CHAPTER 21:

1.2K 40 0
                                    

   

Malapit na si Nero sa bahay ni Elise nang mahagip ng kanyang paningin ang isang babaeng tila may hinahabol. Imbis na dumiretso sa pakay ay sinundan niya ang babae. Sa unahan nito ay nakita niya ang isang tumatakbong lalaki na may dalang bag at tila iyon ang hinahabol nito.

Inihinto niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada at mabilis na bumaba saka hinabol ang babae.

"Miss!" kanyang tawag dito.

Napalingon si Bebzai nang marinig niyang tila may tumatawag sa kanya. Nakita niya ang isang lalaking tumatakbo palapit sa kanya.

Nagulat naman si Nero nang makita ang kabuuan ng mukha ng babae.

"Elise?" katagang namutawi sa mga labi niya.

"Sino pong Elise?" nagtatakang tanong ng dalaga.

"Anak ko!" Ani Nero at dala ng katuwaan ay niyakap niya ang kaharap.

"Teka ho..." Ani Bebzai at kumawala mula sa pagkakayakap ng di kilalang kausap. "Bebzai po ang pangalan ko, at hindi Elise!" patuloy nito.

Napatitig naman si Nero sa kaharap dahil sa narinig. Ilang sandali ang lumipas bago niya nakuhang magsalita.

"Kung hindi ikaw si Elise... maaaring ikaw an---"

"Pasensiya na ho... pero may hinahabol po kasi ako." Wika ni Bebzai at mabilis na tumakbo para habulin ang lalaking humablot sa bag niya.

Papunta sana siya sa bahay ng kapatid niya. Ayon kay Princess, sa lugar na iyon niya matatagpuan ang nag-iisa niyang kapatid. Pero dahil dumaan siya sa Palengke, heto at mukhang minalas pa siya.

"Tigil!" sigaw niya sa lalaki. "Ibalik mo sa'kin ang bag ko."

Pero tila ito bingi na nagpatuloy lamang sa pagtakbo.

Mas binilisan pa niya ang pagtakbo hanggang sa masukol niya ang lalaki. Binigyan niya ito ng napakalakas na suntok sa mukha, sabay tadyak dito. Nanlaban ang lalaki dahilan para mabuwal sila sa semento. Nagpambuno sila at pipilipitin na sana niya ang leeg nito nang bigla itong magmakaawa sa kanya. Kailangan daw nito ng perang pambili ng gamot para sa asawang may sakit.

Naiinis na binitiwan niya ang lalaki at pinulot ang bag niya. "Huwag na huwag mo na itong uulitin, maliwanag ba?"

"Opo," tugon nito.

Binuksan niya ang bag at kumuha ng dalawang libo saka ini-abot sa lalaki. "Heto ang pera, kunin mo!" aniya dito.

Mabilis namang inabot iyon ng lalaki saka nagpasalamat.

Tango ang naging tugon niya dito saka siya naglakad pabalik sa Palengke

Si Nero naman ay nanatiling nakasunod sa dalaga. Malakas ang pakiramdam niyang ito ang isa sa nawawalang niyang anak.

Dahil nakatuon ang paningin sa dalaga, kitang-kita niya nang harangan ito ng mga armadong kalalakihan. Bababa na sana siya sa kotse pero natigilan siya ng makilala ang isang lalaki.

"Valdirama?" anas niya.

----

Nakanganga at walang maapuhap na salita ang binata. Tila napako ang paningin niya sa magaganda at malulusog na dibdib ng dalaga.

"What?" bulyaw ni Elise na nakakunot-noo.

Natauhan naman ang binata at agad inginuso ang nakita.

Namula ang dalaga nang ma-realize ang kahubdan. Mabilis niyang sinimukraan ang binata.

"Bastos!" Wika niya saka muling pinag-krus ang dalawang palad sa mga dibdib.

"Wow!" ani Bradley. "At ako pa talaga ang bastos? Sino ba ang nakahubad?" Patuloy niya at dahan-dahang humakbang palapit sa dalaga. "Gusto mo bang makatikim ngayon?"

ANG BABAE SA CABARET NI: M.D.STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon