If Death faced me in the eye today I would not be afraid. The biggest decision of my life I have already made. There are no other wishes I had. Except to ask you to be my Partner. To which you have already said YES. So now I fear no strife. Thanks for taking my hand as we walk. Life's beautiful journey together I promise you Dre, My love for you is Forever and Ever...Author's note: Salamat sa support guys!! Comment and vote😘😘.
Loves you..Natapos ang pananghalian na pulang pula ang mukha ko. Bakit ba kasi ako kinikilig sa hirit ng unggoy na yun.
Tas yung dalawang bata naman ay nahalata pa ata na kinikilig ako kaya mas lalo pa nila akong inaasar.. Hahaha!! Papunta na kami sa turuluyan naming bahay. Nakagrupo na kami sa 3 bawat pamilya. Swerte kasi sa pamilya kami ng isa sa bata na kasabay namin kanina sa pagkain. Andoy ang pangalan nitong kasama ko kasalukuyang papunta sa tirahan nila. Medyo malayo sa tent, paakyat pa ng kaunti yung bahay nila andoy. Malas lang kasi yung dalawang Tukmol ang kasama ko. Ayun sila nagbitbit ng mga dala namin. Napansin ko namang napahinto yung dalwa sa paglakad paakyat kaya huminto rin ako at nilingon ko sila.
"hahahahahaahahahaha" malakas kong tawa. Paano ba naman kasi ngawit na mga dila sa pagod paakyat sa bahay nila andoy. Pero napatigil ako sa pagtawa ng tignan nila akong dalawa nang masama. Ang cute lang nilang tignan kasi ang lalaking tao pero ngawit ang dila sa hapo ng pagakyat. Wag na kayo magtaka kong di ako hinihingala kasi wala naman akong bitbit. Saka sanay na ako sa probinsya namin. Si andoy naman ay tumabi sakin at may binulong. Kaya mas lalo akong napatawa. Paano ba naman kasi nahuli niya daw niya ang dalawa na nag tatalo sa pagbuhat ng dala kong bagahe.
Lumapit na ako sakanila para kunin ang dala ko. Para naman di na sila mahirapan sa paglakad. Nakakahiya kasi mga anak mayaman sila, kaya di sila sanay sa ganung lakaran at may daladala pang mabigat na gamit.
Maya maya pa ay natanaw ko na ang bahay nila andoy. Maliit lang siya at kasiya sa bilang ng pamilya niya. Kaya napatingin ako sa dalawa. Parang napagtanto rin nila ang titig kong iyon. "Kuya ganda andito na po tayo sa bahay namin"magiliw na sabi ni andoy! Natanaw ko namang lumabas ang isang babae na nasa mid 30 ang gulang nito kung pagbabasehan mo sa itsura. May karga karga itong baby.
"Magandang hapon ho! " bati ko sa nanay ni andoy. Ngumiti ito at binati din kami. "Magandang hapon din sa inyo."
Pintuloy niya kami sa kanilang tahanan para maibaba na namin ang mga dala naming gamit. Goal ng Youth Camp namin na ito ay ang matulungan namin silang magsulat at magbasa. Saka may dala dun kaming gamit na pwede naming itulong sa kanila. Bagay na labis ikinatuwa ng magulang ni andoy. May groceries kami na pasalubong. Ramdam ko ang labis na kasiyahan ngayon. Nakakatuwa kasi may isang pamilya kayong matutulongan.
Yung dalawa naman ay busy sa pakikipag laro sa mga kapatid ni Andoy. Napangiti ako sa aking natanaw. "Oi!!! Si kuya ganda kinikilig..!" Biglang sundot ni andoy sa tagiliran ko. Kaya naman namula ako ng husto kasi, naman biglang huminto yung dalawa at tumingin sa kinaruruonan namin ni andoy.
Feeling ko pulang pula na ang mukha ko ngayon. Kasi naman. Lumapit sila samin ni andoy.
"Okay ka lang!!" Patawa tawang sabi ni Terrence. Kung kanina akala mo sasabong sa sobrang sama ng tingin sa isat isa ngayon naman kulang nalang di na maghiwalay.
"O-Oo. O-Okay lang ako."nauutal kong sagot. Kasi naman sino ba di mautal eh naghubad sila ng t-shirt mismo sa harapan ko pa. Kung kanina namumula na ako na nakadamit pa sila ngayon para na akong kamatis na hinog na hinog.
"May lagnat kaba?" Nagalala namang sabat ni Raiven. Isa pa to. Mahabaging embre, bakit ang Hot nilang dalawa. "Wa-wala naman, mainit lang siguro." Bat ba ako nauutal.
BINABASA MO ANG
Give Me One More Chance (boyXboy) the series
RomanceIN THE END YOU ALWAYS BACK TO A PERSON THAT WERE THERE IN YOUR HEART FROM THE BEGINNING....... What if paulit- ulit ka nalang nasasaktan? Would you give him another chance to prove himself, or would you choose to live Alone forever....to avoid...