CHAPTER 1:

4.5K 93 0
                                    


  HABANG ANG LAHAT AY NATUTULOG, may isang nilalang ang dinalaw ng isang panaginip.

"Papatayin ka niya! Siya ang maniningil sa'yo."

"Hindi!"

"Pagbabayaran mo ang mga kasalanan mo sa'min. Isa kang dimonyo!"

"Dahil sa inyo kaya ako naging dimonyo! At wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko."

"Mamatay ka rin at alam mo kung ano ang masakit? Dahil sarili mong anak ang papatay sayo!"

"Patay na ang anak ko kaya huwag na huwag mo siyang idadamay dito!"

"Yan ang isa mong malaking pagkakamali dahil buhay na buhay ang anak mo."

"Sinungaling!"

"Siya ang maniningil para sa'min at pagbabayaran mo ang mga kasalanang ginawa mo sa Pamilya ko!"

"HINDI!!!" Hinihingal at pawisang napabalikwas mula sa kama ang Don. Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng kanyang silid at wala namang ibang tao maliban sa kanya. "Panaginip lang pala," Kanyang nausal at napakunot-noo siya nang makitang bahagyang nakaawang ang bintana sa silid niya. Naglakad siya patungo roon at sumilip kung may ibang tao na naroon ngunit isang piraso ng papel ang nakita niyang nakaipit sa bintana. Mabilis niya itong dinampot at binasa.

"MALAPIT NA... MAGBABAYAD KA SA MGA KASALANANG GINAWA MO SA PAMILYA KO. PAPATAYIN KA RIN NIYA KATULAD NG GINAWA MO SA'MIN!"

Nanginginig ang mga kamay na nilamukos ng Don ang sulat at itinapon sa labas. Mabilis niyang isinara ang bintana at bumalik sa pagtulog.

Sa Labas ng bahay, isang nilalang ang matalim na nakatingin sa kwarto ng Don. "Malapit na ang katapusan mo!" Puno ng pait na naisatinig nito bago lumisan.

SAMANTALA, SA ISANG CABARET na dinarayo ng mga bigating businessman, nagkakasayahan ang lahat at hindi mapakali ang mga kalalakihan.

Ang iba ay excited at ang iba nama'y nakakaramdam na ng pagkainip sa paghihintay. Hanggang sa may umakyat na bading sa entabldo at nagsalita.

"Good evening everyone! Alam kong excited na kayo sa ating showgirl ngayong gabi kaya hindi ko na ito papatagalin pa... BEBZAI!"

Kasabay ng pagbaba ng bading sa entablado ay may humawi sa telang nakatabing sa likod niyon. Unang lumitaw ang mabibilog at mapuputing hita ng isang babae.

Napasinghap ang lahat lalo na nang mahantad ang buo nitong katawan na natatabingan lamang ng makipot na bikini. Nakatalikod itong dahan-dahang pumagitna sa entablado at kasabay ng pagharap nito ay pumailanlang ang isang maharot na tugtugin. Nagsimula siyang gumiling kasabay ang pagguhit ng mapang-akit na ngiti sa kanyang mga labi.

"Whoooooaaahhhh! Giling pa babe!" Hiyawan ng mga nanunuod, na ang iba ay hindi maiwasang mapahawak sa kanilang pagkalalaki na nag-uumpisa nang mabuhay.

Habang gumigiling ay inilibot ng dalaga ang kanyang paningin sa kabuuan ng Cabaret. Nakita niya ang isang lalaking kumaway at ngumiti sa kanya habang hawak sa kaliwang kamay nito ang ilang papel na pera. Ginantihan niya ang ngiti nito at pinagpatuloy ang pagmamasid sa paligid.

Nahagip ng kanyang mga mata ang isang lalaking mag-isang nakaupo sa isang table di kalayuan sa entablado. Nakayuko ito kaya nagkaroon siya ng pagkakataong tingnan itong mabuti. Kahit nakaupo ay makikita mong matangkad ito at kahit medyo madilim sa bahaging iyon ay hindi naitago ang kagwapuhan nito.

Nag-angat ito ng mukha at tumingin sa gawi niya. Nagtama ang kanilang paningin at hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kaba. Iniiwas niya ang mata dito at pinag-husay ang pagsasayaw.

Hindi naman mapagkit ang pagtitig ni Drake sa babaeng nasa entablado. Gumigiling parin ito at nakapaskil sa mga labi ang mapang-akit na ngiti sa mga nanunuod. Bahagya pa nitong hinimas ang mga dibdib dahilan para mag-init ang pakiramdam ng binata.

Iniiwas niya ang paningin doon at kinuha ang cellphone na nasa ibabaw ng table. Nagdial siya at naka-tatlong ring muna iyon bago may sumagot.

"Hey, dude! Where are you?" Bungad ng nasa kabilang linya na si Bradley.

"Hulaan mo, dude." At bahagyang iniharap niya ang cellphone sa entablado.

"Loko! Huwag kang mang-inggit." Tinig nito na nahulaan na kung nasaan nga ang kaibigan.

"Sayang dude. Ang hot pa naman ng mga babae dito!"

"Tado! Alam mong mas importante pa sa babae ang ginagawa ko ngayon." Nakatawang tugon ni Bradley sa kaibigan.

"Next time dude, isasama kita. I'm sure sisikip din pantalon mo once na makita mo silang sumasayaw."

Nag-usap pa sila ng matagal at nang ibaba ni Drake ang cellphone ay wala na ang babae sa entablado. Pinagala niya ang mga mata sa paligid ngunit hindi na niya nakita pa ang babae.

"Are you looking for me?" Malambing na tanong ng isang babae na basta nalang sumulpot sa kanyang harapan. Tila ito isang Anghel na bumaba mula sa lupa dahil sa maamo nitong mukha. Nakasuot ito ng simpleng bestida at litaw na litaw parin ang kaseksihan. Umupo ito sa tabi niya at tinitigan siya.

"Ah---eh---" Nauutal na saad niya.

"Wala pa nga akong ginagawa, kinakabahan ka na." Wika nito sa kanya at nagsimula na itong humaplos sa kanyang balikat pababa sa kanyang dibdib. Bahagya pa nitong iniliyad ang dibdib kaya naman napalunok ng ilang beses ang binata. Ang kamay nitong nasa dibdib niya ay bahagyang naglakbay pababa hanggang sa dumako iyon sa
nakaumbok niyang harapan. Bahagya nitong pinaikot ang mga kamay sa naghuhumindig niyang pagkalalaki. Hindi niya tuloy maiwasang mapaigtad at mapapikit dahil sa sensasyong hatid niyon sa kanya.

"Masarap ba?" Pabulong nitong tanong sa kanya at bahagya pang kinagat ang punong-tainga niya. "Gusto sana kitang dalhin sa langit, kaso may nauna na sayo." Patuloy nito at inginuso ang lalaking naka-puwesto ilang dipa mula sa table niya. "Sana hindi ito ang huli nating pagkikita," Matapos iyon ay mabilis nitong hinalikan ang kanyang labi saka naglakad patungo sa lalaki.

Nasundan na lamang ito ng tingin ng binata at marahang napailing. Tinapos niya ang inuming nasa kanyang harapan saka tumayo. Nadaanan niya ang puwesto ng lalaki kung saan naroon ang babae kaya hindi nakaligtas sa kanya ang pasimpleng pagkindat nito sa kanya. "Balik ka ha, para madala kita sa langit!" Pahabol pa nito na sinabayan ng pagkaway.

Tumango siya bilang sagot saka nagpatuloy sa paglalakad. Nang makalabas ay sumakay na siya sa kotse at muling pinasadahan ng tingin ang Cabaret. "Well, hindi nga ito ang huli. Mukhang mag-eenjoy ako dito!" Kanyang nausal at isang nakakalokong ngiti ang namutawi sa kanyang mga labi bago pinasibad ang sasakyan.

ANG BABAE SA CABARET NI: M.D.STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon