FINALE:

2.5K 80 4
                                    

Makalipas ang tatlong taon...

Kasalukuyang nasa Quezon memorial park si Drake nang mga sandaling iyon.

Dinalaw niya ang puntod ng kanyang ina. Sumalampak siya ng upo sa damuhan at nagsindi ng kandila.

"Tatlong taon na rin ho ang dumaan simula ng malaman ko ang totoo," aniya habang nakatitig sa larawan ng kanyang ina.

Pumikit siya at muli ay sinariwa ang mga nangyari sa nakaraang tatlong taon.

Nang gabing malaman niya ang katotohanan tungkol sa pagkatao niya, tungkol sa kanyang ina, kapatid at kay Bebzai ay umalis siya ng walang paalam. Nagtago siya at nagtungo sa isang malayong lugar kung saan walang nakakakilala sa kanya za. Sina Bradley na lamang at ang tiyahin niya sa ama ang nagtulongan para mabigyan ng magandang libing ang yumao niyang ama na si General Mendoza.

Isang taon ang lumipas matapos mailibing ang kanyang ama ng magpasya siyang magpakita kay Bradley. At doon ay nagsimula silang muli, hindi lang bilang magkaibigan, kundi biglang magkapatid. Sa piling nina Bradley at Bebzai, masasabing niyang nabuong muli ang pagkatao niya at nagkaroon siya ng panibagong pamilya sa pamamagitan nina Belen, Nero at Elise.

Sa pag-alala sa nakaraan, hindi niya namalayang lumuluha na pala siya.

Isang tapik sa kanyang balikat ang nagpamulat sa kanya.

"Umiiyak ka na naman," wika ni Bradley na nasa likuran niya.

"Naalala ko lang ang mga nangyari, "aniya. Umusog siya ng upo at tinapik ang bakanteng puwesto sa kanyang tabi.

Mabilis namang tumabi si Bradley sa kapatid at umakbay dito.

"May maganda na tayong buhay ngayon, kuya. Siguro mas mainam na kalimutan na lang natin ang nakaraan."

"Siguro tama ka, bunso." Ani Drake sabay ngiti dito. "Oh siya, tara na," yakag nito sa kapatid.

"Tara, para makapagpahinga pa tayo bago sumabak sa panibago nating misyon."

"Let's go."

Sabay silang tumayo at nagpaalam sa kanilang ina.

Kinagabihan...

Dalawang nilalang ang pumasok sa madilim at malawak na bakuran ni Mr. Villegas. Kilala ito bilang isang negosyante ngunit kabilang rin sa sindikatong naglalabas-masok ng mga droga sa Pilipinas. Nalaman nilang nasa labas ito ng bansa, kaya naman sinamantala nila ang pagkakataon.

Maingat at mabilis na nakapasok sa loob ng kabahayan ang dalawa na walang iba kundi ang magkapatid na sina Drake at Bradley.

Pinuntirya nila ang silid-tulugan ni Villegas. Ang isa ay naiwan sa bukana ng pintuan, habang ang isa nama'y tuloy-tuloy na pumasok sa loob.

"Kuya," tawag ni Bradley sa kapatid. Mabilis namang tumalima si Drake at pumasok sa loob ng kwarto. Binuksan nila ang mga drawer at inisa-isa ang mga papeles na naroon.

Laking-tuwa ni Drake ng makita ang mga papeles na kailangan nila. Ang mga ito ang magpapatibay laban kay Villegas.

"Nakita ko na."Aniya at mabilis na lumapit sa kapatid.

"Good!" Sambit ni Bradley kasabay ang pagkindat dito. Nakuha naman agad ni Drake ang ibig sabihin ng kapatid, kaya naman isang nakakalokong tawa ang pinakawalan niya.

"Mission accomplished," panabay nilang saad.

"Paano ba'yan? Nanalo tayo sa pustahan," di napigilang ibulalas ni Drake pagkuwan. "Handa ka na ba?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ANG BABAE SA CABARET NI: M.D.STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon