatan upang ipaglaban siya. Isa lang akong kaibigan para sa kanya.
  Pumikit ako at dinamdam ang simoy ng hangin. Kahit tirik ang araw ay sobrang lamig at presko padin sa pakiramdam ng hangin.
  Hindi man pag-ibig na aking inaasahan ang aking natanggap ngunit may kaibigan naman ako at nakita ko siyang masaya sa taong mahal niya.
  Letting him go is not that easy. Masakit. Sobrang sakit na hindi ako ang dahilan ng mga ngiti at tawa niya ngunit kung ito ang ikakasaya niya, hindi ako magdadalawang isip na magsakripisyo para taong mahal ko...dati.

  Naramdaman kong may presensya ng tao sa aking likuran.
  "Baby."
  Tinig palang ng kanyang boses...
  Ang anino niyang nag-lilim sa'kin sa tirik na araw...
  Ang pagsambit niya sa katagang 'yon...
  Ay mistula bang isang orasan na nagpapatigil ng mundo ko.
  Nilingon ko siya at nilagay ang aking kamay sa ibabaw ng mata upang hindi masilaw sa tirik ng araw.
  Bigla akong napa-ngiti.
  Naging sawi man ako noon pero may dumating na siyang tunay na nagmamahal sakin.
  Nagtama ang aming mga mata at nakita ko ang kislap mula rito. Ngumiti siya at inilahad ang kamay sa harap ko upang alalayang tumayo.
  Bumilis ang tibok ng puso ko nang maghawak ang aming kamay. Lihim akong napangiti.
  Marahil lugmok man tayo sa dati nating minahal, kailangan nating lumaban at wag mawalan ng pag-asa, sapagkat may darating na tunay na magmamahal sa atin ngunit kung ako ang tatanungin...
  Dumating na.
  And if there's one most effective solution in moving on? That is to let go.
 

Compilation Of One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon