CHAPTER 13:

1.4K 52 3
                                    

Luhaang niyakap niya ang anak samantalang nahimatay naman ang asawa niya. Tinawag niya ang isang tauhan at ipinapasok sa loob ng bahay ang walang malay na Ginang.

Nang bitawan ni Congressman ang katawan ng anak ay nahagip ng kanyang mata ang kapirasong papel na nasa loob ng garbage bag. Mabilis niya 'yung dinampot at binasa.

Valdirama;

Masakit ba? Masakit bang makita na ang nag-iisa mong anak ay wala na? KULANG PA 'YAN! KULANG NA KULANG SA MGA KAHAYUPANG GINAWA MO SA PAMILYA KO.

Mag-ingat ka! Dahil baka isang araw, di mo mamalayan, ikaw na ang susunod na ipapasok sa KABAONG!

Galit na nilamukos ni Valdirama ang papel at itinapon.

"P**ang *na! Kung sino ka mang hudas ka... magtago ka na sa pinanggalingan mo dahil hindi kita sasantuhin!" galit na turan ng Congressman.

"Bogard! Bogard!" Malakas nitong sigaw sa kanyang tauhan.

"Boss! Ano po 'yon?" Humahangos na tanong ng lalaking tinawag na Bogard.

"Tunto!" Bulyaw ni Valdirama sa lalaki. "Habulin niyo ang taong may gawa nito sa anak ko! Paniguradong nasa paligid lamang iyon at hindi pa nakakalayo."

"Yes, boss!" At nagdudumali na itong bumalik sa mga kasamahan at pinagbigay-alam ang utos ng Congressman. Kanya-kanyang ruta ang mga ito para gawin ang iniutos ng kanilang boss.

Nilibot ng mga ito ang buong paligid ngunit ni anino ay wala silang nakita. Bumalik ang mga ito na bigo sa paghahanap.

"Boss, wala po kaming nakita ni bakas ng taong gumawa nito sa anak niyo," ani Bogard.

"Mga inutil! Mga Gunggong!" Nanggagalaiti sa galit na sigaw ng Congressman at binigwasan sa mukha ang tauhan. "Sayang lang ang perang ipinapasahod ko sa inyo! Hanapin niyo ang taong iyon at iharap niyo siya sa akin!"

Napakamot sa ulo si Bogard, "Eh boss saan kami magha---"

"Hindi ka talaga nag-iisip! Bobo!" Singhal ni Valdirama at sinimukraan si Bogard. "Halughugin niyo ang buong San Rafael at huwag kayong babalik dito hangga't wala kayong magandang balita. Naintindihan niyo?"

"Yes, boss!" Sabay-sabay na sagot ng mga tauhan niya. Lumabas na ang mga ito ngunit naiwang nakatayo si Bogard.

"Ano pang itinatanga-tanga mo diyan?"

"Eh boss, lalaki po ba o babae ang hahanapin namin?"

"Animal ka talaga! Inuubos mo ba ang pasensiya ko?" At kwenilyuhan
niya ang tauhan.

"Hindi po, boss. Ikaw kaya ang maghanap sa taong di mo naman alam ang itsura at kasarian."

"Aba't talagang---" Kusa din siyang natigilan sa pagsasalita nang mapagtanto ang sinasabi ng tauhan. Agad niyang pinulot ang papel at muling binasa.

May nakita siyang parang puzzle sa dulo ng papel, kasunod ang mga katagang, "Malalaman mo lang kung sino 'ko kapag nasagutan mo ang puzzle!"

Nakakunot-noong inabot niya ang papel kay Bogard.

"Basahin at sagutan mo nga 'yan!" mariing utos niya rito.

"Eh boss alam niyo naman ho na di ako marunong magbasa ng english eh!" Kakamut-kamot na saad nito.

"Gago!" Bulyaw ni Valdirama kay Bogard at hinampas ito ng hawak na papel. "Sinabi ko bang english 'yan? Sagutan mo!"

Tarantang kinuha ni Bogard ang papel sa kamay ng amo.

"Alin po ba ang sasagutan ko dito?"

Itinuro naman ng Congressman ang tinutukoy niya.

Tinitigang maige 'yon ni Bogard at binali-baliktad ang papel. Para silang mga tanga na nanghuhula at kung anu-ano na lang ang isinasasagot.

ANG BABAE SA CABARET NI: M.D.STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon