GIVE ME ONE MORE CHANCE (GMOMC)
"Yes,!!" Sigaw ni Sky na siyang ikinagalak ng mga Magulang niya. "Mama,. Matutuloy na ang pangarap kong makapag aral sa St. Catherine University." Ito kasi ang matagal ko ng pinapangarap. Ang makapag-aral sa St. Catherine University sa Manila. Kilala ang unibersidad na ito dahil dito nanggagaling ang mga Top Board and Bar Exam passers. Kilala din ito dahil halos lahat ng Estudyante dito ay Puro may Kaya sa Buhay. Ito ang school na pangarap ng lahat. Bukod pa dun may isa pa akong Dahilan kung bakit gusto ko makapag aral roon. Kasi sa SCU din nag aaral ang crush kong Artista. Matagal ko na siyang Crush. Simula palang sumibol ang kasikatan nito sa showbiz ay hinahangaan ko na ito. Dahil sobrang bait nito. At higit sa lahat Dahil sa Mala
Naalala ko pa nung nagkaroon sila ng mall show dito sa amin. Talagang Pinaghandaan ko yun. Gusto ko itong makita sa personal. Kahit may pasok kami nun ay lumiban ako para lang masilayan ito. Alama ko namang mali ang ginawa kong iyon pero isang beses lang naman yun. At para kay Terrence yun. Pabukas palang ang mall ay andun na ako nakaabang. Hanggang sa magsimula na ang event. Syempre nagbayad talaga ako para makita ko siya mismo ng malapitan. Ganun siya ka special sakin. Nagagalit na nga si mama at puro nalang daw ako Terrence.
"This is it." Sabi ko kay mama at tatay. "Tay, Ito na po yung simula ng pagabot ko sa mga pangarap ko." Yakap ko kay Tatay. Si mama naman halos di na matigil ang Luha kakaiyak.
"Ma, naman! Diba dapat masaya tayo!!" Pag che-cheer ko sakanya. Ayoko kasi na umiiyak siya para na rin akong iiyak kapag ganun.
"T-Tears of J-Joy lang Nak." Si mama habang nagpupunas ng luha. Niyakap ko naman sila.Masyado nang mahaba ang intro ko. Di niyo pa pala ako nakikilala. Skyler Ezikiel Javier,17,.KakaGraduate ko lang ng Senior High,. Nagtake ako ng Entrance exam sa mga Universities and Colleges. Pero tanging SCU talaga ang pinakagusto kong pasukan na unibersidad. And Ito na nga ang Good News,. Magiging iskolar ako sa University. Which mean all expenses will provided by the School.
Even my Dormitory basta ma maintained ko ang mga grades ko na hindi bababa ng 1.75.Bata palang ako Gusto ko na talagang maging CPA. Kaya talagang mula elementary ay pinagbubutihan ko na ang pagaaral ko. Kaya nung nag Grade 11 na ko ay ABM (Accountancy, Business, & Management) ang kinuha kong strand. Which is intended for those students who would like to be Accountants, Businessmen and Entrepreneurs.
Pangatlo at bunso sa pamilya. Lahat kami lalake. Simple lang ang pamilya namin hindi mahirap at hindi rin mayaman. Pero pinalaki kami ng magulang namin na may respeto sa kapwa at may takot sa Diyos.
—//—
"Anak mag-iingat ka sa Maynila." Ani mama habang tinutulungan akong magligpit ng mga damit ko. Niyakap ko ito ng mahigpit.
"Opo naman Mama. " nakangiti kong sagot dito. First time ko kasing mapalayo sa magulang ko. May takot at pangamba pero dapat kakayanin para sa pangarap."Tawagan mo kami anak pag hindi ka busy sa school." ramdam ko ang lungkot sa tono ng salita ni Mama. Normal lang siguro sa Magulang ang ganito. Lalo na sa isang Ina.
"Syempre naman Ma. Saka wag ka Mag-alala mag vivideo call ako kay manong claud (kuya claud)." Pagbuhay ko sa ekspresyon ni Mama. Mukhang effective naman at sumilay ang ngiti sa mga labi nito.
Si Kuya Claud ang panganay. Siya rin itong Tagapagtanggol ko sa school. Si Kuya Windsor naman ang pinaka tropa ko sa lahat ng bagay. Kahit sa paglalaro ng basket ball or kahit anong ball games. Minsan nga inaaway ako ng dalawa kasi daw masyado akong binibaby ni mama. Pero biru-biruan lang yun. Alam ko naman kung gaano sila ka protective sa akin.
"Goodnight Ma." Sabay yakap ng mahigpit "I love you po Mama" paglalambing ko pa sakanya. Niyakap niya rin ako.
"Goodnight Anak!""Sya nga pala Sky, wag munang magBoyfriend focus ka muna sa studies mo." Sabay gulo sa buhok ko.
Napangiti ako bigla sa binitawan niyang salita"Ma naman ee! hahaha".
"Oh sya matulog kana at malalim na ang gabi." Tumayo na siya palabas ng kwarto ko. Napatitig lang ako sa kisame habang iniisip ko ang mga posibleng mangyare sa pagpasok ko ng SCU.
"Makikita ko kaya siya sa SCU."napangiti lang ako sa mga nasabi ko. "Antayin moko Terrence. Parating na ko." Tanging nasambit ko bago ko nakatulog.
A/N: hi guys! Hope you enjoy this story. Just click the star and comment your suggestion.
I love You ❤️
(Sky&Terrence)
BINABASA MO ANG
Give Me One More Chance (boyXboy) the series
RomanceIN THE END YOU ALWAYS BACK TO A PERSON THAT WERE THERE IN YOUR HEART FROM THE BEGINNING....... What if paulit- ulit ka nalang nasasaktan? Would you give him another chance to prove himself, or would you choose to live Alone forever....to avoid...